What's new

Help Battery Concerns (Android Phone) Change or Renew?

WhatMV

Eternal Poster
May tanong po ako about sa CP ko po.
Nung nabili ko po ang CP ko ay maganda at malakas ang battery. 4.2K mAh siya. Siyempre, habang tumatanda, ang battery na ito ay humihina. Charging time. Life expectancy. Lahat iyan ay magkaroon ng pagbabago. Lalo na ang mg piyesa ay naluluma din.
Gusto ko sanang itanong kung maaari kong palitan ang battery Ng CP ko upang maibalik ang mahabang usage time ng CP ko?
Naiisip ko kasi na baka ay wala rin itong kwenta kasi kahit baguhin ko pa ang battery, ang ibang parts naman ng CP ay luma na, kung saan, malakas na ang mga ito magkonsumo ng battery.
Hindi ako sigurado rito. Kung saka-sakali ay kailangan ko na talagang bumili ng bago. Mag-te-three years palamang ang phone ko, kaya naman ay umaasa pa ako. Hope kung maaari ko pang maibalik ang dating sigla ng aking battery.
Dahil dito, minabuti ko na lamang magtanong sa mga mas nakaka-alam. Ang mga experto ukol dito ay makakatulong dito. Sana makarating ito sa isa sa kanila. Kung ikaw man po ang hinahanap ko ay sana magtulungan mo ako dito. Makakatulong ang opinyon ng isang bihasang technician sa gagawin kong desisyon. Maraming salamat!
 
Depende kasi sa paggamit yan TS. Bili ka bago kung sa tingin mo possible na magkakaroon na ng defect yung ibang parts or alam mo sa sarili mo na nagamit mo na ng husto yung phone pero kung hindi naman at hindi ka rin naman masyado magamit sa phone tingin ko palitan mo na lang ng battery kung battery lang issue mo ah up to you pa rin
 
Phone dependent issue ito. Since Hindi mo na specify kung ano yung specs and software status mo, ito nalang sasabihin ko:

1. Hindi mo kailangan ng bagong phone kung included padin siya sa mga software updates ng manufacturer.

2. Batteries naturally deteriorate over time so I suggest na palitan mo yung battery. One of the tricks to a healthier battery is to charge only when the phone tells you to do so (usually when it reaches 20%).

3. In the recent android versions (Android 10 to 11), there are advanced battery saving options available such as Auto-freeze, so make sure to check it out.

4. In case you'll buy a new phone, I would still suggest android phones over IOS because androids are more customizable than IOS, also there are proven instances where the Apple company purposely slows their older models down. Link here: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 
Last edited:
wag mo intindihin kung ano gamit mong charger or powerbank. importante nagchahcarge at nag full charge battery mo... kung okay pa naman yung phone mo sa games at sa playstore updates edi bili ka lang ng new battery.. kung replaceable battery ang phone mo. bili ka sa shopee or lazada mga battery meron naman model ang battery nabibili e. ako asus phone ko pero 3 besese na ako nakabili ng battery.. kapag bago battery mo.. parang new rin ang phone mo kasi tumatagal ang gamit mo sa phone.. kung wala ka budget... i suggest na bili ka lang muna ng new battery... kung may budget ka at kaya mo naman bumili ng new phone... edi bumili ka ng new phone... basta kung ang phone mo at magagamit mo pa sa games at online streaming at pagtawag at pag text. at nakakpaupdates pa ng software... pagtiyagaan mo lang yung phone mo.. pero marami rin ngayon na phones ang bumabagsak presyo... kung gusto mo bumili ng new phone nasa sayo iyo.. hehe. ang battery kapag tumatagal ng taon or 2 yrs... talagang bumibilis ang konsumo or pag drain ng battery habang ginagamit mo... mas mabilis makaubos ng battery life yung gamit mo yung data connection mo at sa gaming na nilalaro mo.. yun lang po suggesstion ko sayo.
 
[XX='WhatMV, c: 784220, m: 1824362'][/XX] Ang battery po mostly ng mga powerbank natin is 18650, same with the vap3 battery. At ang phone po natin may circuit na dinadaanan bago mag direct sa kahit anong battery kaya tayo nakakapag-charge dahil sa circuit na yan. So yea I can say na possible gawing battery ang 18650 basta't same ng voltage.
 
Oh, ganoon pala yun. Akala ko kasi dinesassemble mo ang mga battery nila at direkta mong tinanggal ang battery ng phone at pagkatapos ay kinabit mo ang battery ng inyong vap3.
 
Wow nice. Tumatagal ng 2 years ang mga battery ninyo at halos tatlong beses na kayong nagpapalit ng battery? Magaling yan.
Anong klase at unit ng phone po ninyo na Asus? Mukhang matibay ang klase ng phone na iyan. Interesante ang phone ninyo. Sobrang tibay. Pinakamatagal ko na Android phone at naglast lang ng two years except this one na ginagamit ko, which is mag-te-three years na. (Natural lang kasi low tech lang ang dati kong phone at mid range itong gamit ko ngayon).
Uulitin ko pong magtanong, anong unit po ng phone ang mayroon kayo at ano ang price range niyan?
 
Asus Zenfone 2 laser lang sakin.. nilalaro ko lang is COC at ML... pero hindi na ako masyado babad or maghapon naglalaro sa phone.. kung baga is libangan lang or pampalipas oras lang ang ginagawa ko sa games.. pero nasa iyo pa rin yan kung gusto mo bumili ng new phones.. or bibili ka lang ng new battery... kung may budget ka.. maraming branded phones na bagsak presyo na... kahit hindi branded ang bilihin mo na phone basta maganda ang specifications ng new phone... tandaan mo lang.. ang new model na phone after or new release na phones.. mahal masyado ang price... pero after ilang months or years bumabagsak ang presyo ng mga new phones.. Isipin mo lagi ang specs ng phone na bibili mo.. today is normal na ang specs ng phone: 6GB RAM, 128internal storage... bahala ka na kung habol mo is camera... depende kung mahilig ka mag selfie? check mo rin specs ng camera mo.. kung gaming lang habol mo... kahit specs lang sa 6GB ram at 128GB internal storage ng phone... pero dapat mataas din ang specs ng processor nya... octacore 2.0 or above ang speed ng processor mo para sa gaming... sabi ko nga sayo.. nasa iyo talaga ang pasya kung bibili ka ng new phone or new battery...
 
Tama naman po kayo, nasa akin po talaga ang pasya kung ano ang gagawin ko. Sa pasyang aking gagawin ay mayroon akong mga pagpipili-an. Sa mga pagpipili-an dito, ako ay naghahanap ng guidance sa Kung ano ang maaari, dapat, at kailangang tandaan upang maging maganda ang mapipili Kong desisyon :) Dito, sa pakikipag-usap sa mga nakapansin sa aking katanungan ay maraming gustong tumulong kaya naman naaappreciate ko ang mga ito.

6 GB-Ram/128GB storage, sige po tatandaan ko yan bilang standard storage specs kapag bibili ako ng phone. Zenfone 2? Okay sige po, titignan ko din po yan :) Ayos ang mga impormasyong ibinahagi ninyo sa akin. Tatandaan ko iyan.
 
okay din nman ang xiaomi na brand ng phones e. okay din naman ang brand ng asus... basta nasa specs talaga kung bibili ka ng new phone.. kung gusto mo tignan mga specs ng phones... punta ka lang sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.. dyan mo malalaman yung mga specs ng phones.. tapos kung gusto mo malaman mga prices ng phones... pwede ka mag search sa google kung magkano price ng phone.. pwede rin sa lazada or shopee ka tumingin ng price para may idea ka lang.. kung ikukumpara mo ang prices sa mall kesa sa lazada/shopee... mas malaki ang pagkakaiba ng prices nila... pero marami kang makikita na mas mababa ang price sa shopee at lazada kesa sa mall... pero kung sigurista ka talaga... pwede naman talaga sa mall ka bumili ng new phone... pero kung may tiwala ka sa shopee at lazada... (which is may tiwala ako sa shopee at lazada kasi marami na rin ako nabili na mga gadget at phones sa shopee at lazada).. hehe.. nasa sa iyo talaga ang pasya kung bibili ka ng new phone...tandaan mo rin kung budget friendly ang new phone mo or kaya mo bilhin... depende sa budget mo.. hehe.
 
You're right, kuya YCm. Gagawin ko yan.
Sa Lazada/Shoppee naman, nakabili na ako ng gadgets doon. Isang tablet at WiFi subalit laging may-aberya kapag hindi ka sa Lazmall bibili.
Sa inyong experience. Nakabili ka na ba sa hindi Lazmall? At kumusta naman?
Sa kabilang dako naman, itatatanong ko kung mapagkakawalan ba ang Lazmall ayon sa iyong experience o kaya naman ay mayroon din namang hindi Lazmall pero mapagkakatiwalaan din.
Ibabahagi ko lamang sa iyo na sa Lazmall ako bumibili ng aking Flash drives at good to say na working at perfect functions silang lahat.
 
nakalimutan ko pala sabihin sayo na dapat replaceable ang battery na bibilhin mo.. para pwede mo sya palitan ng new battery afte 2 yrs or kapag mabilis na malowbat ang phone mo... yan ang malaking kaibahan ng replaceable battery kesa sa fixed battery type na mga phones... depende kung may mabibilan ka na repleceable battery which is pwede sa (shopee at lazada or online shopping website).. swerte mo kapag meron... malas mo kapag wala..hehe
 
alam ko naman na built-in battery ang cp mo na xioami.. pero talagang mas marami ang built-in battery kesa sa removable battery sa mga new phones.. kasi nga disposable ang mga cp ngayon... swerte mo talaga na yung xiaomi is pwede palitan ng new battery kahit naka fixed battery sya... pero dapat sa service center ng xiaomi mo talaga dadalhin yun para mapalitan nila ng new battery... sa ibang mga brands kasi.. hindi pwede palitan ang mga battery kasi nga naka fixed na.. ang asus yata pwede palitan ang mga fixed battery type tulad ng laptop.. basta may pyesa na ipapalit dun sa battery... yung lang mahal ang battery.. basta depende sa brand ng phones mo. hehe. dpeende kung may available na battery pangpalit kapag nasira yung lumang battery... kung lazada ka bibili.. dapat talaga sa lazada mall ka bibili... yung official stores talaga para iwas aberya.. hehe.
 
sakin gamit ko parin yung Redmi Note 3 Pro ko, MODDED na yung battery ko, gamit ko yung BATTERY ng **** grabe long lasting talaga... (ndi ako makapag pic dhil gabi na lods)

Phone dependent issue ito. Since Hindi mo na specify kung ano yung specs and software status mo, ito nalang sasabihin ko:

1. Hindi mo kailangan ng bagong phone kung included padin siya sa mga software updates ng manufacturer.

2. Batteries naturally deteriorate over time so I suggest na palitan mo yung battery. One of the tricks to a healthier battery is to charge only when the phone tells you to do so (usually when it reaches 20%).

3. In the recent android versions (Android 10 to 11), there are advanced battery saving options available such as Auto-freeze, so make sure to check it out.

4. In case you'll buy a new phone, I would still suggest android phones over IOS because androids are more customizable than IOS, also there are proven instances where the Apple company purposely slows their older models down. Link here: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Good advice. Noted. Thank you!
 
Before buying new one make sure that you check background apps first, if it is the only thing that make your battery drain faster. Then go for replacement if above mention not working.
 
Back
Top