What's new
  • Welcome to PHCorner forums. Take a moment to sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as: All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Stories Goodboy (Short Story)

the_flash

Elite
Joined
Oct 15, 2017
Messages
7,159
Solutions
1
Reaction
9,207

Not a writer kaya forgive my writing po sana, gusto ko lang mag share haha. By the way, fictional lang po ito ah, walang katotohanan.

*


Sa labas ng 7/11 convenient store at sa kasagsagan ng init ay pawisan ang isang bata na may 'ngalang 'Alex' ang nakatayong naghihintay para sa dyip na kanyang maaaring masakyan papunta sa pinapasukang iskwelahan, alas otso na ng umaga pero napaka init na agad.

Nagpunas muna ng pawis bago pumasok sa loob ng 7/11, umupo at sinimulang kainin ang kanyang inihandang baon kaninang umaga. Ito ay ang tinapay na kanyang pinalamanan nang egg and mayonnaise kanina bago siya umalis at lumabas ng bahay.

Tatlong tinapay ang nakalagay sa plastik at kanya nang nilantakan ang isa. At nang isusubo na ang pangalawa'y may biglang gusgusing bata ang kumalabit sakanya't sabay sabi ng

Pahingi po ng pera pang-almusal lang.

Ang binata nama'y awang-awa at parang dinudurog ang puso sa kanyang nakita, ang batang gusgusin ay sobrang payat at may kasangsangan ang amoy. Tumingin muna siya sa tinapay na kanya sanang isusubo at iniabot ito sa bata nang magulat siya ng tanggihan ito ng maliit na bata.

Kuya, pera nalang po. Pangbili ko ng tapsi.

Aba! At sa isip-isip niya'y Napaka-choosy pa ng batang lalaki't ayaw pang tanggapin ang kanyang pagkain inaalok.

Naisip niya naman agad agad na, baka natatakam itong bata sa tapsi kaya pikit mata niyang ibinigay ang singkwenta pesos niyang natitirang pera na saktong pangpamasahe't pangkain nalang niya.

Pagkaabot ng pera'y mas mabilis pa kay flash na tumakbo agad ang bata papunta sa tapsilogan. Matapos niyang ubusin ang kanyang egg sandwich, naglakad na siya.
Habang naglalakad ay kinakabahan na ang binata.

Paano na ako nito? Ngayon pa naman ako magrereporting.
At mas lalo pa itong kinabahan ng pagtingin niya sa relo ay 30 minuto na siyang late sa kanyang klase


Pag-dating sa pintuan ng classroom ay,

Mr. Junxi, 45 minutes being late in my class is unacceptable, therefore you are marked absent and graded zero in your reporting. NEXT REPORTER, BE READY!


Pawis na pawis ang binatang na nakatayong naghihintay na matapos ang klase ni misis Angeli, ang English terror prof niya.

Paglabas ng guro mula sa naturang classroom ay bigla niya itong hinabol pababa ng hagdan, kay bilis maglakad ng kayang guro.

Mam!

Malakas na pagbanggit nito kaya marami ang napalingon sakanya kasama ang kanyang guro.

Is there any chance that I could still report and get a grade out of it?
Ngumiti ang teacher at biglang nagsalita,

Okay, you may pick one of your classmate's report and then you'll be reporting that plus your original report too. So, you'll be reporting total of two reports tomorrow. Get me?

Opo mam, tenkyu po talaga mam!

Saka pa lamang nakahinga ng maluwag si Alex at kitang kita mo rin ang ngiting hindi maalis alis sa labi niya ngayon.

Naging masaya na siya at pumasok na sa next class niya.
Nang mag-uwian nama'y inisa isa na niya ang kanyang mga kaklase upang umutang ng pangpamasahe pero malas lang niya'y wala na raw pera ang kanyang mga kaklase's saktong pamasahe nalang din daw ang mga pera nito.

P're pautang naman

Last na itong pagtatanungan niya dahil natanong na niya lahat ngunit humingi naman ng pasensiya ang kanyang bestfriend dahil gaya ng sagot ng mga classmate niya ay wala rin daw itong sobrang pera na maipapahiram kay Alex.
Ngumiti naman si Alex,

Sige pre, okay lang, naiintindihan ko kung wala. Mauuna na akong umalis

Lumabas na siya nang classroom.
At sa paglabas niya'y nakangiti lang siya.
Sa mga ngiting iyon ni Alex ay peke, dahil inaalala niya ang kanyang pag-uwi dahil may kalayuan ang kanilang bahay mula sa school kung kanya lamang itong lalakarin. Hindi naman sila may kaya o mayaman na pupuwedeng tumawag lang sa kanyang drayber o magulang at susunduin na siya agad agaran.

Pagdating sa 7/11 convenient store ay agad siyang pumasok at dumiretso sa isang upuan upang umupo at magpahinga muna ng saglit bago muling maglakad. Tumungo siya sa table at di namalayang nakatulog sa sobrang pagod sa layo ng kanyang nilakad.

Nagising si Alex ng may kumakalabit sakanyang isang batang gusgusin. Punit punit ang nga damit.
Kuya baka may kahit anong pagkain ka diyan panggabihan ko lang

sabay himas ng bata sa kanyang tiyan.
Naalala niyang may natira pa pala siyang egg sandwich na nagiisa na lamang at saka ang kanyang bottled water na kalahati na lamang.
Pagkaabot niya ng tinapay sa bata ay agad itong tumabi sakanya.

Kuya, maraming maraming maraming salamat dito. Sabayan mo po akong kumain nitong masarap na tinapay na may palaman.

Ay hindi na lang, kainin mo na at mukhang hindi ka pa kumakain mula kanina? Kahapon? Nung isang araw?

Nagulat nalamang siya sa ginawa ng batang gusgusin dahil hinati nito sa dalawa ang sandwich at iniabot ang isang kalahati sakanya. Hindi pa sana niya ito tatanggapin pero nilagay na ng bata ang sandwich sa kamay niya.

Napangiti siya at sabay na nilang kinagatan ang tinapay. Tila kinukurot naman ang kanyang puso dahil sa mga pangyayari. Masaya siya dahil naisip naman niya agad ang pulubi kanina sa pagta-tinanggi sa kanyang inialok na tinapay at imbes ay naghangad pa ng pera pambili ng tapsi?

Kuya ang sarap sarap naman po nito. Salamat po ulit! 😇

Tumayo na ang bata at umalis ng 7/11.
Tumayo na rin siya at umalis ng 7/11.
Naglakad na siya pauwi ng sobrang saya. Ngiting asong ulol pa ang tema niya dahil sa gaan nang pakiramdam niya dahil may isa pa siyang chance ulit para makapagreport at ang higit sa lahat, hindi mawala sa isipan niya ang imahe ng batang kumakain ng kalahating tinapay na may palaman na itlog at mayonnaise na may matamis na ngiting naka-plastered sa nitong mga bibig.

Hindi alintana ang layo ng kanyang nilakad mula sa convenient store hanggang sa makauwi siya sa kanilang tahanan,
Sa isip isip rin niya'y 'Napakaguwapo rin sana nung batang iyon kung madamitan at maayusan lamang ba.'

(Thoughts so far...? Nasa notes application ko lang 'to and decided to share here hehe)


Abang lang po sa susunod kong post, baka po mamigay ako ng Personal Auto Paid E×préšš VPN :) Follow me para updated lagi sa posts ko click here
 

kokoula

Established
Napakaganda po nang Story na iyong nagawa fictional man yan pero maaari po yang mangyari sa totoong buhay kaya ipagpatuloy mo lang po ang pagbabahagi ng mga gawa mong nakakamanghang Story.
 
1 Comment
T
the_flash
thanks po sa time mo sa pagbabasa <3 you're too kind for those kind words hehe
 

BantayBahay

Established
Pinindot ko to kasi dati akong good boy 🤣👍 Maganda ang story mo ah 👏👏 shout-out nga pala dun sa mga studyante na nasabit ng jeep para makapasok ng school... inubos kase sa kompyuteran ang pera kaya walang pamasahe 😂😂
 
Comment

jncndlcpa

Established
Good boy Han Ji Pyeong ba yan. Haha. Okay siyang intro, super detailed pati yung palaman ng tinapay. I'll be waiting sa susunod na nangyari kay Alex 😊
 
Comment

Popular On This Forum

Online statistics

Members online
1,838
Guests online
1,768
Total visitors
3,606

Forum statistics

Threads
1,069,553
Messages
18,093,824
Members
1,515,140
Comments
1,069,104
Attachments
1,383,242
Profile posts
97,555
Top