Mind Palace
Eternal Poster
- Joined
- Sep 11, 2020
- Posts
- 1,135
- Reaction
- 327
- Points
- 310
Hiram lang ba ang buhay?
Maraming naniniwala na ang buhay ay hiram lang natin sa Diyos. Iniisip ng mga tao na anumang oras ay puwedeng bawiin ng Diyos ang buhay na ipinahiram niya sa atin. Naniniwala naman ang iba na ang buhay ay itinadhana. Ikinakatuwiran naman ng marami na ang kamatayan ay itinakda na ng Diyos sa bawat isa sa atin.
Ano nga ba ang itinuturo ng Bibliya tungkol dito?
Buweno, ang buhay ay isang regalo. Isang regalo na hindi na kailanman babawiin ng Diyos.
Isipin ito, kung ang buhay ay hiram lang, ibig sabihin, puwede itong bawiin anumang oras.
Pero, kasuwato ba ito ng pangunahing katangian ng Diyos na "pag-ibig"?
Naranasan mo na bang magbigay ng regalo sa anak mo?
Tiyak na bakas na bakas sa mukha ng iyong anak ang saya nang matanggap niya ang regalo mo. At malamang na masayang-masaya siya na mahawakan at magamit ang regalong ibinigay mo.
Pero, masasabi kayang maibigin at matalino ang isang magulang kung walang anu-ano ay kinuha na lang niya basta-basta ang regalo na ibinigay niya sa anak niya?
Tiyak na masasaktan ang damdamin ng iyong anak kapag nangyari iyan!
Sa katulad na paraan, ang buhay ay hindi isang bagay na basta na lang babawiin ng Diyos. Hindi hiram ang buhay. Regalo ito ng Diyos. Katunayan, ang kaisipan na "hiram lamang ang buhay" ay isa sa mga kasinungalingan na laganap sa sistemang ito ni Satanas na Diyablo, at kung minsan pa nga ay siya pang itinuturo ng mga relihiyon. Kaya sinisisi ng mga tao ang Diyos kapag namamatayan sila ng mahal nila sa buhay, kasi iniisip nila na binawi na ng Diyos ang buhay na ibinigay niya para sa mga tao. Napakasaklap nga!
Pero hindi ganoon ang itinuturo ng Bibliya.
Sinasabi ng Bibliya sa Genesis 2:7 kung paano nagkaroon ng buhay ang isang tao.
Oo, inilagay ng Diyos ang hininga ng buhay sa tao kung kaya ito nabuhay. Kaya, tanging ang Diyos lang ang may awtoridad na magbigay ng buhay. Kumusta naman sa mga namatay?
Sa kamatayan, ang hininga ng buhay ay nawawala. Sabi sa Eclesiastes 12:7, 'ang hininga ng buhay ay babalik sa Diyos na nagbigay nito.' Ibig sabihin, bumabalik sa Diyos ang awtoridad na magbigay ng buhay sa isang namatay na.
Paano ipinakikita ng Bibliya ang awtoridad ng Diyos na magbigay muli ng buhay sa isang namatay na?
Pansinin ang nangyari kay Jesus bago siya mamatay.
Sa isang kaparehong ulat, ganito naman ang sinabi:
Kaya, bago mamatay si Jesus, ipinagkatiwala niya ang kaniyang buhay sa Diyos na may kakayahang magbalik nito sa kaniya. Oo, ang buhay ni Jesus nang pagkakataong iyon ay nakadepende na sa Isa na may kakayahang magbigay ng buhay, walang iba kundi ang Diyos o ang kaniyang Ama na nasa langit. Makalipas ang tatlong araw, binuhay siyang muli ng Diyos.
Ano ang punto?
Ang Diyos ang may awtoridad na magbigay ng hininga ng buhay at magbalik nito sa isang tao. HINDI NIYA ITO KINUKUHA O BINABAWI. Oo, ang buhay ay regalo ng Diyos sa atin. Kaya, kung regalo niya ito sa atin, dapat tayong magsumikap na pahalagahan ito at ingatan.
[Hindi layunin ng thread na ito na siraan ang paniniwala ng ibang relihiyon o siraan ang ibang relihiyon, o ang ibang mga tao. Ang layunin lamang ng thread na ito ay upang ipaliwanag ang itinuturo ng Bibliya. Kung ang turong ito ng Bibliya ay sumasalungat sa inyong paniniwala at sa turo ng inyong relihiyon, puwede ninyong suriin ang thread na ito at ikumpara ito sa inyong pinaniniwalaan. Hindi namin layunin na baguhin ang inyong paniniwala o kumbertihin kayo sa relihiyon namin. Ang aming layunin ay ang mangaral at magturo, at magpatotoo tungkol sa Kaharian ng Diyos, gaya ng maliwanag na sinabi ni Jesu-Kristo na gagawin ng kaniyang mga tagasunod bago dumating ang wakas. (Mateo 24:14)]
___
Para sa higit pang impormasyon, narito ang ilang artikulo na makakatulong sa iyo. I-click lamang ang mga link na iyan para malaman ang sagot sa mga tanong.
Nakatakda Na ba Kung Kailan Tayo Mamamatay?
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Bakit Namamatay ang mga Tao?

Ano ang Nangyayari Kapag Namatay ang Isang Tao?

__
Ang inyong pag-unawa at pagrespeto sa mga Thread Starter, sa mga nagkokomento at sa mga nagtatanong ay lubos na pinahahalagahan.
"Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo." (Mateo 7:12)
Maraming salamat sa pagbabasa ng thread na ito!

HIRAM NGA BA?
Buweno, ang buhay ay isang regalo. Isang regalo na hindi na kailanman babawiin ng Diyos.
Gawa 17:25
dahil siya mismo ang nagbibigay sa lahat ng tao ng buhay, hininga, at lahat ng bagay.
Apocalipsis 4:11
“O Jehova na Diyos namin, ikaw ang karapat-dapat sa kaluwalhatian at karangalan at kapangyarihan, dahil nilalang mo ang lahat ng bagay, at dahil sa kalooban mo ay umiral sila at nalalang.”
Santiago 1:17
Ang bawat mabuting kaloob at ang bawat perpektong regalo ay mula sa itaas, bumababa mula sa Ama ng mga liwanag sa langit; hindi siya nag-iiba o nagbabago gaya ng anino.
Isipin ito, kung ang buhay ay hiram lang, ibig sabihin, puwede itong bawiin anumang oras.
Pero, kasuwato ba ito ng pangunahing katangian ng Diyos na "pag-ibig"?
Naranasan mo na bang magbigay ng regalo sa anak mo?
Tiyak na bakas na bakas sa mukha ng iyong anak ang saya nang matanggap niya ang regalo mo. At malamang na masayang-masaya siya na mahawakan at magamit ang regalong ibinigay mo.
Pero, masasabi kayang maibigin at matalino ang isang magulang kung walang anu-ano ay kinuha na lang niya basta-basta ang regalo na ibinigay niya sa anak niya?
Tiyak na masasaktan ang damdamin ng iyong anak kapag nangyari iyan!
Sa katulad na paraan, ang buhay ay hindi isang bagay na basta na lang babawiin ng Diyos. Hindi hiram ang buhay. Regalo ito ng Diyos. Katunayan, ang kaisipan na "hiram lamang ang buhay" ay isa sa mga kasinungalingan na laganap sa sistemang ito ni Satanas na Diyablo, at kung minsan pa nga ay siya pang itinuturo ng mga relihiyon. Kaya sinisisi ng mga tao ang Diyos kapag namamatayan sila ng mahal nila sa buhay, kasi iniisip nila na binawi na ng Diyos ang buhay na ibinigay niya para sa mga tao. Napakasaklap nga!
Pero hindi ganoon ang itinuturo ng Bibliya.
Tanong: "Bakit sinasabi sa Eclesiastes 12:7 na ang 'hininga ng buhay ay babalik sa Diyos' kapag namatay ang isang tao? Ano po ang kahulugan nito?"
(Eclesiastes) Mangangaral 12:7
Alalahanin mo siya bago manumbalik sa alabok ang ating katawang lupa at ang ating hininga ay magbalik sa Diyos na may bigay nito.
Sinasabi ng Bibliya sa Genesis 2:7 kung paano nagkaroon ng buhay ang isang tao.
Genesis 2:7
Pagkatapos, ginawa ng Panginoong Yahweh ang tao mula sa alabok, hiningahan niya sa ilong, at nagkaroon ito ng buhay.
Oo, inilagay ng Diyos ang hininga ng buhay sa tao kung kaya ito nabuhay. Kaya, tanging ang Diyos lang ang may awtoridad na magbigay ng buhay. Kumusta naman sa mga namatay?
Sa kamatayan, ang hininga ng buhay ay nawawala. Sabi sa Eclesiastes 12:7, 'ang hininga ng buhay ay babalik sa Diyos na nagbigay nito.' Ibig sabihin, bumabalik sa Diyos ang awtoridad na magbigay ng buhay sa isang namatay na.
Paano ipinakikita ng Bibliya ang awtoridad ng Diyos na magbigay muli ng buhay sa isang namatay na?
Pansinin ang nangyari kay Jesus bago siya mamatay.
Lucas 23:46
At sumigaw si Jesus: “Ama, ipinagkakatiwala ko na ang buhay ko sa mga kamay mo.” Pagkasabi nito, namatay siya."
Sa isang kaparehong ulat, ganito naman ang sinabi:
Mateo 27:50
Muling sumigaw si Jesus at nalagutan ng hininga.
Kaya, bago mamatay si Jesus, ipinagkatiwala niya ang kaniyang buhay sa Diyos na may kakayahang magbalik nito sa kaniya. Oo, ang buhay ni Jesus nang pagkakataong iyon ay nakadepende na sa Isa na may kakayahang magbigay ng buhay, walang iba kundi ang Diyos o ang kaniyang Ama na nasa langit. Makalipas ang tatlong araw, binuhay siyang muli ng Diyos.
Gawa 2:32
Binuhay-muli ng Diyos si Jesus, at saksi kaming lahat dito.
Ano ang punto?
Ang Diyos ang may awtoridad na magbigay ng hininga ng buhay at magbalik nito sa isang tao. HINDI NIYA ITO KINUKUHA O BINABAWI. Oo, ang buhay ay regalo ng Diyos sa atin. Kaya, kung regalo niya ito sa atin, dapat tayong magsumikap na pahalagahan ito at ingatan.
[Katapusan ng Artikulo]

Last edited: