What's new

BBM parin ba?

monarchie123

Honorary Poster
Established
Joined
Mar 14, 2021
Posts
345
Reaction
104
Points
174
Aminado ako isa ako sa bumoto kay BBM kasi nga umaasa ako na magbabago ang pinas. Pero ngayon parang ewan ko, di ko ramdam eh parang palala ng palala ang pinas. Nung una naiintindihan ko kasi nga bago palang hindi yun madali. Halimbawa nlang sa etong sa War on drugs.. Grabeh nag sibalikan ang mga drug users/pushers. tsk3 masyado nang napaka luwang para sa kanila. Tapos ngayon pataas ng pataas ang bigas. Nag aaway away pa. Hindi ko na din alam kung tama bang binoto ko sya. :/ pero still naniniwala pa nman ako mga 70/30 nlang.
 
Hello. Your loyalty should always be for our country. Huwag sa mga politiko na halata namang may mga pansariling motibo. It's ok to criticize politicians, kahit pa iyong mga binoto mo. At kung di ka pa aware, walang pang "war on drugs" na nagtagumpay sa buong mundo. Kadalasan yang mga ganyan, may mga hidden agenda. In case of Digong's admin, wala talagang balak na sugpuin ang droga sa Pinas: tinanggal lang ang competition.
 
Hello. Your loyalty should always be for our country. Huwag sa mga politiko na halata namang may mga pansariling motibo. It's ok to criticize politicians, kahit pa iyong mga binoto mo. At kung di ka pa aware, walang pang "war on drugs" na nagtagumpay sa buong mundo. Kadalasan yang mga ganyan, may mga hidden agenda. In case of Digong's admin, wala talagang balak na sugpuin ang droga sa Pinas: tinanggal lang ang competition.
Yes aware naman talaga ako dun, pero kung ikompara mo naman sa duterte administration halos wala na talagang adik samin.. ramdam ko yun, pati din naman sa ibang lugar. Pero ngayon, shems. . Maluwag ulet. .dami nnaman patayan lalo na dto sa leyte/samar. Dumarami. .but aniways. . So far yun palang dn naman nakaka dismaya as of now. Yung sa ibang concerns tiwala parin naman ako. . Kaya nga nasabi ko 70/30 nalang. .tiwala parin naman ako kahit papano..

yes bbm pa kasi sya presidente
pero batikusin lng natin ng batikusin mga ginagawa nyang mali

kasi kahit ayaw na natin s knya sya parin nakaupo
Yeah. .hindi naman sa ayaw, i prefer over leni parin naman eh. .Siguro na dismaya lang ako sa war on drugs kasi parang lumuwag masyado.

nagtago lang yang mga adik at pusher... simula 2016 madami na yan... palpak war on drugs ni digunggong...
I dont think na palpak yun. . Sabi pa n c9n_666 wla pa may nagtagumpay aa war on drugs na yan. Pero sa d30 admin naman kahit papano is na lessen nya. .nag karon ng kinakatakutan mga adik nun kaya nag tatago, at iba naman ay talaga may extra judicial killing. .
 
Last edited:
wala power presidente, nasa oligarch at senate-congress huling utos. paulit-ulit lang, pero nandito parin tayo sa ganitong tanung.
 
Kahit sino maupo mahihirapan umunlad ang pinas, it takes decade bago umunlad ang isang bansa. Hindi kaya yan ng six years na nakaupo. Dapat dati pa lang dapat iisa na ung layunin ng bawat presidente na uupo. Kahit pa si Queen Elizabeth ang maupo or hari ng Saudi. Hindi rin nila kaya yan ng six years.

Dahil sa laki ng utang ng pilipinas at sa dami ng problema. Hirap din maka-akit ng investors kasi malaki tax sa pilipinas pag dating sa mga nagnenegosyo at mababa pasahod. Dapat baguhin ang batas at maayos ang nakaupo
 
The truth behind that, kahit sino pa ihalal na pangulo whether pinakamahusay man yan or etc wala ng mangyayari sa bansang Pilipinas dahil meron ng malubhang sakit ang bansa natin. Napakaganda ng Pilipinas pero pagdating sa gobyerno wala ng pag asa yan dahil yang mga opisyal na yan matagal na yan dyan sa gobyerno at alam na nila pasikot-sikot at galawan para makapaglikom pa din ng pondo ng taong bayan para sa sarili nilang kapakanan (I'm referring corruption). Nakakalungkot man isipin pero need na natin tulungan sarili natin,.wag na umasa sa Brgy, senador, presidente o kung sino man dyan. (Not all but "almost" all of them).
 
I dont think na palpak yun. . Sabi pa n c9n_666 wla pa may nagtagumpay aa war on drugs na yan. Pero sa d30 admin naman kahit papano is na lessen nya. .nag karon ng kinakatakutan mga adik nun kaya nag tatago, at iba naman ay talaga may extra judicial killing. .
Nah, palpak talaga siya. Mga lower levels na addict yung tinatarget niya and yung mga drug lord, freely nakakagamit at nakakapagbenta. Tama si c8n_666 na tinanggal lang yung competition. And para sa sinasabi mong nalessen yung adik, lahat naman nalessen. Pati mga tao sa daan, hindi mo alam kung bigla ka nalang bang tutukan ng pulis tapos tataniman ka ng droga at barilin ka at sabihin nanlaban ka. Halos lahat ng tao takot that time because of tyranny kahit inosente ka pa.
 
Mga bastard delawans be like:

"Kasalanan mo yan. Boboto boto ka pa ng ngiwi, tapos magre reklamo ka pa..."
 
para sakin wala akong pinag sisihan na ibinoto ko si bbm. kung sa presyo lang ng mga bilihin sa ngayun ang titignan natin, totoong napaka taas ng bilihin sa ngayun. pero ang tanong, ano nga ba ang mga dahilan baket mataas ang mga bilihin? una na dyan ang buying power ng consumers. mas mataas ang buying power ng consumer, mas mataas ang demand.. pag mas mataas ang demand, mas mataas ang presyo. paano nga bang lumakas ang buying power ng consumers? una, sweldo, kaya hindi basta itinataas ang sweldo, bukod sa di kakayanin ng mga entrepreneur, yan ang isang dahilan.. kailangang balanse ang sweldo at hindi pwedeng tumaas ng biglaan dahil tataas din ang demand ng mga products. noong panahon ni prrd, itinaas nya ng doble ang mga sweldo ng mga pulis at sundalo. sa ibang sector din nagkaron ng increase. pangalawa, petrolyo.. pag mataas ang petrolyo, which is hindi hawak ng gobyerno natin ang merkado ng petrolyo at sumusunod lang tayo sa taas baba nyan, wala tayong control dyan. kung mataas ang petrolyo natural na magtataas din ang presyo ng pag aangkat ng mga produkto. hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat na may giera sa ukrain at russia na talagang napaka laki ng epekto nito sa merkado ng petrolyo. sa mga nag aral ng economics, iba ang tingin nila sa kasalukuyang sitwasyon ng economiya ng pinas. kabaliktaran sa mga ordinaryong pilipinong gaya natin. sa ibang bansa gaya ng singapore, triple ang presyo ng mga bilihin kumpara sa pilipinas. nakikita nyo bang masama ang economiya ng singapore? hindi diba? hindi lang singapore.. maraming bansa ang ganyan kasama na dyan ang japan, at mga bansa sa europe. ngayun sasabihin natin, eh malalaki mga sweldo doon eh kaya ok lang.. dyan nyo na makikita yung sinasabi kong buying power vs. comodities. yan ang magandang halimbawa. dito sa pilipinas, mabubuhay ka at makakakain 3 beses isang araw, mababayaran mo mga bills mo kahit iisa lang ang trabaho mo at 8 or 9 hours ka lang nagtatrabaho. sa ibang bansa, hindi ka mabubuhay doon ng isang trabaho lang. mas malala ba sa pinas nyan compared sa mga nakikita nyong maayos na bansa?

ganito lang yang mga tropa.. pag mababa ang sweldo mo, humanap ka ng mas mataas na sweldo. hindi natin dapat iasa sa kung sinong herodes ang buhay at kabuhayan natin. sarili lang natin ang makakapag bigay ng ginhawa sa atin. maraming nagtatrabaho dito sa pinas na malalaki ang mga sweldo, kung ikaw hindi ka makakuha ng ganun gaya sa iba, ang problema is ikaw mismo. it's either kulang ang skills mo para sa ganung klaseng sweldo or kulang ka sa drive para ilagay mo ang sarili mo sa mas magandang posisyon sa buhay.
 
Last edited:
maiba lang ako ng topic. mas naiinis ako sa weekly winners ng lotto. kung sino man may pakana ng lahat na yan baka pati impyerno di na sila tanggapin XD
 

Similar threads

Back
Top