What's new

Trivia Engkanto, aswang? tara láρágan ng experience😁

15 years old ako nung unang nakakita ako ng mga hindi normal na nakikita tulad ng white lady, kapre mga malalalaking nilalang na lumilipad (hindi ko alam kung ano yun pero mabalahibo sya at malaki ang pakpak). gabi gabi at araw araw nakakakita ako ng mga ganun at dahil muntik ako maging baliw . halos di ko kayanin yung takot na nararamdaman ko pag nag papakita sila , paano ba naman ,pati tanghaling tapat ay magpapakita sayo yung white lady. laya nangyaring nagkukulong nalang ako sa kwarto.

one day , napag pasyahan ng aking mga magulang na ako ay pag bakasyonin sa mindanao na lugar ng akin lola. pumayag naman ako upang maka recover ako sa nangyayari sakin. noong nasa lugar na ako ng aking lola ay mas malala ang nang yari ,dahil sa lugar nila lola ay mas maraming hindi dapat makita ang aking nakita. mga sari't-saring maligno, at aswang. tulad nang dati ay nag mokmok ako sa kwarto upang di ako masyadong matakot. ngunit pinilit ako ng lola ko mamuhay na parang normal sabi pa nya ay 'di ka gagaliwin ng mga nakikita mo kung wala kang ginagawa sa kanila at parihas tayong nakikita sila, kaya sanayin mo sarili mo na hindi matatakot pag nakikita sila' .so ginawa ko nga yung sinabi ni lola. tumagal ako ng 3 years kay lola at hindi na ako natatakot sa mga maligno at white lady . maliban sa aswang, nakapinsala kasi sila sa tao kaya nakakatakot parin sila lalo na pag wala tayong alam na pang depensa sa kanila.after 3 years na pag stay kay lola ay bunalik na ako ng luzon doon sa lugar magulang ko. ok na sa na ang life ko ng merong nag pakita sakin na white lady. oo dina ako takot sa mga ganun pero kakaiba yung white lady na nag pakita sakin. kasi bigla syang mag papakita at malapit sa mukha ko ang kanyang mukha,bukod pa dun ay nakakapinsala sya sa akin nakakaramdam ako ng mga kurot pag ako'y natutulog. di ko kinaya ginagawa nung white lady nayon kasi kahit nasa paligid ko o kausap ko pamilya ko ay nagpapakita talaga sya.so nag hanap ako ng mag gagamot o albularyo. pinuntahan ko lahat ng ni recommend sakin na keso magaling na albularyo pero nung ipinapasara ko ang aking 3rd eye ay di nila nagawa so mission failed ako nun. dahil di naisara ang aking 3rd eye ay umuwi na ako, sa aking pag uwi ay may nakasalubong akong isang lalaki, pansin ko sa malayo palang ay nakangiti na sya saakin at nung malapit na sya ay sinabi nya sakin: alam ko ang kailang mo utoy,halika at sumama saakin at aking gagawin ang gusto mong mang yari sa iyong 3rd eye....
 

Similar threads

About this Thread

  • 100
    Replies
  • 5K
    Views
  • 63
    Participants
Last reply from:
-Bannerism

Online statistics

Members online
673
Guests online
3,363
Total visitors
4,036
Back
Top