What's new

Chinese nationals pretending to be a Filipino

kyungpinas

Enthusiast
Established
Joined
Mar 10, 2024
Posts
55
Reaction
23
Points
34

Sen Hontiveros suspects there have been chinese nationals pretending to be filipinos, na nakaupo pa sa gobyerno, specifically sa mga LGUs, na posibleng mga asset ng China, in aim for china to build foothold and strong influence in the Philippines. This is alarming.​

Mayor of Bamban, Tarlac, Alice Guo is connected to POGO in Tarlac, allegedly operating häçking and surveillance for China, Alice Guo has questionable birth certificate. No record na nag aral sa Pinas. Hindi nya maipaliwanag ng malinaw kung saan sya pinanganak. Fluent sa Mandarin.​

1000041048.jpg

SAUCE: gma integrated news
 

Attachments

Last edited:
MAYOR NG TARLAC WALANG RECORD SA PAARALAN O SA OSPITAL? ALAMIN ANG NAKAKAGULAT NA PAGKAKAKILANLAN NITO

Kinukuwestiyon ngayon ang identidad ng alkalde ng Bamban,
Tarlac na si Mayor Alice Guo matapos madiskubre na wala siyang mga rekord sa ospital o paaralan. Nabunyag ito kasunod ng imbestigasyon sa kanyang diumano'y pagkakasangkot sa isang operasyon ng Philippine offshore gaming operation (POGO) sa probinsya.

Sa isang pagdinig sa Senado, inusisa ni Senador Risa Hontiveros si Guo kung saan siya ipinanganak at kung kaninong eskwelahan konektado ang kanyang guro sa homeschooling. Sumagot ang alkalde na hindi niya alam at hindi niya matandaan ang ganoong impormasyon tungkol sa kanyang sarili.

Ayon sa mga ulat, nairehistro ni Guo ang kanyang kapanganakan sa bahay noong siya ay 17 taong gulang na at inangkin na wala siyang diploma dahil itinuloy niya ang kanyang pag-aaral sa pamamagitan ng homeschooling, itinuro ng isang tutor habang nakatira sa isang sakahan.

Kaugnay nito, tinanong ni Hontiveros ang posibilidad na si Guo ay isang mamamayang Tsino dahil sa kawalan ng anumang rekord sa bansa, at nagmungkahi na baka siya ay naging kasangkapan sa pagpasok ng isang malaking kumpanya ng POGO sa Pilipinas.
 
Una yung questionableng bilang ng mga tsino sa Norte. Tapos ito naman ngayon, isang tsina na nakaupo pa sa posisyon.

Unti unti na silang gumagalaw. 🤣
 
Sa mga pinag gawa ng mga Chinese Ngayon nag iiba na talaga tingin natin sa kanila pero minsan nakakailang na din Lalo Ako na may dugong Chinese.
 
mayora namin yan dito sa bamban ah. mukhang totoo naman yung sinsabi kase yung mukha hawig talaga sa chinese

tapos yung pogo katabi lang ng munisipyo ng bamban😆, kita kita pag magbyabyahe papasok sa looban ng bamban
 
Last edited:
mayora namin yan dito sa bamban ah. mukhang totoo naman yung sinsabi kase yung mukha hawig talaga sa chinese

tapos yung pogo katabi lang ng munisipyo ng bamban😆, kita kita pag magbyabyahe papasok sa looban ng bamban
Tell us more about her, tutal taga Bambam ka🤔
 
hehe yan talaga lagi trip sa senado, yung pagkatao aatakihin lagi, kahit nga resource person lang gagawin pang criminal
 
sa totoo lang di ako ko masyado interasado about politics pero mas matino mga nagagawa nya kumpara sa mga nagdaan mga major dito na lulubog lilitaw lang pag malapit na ang eleksyon.

pero ayoko muna mag husga ng basta basta dahil may napapkita sa mata ng tao
inako niya naman na siya ang tumulong na makapag operate ang POGO doon, she provided the land noong hindi pa siya mayor, pero noong tatakbo na siya for mayor, na-divest na daw niya lahat ng shares niya sa mga POGO, lumalabas na nag founding share lang siya, need naman talaga i-divest kasi conflict of interest yun if tatakbo siya
 
inako niya naman na siya ang tumulong na makapag operate ang POGO doon, she provided the land noong hindi pa siya mayor, pero noong tatakbo na siya for mayor, na-divest na daw niya lahat ng shares niya sa mga POGO, lumalabas na nag founding share lang siya, need naman talaga i-divest kasi conflict of interest yun if tatakbo siya
pero may kinalaman parin sya? naglilinis lang pangalan. di naba magagamit yan laban sa kanya
 
pero may kinalaman parin sya? naglilinis lang pangalan. di naba magagamit yan laban sa kanya
kasi if may nangyari na changes sa distribution ng shares usually magbabago din ang management diyan e so pwedeng napasukan ng îllégâl ang bagong management since yung approval ng operation was done by the previous mayors eh
 
pare-pareho kayong pilipino nag-aaway kayo Hahahaha

o baka magrebut na porke pare parehong pilipino di na pwede mag-away 😂
 

Similar threads

Users search this thread by keywords

  1. Alice guo
  2. mariagomez
Back
Top