What's new

@GOD JESUS ACCEPT GOD JESUS AS YOUR PERSONAL SAVIOR AMEN

Grangermiya

Forum Guru
Established
Joined
May 31, 2022
Posts
1,202
Reaction
522
Points
1,073
Acts 4:12 Neither is there salvation in any other: for there is none other name under heaven given among men, whereby we must be saved. At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas.


Explanation: Si JESUS lang po ang ating Savior at tagapagligtas kasi si JESUS ang isinugo ng DIYOS AMA para tayu ay maligtas wala nang iba hindi ako hindi ang mga mamahalin na gamit hindi ang sasakyan tanging si HESUS po ang kaligtasan po nating lahat ang dapat lang nating lahat gawin ay Manalangin po tayu kay JESUS at Manampalataya po tayu na si JESUS ang Ating Savior At Tagapagligtas Patungo sa AMA na nasa Langit at tanggapin po nating lahat si JESUS magsisi sa ating mga Kasalanan Tanggapin po nating lahat si JESUS bilang DIYOS Na Tagapagligtas at DIYOS na mangagamot po nating lahat AMEN Manampalataya po tayu at Manalangin po tayu na Isulat po tayu ni JESUS sa aklat ng buhay AMEN upang tayo ay Maligtas Sumabay kayo sa Dasal naito at basahin nyo po ito


PRAYER OF ACCEPTANCE

Panginoong Diyos, aming Amang makapangyarihan sa lahat, sa Pangalan ng Inyong Anak na si Hesus, ako ay nagsusuko na ng buhay sa Inyo. Inaamin ko na ako ay makasalanan at patawarin Niyo po ako sa lahat ng aking nagawang kasalanan sa isip, sa salita at gawa.

Ako po ay nananampalataya Panginoong Hesus na Ikaw ay namatay sa Krus upang bayaran ang aking mga kasalanan, at muling binuhay ng Diyos para pagkalooban ako ng buhay na walang hanggan.

Panginoong Hesus binubuksan ko po ang aking puso at tinatanggap Kita ngayon Hesus bilang aking Panginoon at sarili kong Tagapagligtas. Banal na Espiritu ng Diyos, inaanyayahan Kita na pumasok sa aking puso, Kayo na po ang manahan at maghari sa buhay ko mula ngayon at magpakailanman.

Ituro Niyo po sa akin ang Iyong kalooban at simula po ngayon Ikaw na po ang aking susundin, at isulat Mo po ang aking pangalan sa Aklat ng Buhay jan sa langit. Maraming salamat po O Diyos sa Inyong kapatawaran, sa Pangalan Mo Hesus, Amen!
 
Back
Top