What's new

Closed Congrats

Status
Not open for further replies.

PHC - Prince Ellgrey17

Forum Veteran
Joined
Jul 22, 2017
Posts
2,508
Reaction
1,341
Points
954
"just a crap spoken word poetry,
written by M & E
sharing here @ PHC,
on this month of February"



CONGRATS!

congrats nga pala
dahil napasayo,
puso ng babaeng
pinakamamahal ko,
abutin mo sana
itong kanang palad ko,
malugod kang binabati
nagdurugo man ang puso,

akin ngang nalaman
kayo'y malapit nang ikasal,
pagmamahalan nyo
dalangin sana'y magtagal,
pakaingatan siya
wag sanang paluluhain,
itong aking hiling
siya sana'y pakamahalin,

kaysakit mang tanggapin
kaysakit mang isipin,
kaysakit mang pagmasdan
iba na ang aangkin,
babaeng natutunan
ko nang mahalin,
mula pa noong una
sa puso'y umangkin,

sa anumang labanan
ako'y di basta sumusuko,
ngunit di na lalaban
dahil sayo'y taob ako,
babaeng pinangarap
ikaw pala ang gusto,
pilit kong tatanggapin
siya'y ibibigay sayo,

noon ang gusto ko
maging isang mayaman,
maging isang sikat
hinahangaan,
ngunit nang makita siya'y
iba na'ng aking hangad,
siya na ang pangarap
inasam kong matupad,

siya'y itinuring
isang kayamanan,
dito sa puso ko
lihim siyang iningatan,
sa pagkakataong ito
dapat ko nang bitawan,
tanging yaman ng puso
sana'y iyong alagaan,
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

About this Thread

  • 6
    Replies
  • 388
    Views
  • 4
    Participants
Last reply from:
Jmrie_

Online statistics

Members online
542
Guests online
5,319
Total visitors
5,861
Back
Top