What's new

Trivia Engkanto, aswang? tara láρágan ng experience😁

Ito pa isa totoo to..yung pag uwi mo ng bahay walang tao..pero pagtingin mo sa lababo maraming hugasin.nakakatakot Yun.
 
na alala ko pag akyat ko sa isang napaka diim ng foot brigde. pa uwi na ako noon galing sa trabaho ng biglang may bumulong sakin.nan lamig at tumayo ang balahibo ko nung marining ko yun at ang binulong niya ..

psst wampiti

sinapak ko nga ..
 
Maghahating-gabi nuon sa probinsya namin sa Pangasinan at nag-uusap pa kami ng girlfriend ko ng mga sandaling yon. Hindi namin namalayang may aswang na umakyat at sumilip sa atip ng kubo namin. Doon ay tahimik muna syang nakinig sa amin..

GF: Babe? Paano yan may nangyari satin? Paano kung nabuntis ako? Papanagutan mo ba ako?
AKO: Syempre naman babe mahal kita.
GF: Talaga? Paano natin papalakihin ang anak natin?
AKO: Magtatrabaho ako at magsisikap para mabuhay ko kayo.
GF: Eh paano kung wala kang mahanap na trabaho tapos palayasin ako
ng mama at papa ko at ganun ka din, anong gagawin natin?
AKO: Ahm. Bahala na ang nasa itaas kung paano nya tayo tutulungan
palakihin ang bata.

Biglang may sumigaw galing sa itaas:

ASWANG: ******* niyo! Huwag nyo ko idamay dyan sa kalandian nyong dalawa, kayo ang gumawa nyan kaya kayo ang bahala dyan. Nanahimik ako dito sa taas, tapos ako ang tutulong magpalaki ng batang ginawa nyo!? ano ako magulang nyo? Makaalis na nga, nabebeastmode nyo lang ako mga bwiset!!!

Sobrang nakakatakot grabe.
 
Ako naman nag bakasyon kami nun sa province namin meron kaming maliit na rest house lang dalawang maliit bahay na magkatabi yung isang bahay mostly walang gamit pero may duyan so dun ako mostly nakatambay nag cecellphone. Hindi talaga ako naniniwala diyan sa mga multo2 na yan nag ccringe nga ako pag may nababasa akong mga horror stories pero one time talaga gabi na yun habang nasa duyan ako may narining akong parang aswang na nasa ere dinig na dinig ko kahit na medyo nasa malayo yung tunog kasi tahimik, di ko alam kung aswang ba yun o paniki ngayon lang ako nakadinig ng ganun eh so napatakbo talaga ako pabalik sa kabilang bahay. Di ko na na check sa takot.
 
Last edited:
Ang Alamat ng Aswang

Noong unang panahon, lima pa lamang ang tao sa mundo.Isa na dito ay ang batang si Lam-eng. Kasama niya sa kanilang kahariang patag ang kaniyang Tiyo Samuel. Nandoon din ang dalawa nilang alalay na sina Inas dilim at si Amir-ika sinag. Gabi-gabing nananaginip si Lam-eng tungkol sa isang lalaking kamukhang kamukha niya na nakatira sa bundok. Dahil sa pagkabahala, tinanong niya ang kaniyang Tiyo Samuel ukol dito.

Sinabi sa kaniya ng kanyang Tiyo Samuel na kambal silang ipinanganak ng kanilang inang supremong bathala. Siya ay pinatira sa patag kasama ng ng kanyang tiyo at ang kaniyang kambal na si Asuw-eng naman ay mag-isang iniwan sa bundok. Napatigil ang kaniyang tiyo sa pagkukuwento. Naisip kasi nito na kung sakaling magkasama ang dalawang magkapatid, ay magsasama din ang malalakas na kapangyarihan ng mga ito na maaring makapagpawala sa taglay na kapangyarihan ni Tiyo Samuel. Kaya naman sinabi agad nito na napakabangis na taong may pakpak at dalawang malalaking pangil si Asuw-eng.

Kaya umano ito inilagay sa bundok para doon kumuha ng mga karne ng hayop bilang pagkain. Mas malakas din umano ito kay Lam-eng at maaari itong lapain sakaling lumapit si Lam-eng kay Asuw-eng. Gayumpaman, nais pa ring makita ni Lam-eng ang kaniyang kapatid. Hindi siya pinayagan ng kaniyang Tiyo Samuel kaya sinabi nito na uutusan na lang niya ang dalawang alalay na umakyat sa bundok para makuha si Asuw-eng. Gagawin ito pagsikat ng araw kinabukasan.

Gabi bago ang araw ng pag-akyat sa bundok, pasikretong tinawag ni Tiyo Samuel si Amir-ika. Sa kanilang pag-uusap, ibinigay ni Tiyo Samuel kay Amir-ika ang dalawang malalaking karayom. Kailangan umanong itusok ang dalawang karayom sa leeg ni Inas bago pa sila makarating sa tuktok ng bundok. Dagdag pa rito, kailangan ding sugat-sugatan si Inas na para bang nilapa ng isang mabangis na hayop.

Umakyat na nga ang dalawang alalay sa bundok, at nangyari ang ayon sa plano. Bumaba si Amir-ika na dala-dala ang bangkay ng kasamang si Inas. Sinabi nito kay Lam-eng na inatake sila ng isang lalaking may pakpak at malalaking pangil. Buti na lang daw at nakatakbo siya ngunit si Inas ang nabiktima. Natakot si Lam-eng sa nangyari at paniwalang-paniwala siya na halimaw nga ang kanyang kapatid. Bumaba ang dalawang babaeng anghel na itinakdang magbibigay ng anak sa magkapatid.

Ang isa ay pumunta sa bundok at ang isa kay Lam-eng. Nang magkaanak na si Lam-eng, binalaan niya ang mga ito na huwag pupunta sa bundok dahil nandoon ang halimaw niyang kapatid na si Asuw-eng. Nagpasalin-salin sa lahi ni Lam-eng ang kuwento tungkol kay Asuw-eng.

Unti-unti ding nabago ang tawag sa halimaw, mula sa Asuw-eng ay naging asuwang at ngayon nga ay aswang. Nagkaroon din umano ito ng mga anak. Ang isa ay nahahati ang katawan na kung tawagin ay manananggal at ang lalaking malaki't matikas na tinatawag na kapre, ang lalaking anak ni Asuweng.
 
Bata pa ako mga gradeschool pa, nakatira kami sa isang apartment na malapit sagubat at bangin, marami na ang nakakakita at nakakaramdam sa may gubat at bangin at sa mismong apartment, at sa akin din mismong karanasan


Gabi na iyon matutulog na, kasama ko ang aking kuya natulog sa salas ng bahay, ang bukas lang na ilaw ay sa labas ng bahay na kulay dilaw na bumbilya. Nang matutulog na kmi, napansin ko na may isang putol na kamay na anino ang nsa labas ng bintana. Gumagalaw in circular motion. Nakita ko kapatid ko nangingig sa takot. Naisip ko imposibleng tao yun kasi putol talaga sya, imposible na mapuputol ang anino kung tao yun dahil mahahahip ang braso ng anino. Nagtatakbo kami ng kapatid ko sa kwrto at sinabi sa mama at papa namin ang ngyari. Naniwala ang mama at papa namin dahil sila din mismo ay nakita din yon. Pati ang pinsan at tito ko kamay din ang nakita. Anong meron sa kamay na iyon sa apartment? Anong hiwaga ang gusto nitong iparating.?

Meron pa isa nakakita ako ng isang babae na nakapantabing sa ulo parang matandang babae na nakapansimba parang ganon or parang madre, medyo silohuette yung image, mabilisan lang dumaan lang sya sa pinto sa may pasillo (nakabukas ang pinto), madaling araw yun . Hindi ko pinansin hindi ako natakot dahil akala ko si mama yun. Pero nung paggising ko inalala ko yung detalye. Parang nakabelo o may pantabing sa ulo yung babae. At hindi si mama yun at natanong ko na rin sya about duon. Sino ang babae na nakita ko? At base sa history ako palang nakakita sa babae na iyon. Creepy.

Sa ngayon malaki na ako, hindi ako matatakutin, nakakadaan ako sa gubat papunta sa bago naming bahay pauwi. Dahil aa trabaho ko na madaling araw na nakakauwi, madalas ako dumaan sa tapatan sa gubat papunta sa national road, 10 minutes na lakad lang compared sa 30minutes sa tricycle paikot sa bayan. Wala ako pinipiling oras, mapa alas dose , ala una, alas dos alas tres dumadaan ako doon, may naririg ako na may dating kwento sa lugar na iyon pero dati ma yon at sa ilang beses na ako dumaan don ay ni isang beses wala ako naramdaman, basta lighter na flashlight at panalangin lamang ang tangi kong dala sa paglalakad ok na ako, pero syempre may kaba parin, gubat yun syempre.

At sa di inaasahang pagkakataon habang naglalakad pauwi, mag aalastres na non, may naamoy ako na sobrang bango, as in pabango. Nangilabot ako, saan manggagaling ang mabangong amoy na yon? Wla ako nakita wala ako naramdaman na sumusumod o ingay. Ako lang at walang iba ang naglalakad sa kadiliman ng gubat, sino iyon. Tinanong ko sa matatanda kung ano iyon, ang nasabi nila ay isa iyong enkanto, sinabi nila na wag mo papansinin yon at magderetso lang sa paglalakad dahil pag napansin daw nila na naamoy mo iyon o napahinto ka ay paglalaruan ka nila. Buti nalang, hindi ko pinansin yon at nagderetso lang ako sa pag lalakad. Salamat sa Dios dahil hindi nya ako pinabayaan.

May Isang karanasan din ang nagpahinto sakin na hindi na ako dumaan don sa kalaliman ng gabi. Hanggang alas otso nalang ang kaya kong oras na dumaan doon. Dahil nag labasan ulit ang mga kwento sa gubat sa tapatan shortcut. May pugot daw, mga kaluluwa. At sa akin ay tiktik hinabol ako ng huni nya sa paglalakad sa gubat, nawala yung huni nya nang ilang daan metro nalang ang bahay namin. Doon ako nangilabot. Tumakbo ako sa nerbyos parang aatakihin ako sa takot. Ang lakas ng hangin at pagaspas ng narinig ko. May buntis sa area malapit sa gubat, may isang bahay doon sa gitna at buntis ang naninirahan doon. Baka maramil ay nabaling lang sa akin yung tiktik o aswang na yon. Dasal at panalangin ang nagligtas sa akin. At iyon ang ang aking mga nakakakilabot at tunay na karanasan.

Hindi na ako nakakakita ngayon. Pero malakas ang pakiramdam ko sa isang bahay na may negatibong enerhiya na pumapaloob. At ito ang aking kwento.
 
Na experience kona tohh dti, ehh nung high school ako, wla ng katao tao sa building nun. Ehh mag CCR ako, tapos parang may multo ksi nagulat ako, pag tingin ko sa loob, may tae pero wlang tao
 
Last edited:
16 years old ata ako noon, naalala ko dala ko yong tricycle namin. Tapos me sumakay saking white lady. Di ko makakalimutan yong araw na yon.
 
Inutusan ako ng tatay ko bumili na toyo e gabi at bilog ang buwan at sobrang liwanag napadaan ako sa madilim na daan may napansin akong para may nasunod sakin kala ko kung ano anino ko lang pala
 
galing akong inuma nag lalakad ako pauwi samin kampante nako kasi medyo malapit nako nung pag lingon ko sa gilid parang may anino akong nakita tapos mga pang limang hakbang ko may bumaswit galing sa likod ko nilingon ko wala naman so nung pag harap ko may bakla wampipti daw pota nawala lasing ko ayon gulpe de gulat
 
Aswang Naman malakas daw to tumalon mga 6× daw ang lakas nila sa tao Kaya Ren mag ibang anyo sabi Naman Ng Lolo ko😅
 
May ikinabit akong duyan sa dalawang puno ng mangga syempre yung mga oras na yun pagod na pagod ako sa kadahilanang naglaba ako sa dame naman nun at dame ng tao sa bahay.......fastforward....yung na nga habang nasa duyan ako bigla ako naidlip mayamaya napansin ko na parang medyo umuuga tas gumagalaw yung duyan...yun na nga may naramdaman akong kaba at napalingon bigla tas bigla akong nagulat sa nakita ko na may mahal na pala syang iba.
 
isang gabi nattulog na kaming lahat tapos nang may narinig kaming malakas na akala namin may sumabog dalidali kaming lumabas pra tignan pero wala naman tpos sinilip namin yung kabilang kwarto kasi dun natutulog yung 2 pinsan ko yun pala nahulog yung luma at malaking tv na nakastock nalang dun pero yung pinagpapatungan ng tv hindi nagalaw or natumba tapos para mabuhat pa yung tv kailangn 2 tao ang mgbuhat, ang pwesto ng tv nsa tabi ng ulunan nya pero nung nakita na nmin nsa paanan nya na yung tv dun kami nun natakot kaya tuwing gabi nagdadasal kmi
 
Nung isang bahay namin walang ka tao2x. One time doon ako natulog sa sala, nagising ako hatinggabi may dalawang batang naglalaro. Pagtingin ko blangko ang mga mukha. Ayaw ko sumigaw, tumalikod na lang ako at pumikit hanggang sa makatulog ako ulit.
nakakatakot 😖 Kung ako yun takbo ako palabas
 

Similar threads

About this Thread

  • 100
    Replies
  • 5K
    Views
  • 63
    Participants
Last reply from:
-Bannerism

Online statistics

Members online
321
Guests online
5,160
Total visitors
5,481
Back
Top