What's new

Help Battery Concerns (Android Phone) Change or Renew?

WhatMV

Eternal Poster
May tanong po ako about sa CP ko po.
Nung nabili ko po ang CP ko ay maganda at malakas ang battery. 4.2K mAh siya. Siyempre, habang tumatanda, ang battery na ito ay humihina. Charging time. Life expectancy. Lahat iyan ay magkaroon ng pagbabago. Lalo na ang mg piyesa ay naluluma din.
Gusto ko sanang itanong kung maaari kong palitan ang battery Ng CP ko upang maibalik ang mahabang usage time ng CP ko?
Naiisip ko kasi na baka ay wala rin itong kwenta kasi kahit baguhin ko pa ang battery, ang ibang parts naman ng CP ay luma na, kung saan, malakas na ang mga ito magkonsumo ng battery.
Hindi ako sigurado rito. Kung saka-sakali ay kailangan ko na talagang bumili ng bago. Mag-te-three years palamang ang phone ko, kaya naman ay umaasa pa ako. Hope kung maaari ko pang maibalik ang dating sigla ng aking battery.
Dahil dito, minabuti ko na lamang magtanong sa mga mas nakaka-alam. Ang mga experto ukol dito ay makakatulong dito. Sana makarating ito sa isa sa kanila. Kung ikaw man po ang hinahanap ko ay sana magtulungan mo ako dito. Makakatulong ang opinyon ng isang bihasang technician sa gagawin kong desisyon. Maraming salamat!
 
Since mag three years na bili nalang siguro ng bago. Kadalasan sa android kapag luma na upgrade nalang unlike sa IOS na kahit luma na pinapalitan nalang ng battery.
Oh, ganun po ba?
Mid-range naman po kasi ang phone ko kaya naman ay naisipan Kong palitan ang battery. Kung ganoon po ang ginagawa sa IOS na mga CP, paano kung IOS nalang ang bilhin ko? Ano po ba sa tingin ninyo?
 
suggest ko sayu boss bili ka na po bago since mataga na talaga yang phone mo .. marami naman mga android na mumura lang maganda pa specs
Opo, July pa po ng 2019 at 2021 na po kaya mag-te-three years na po. Maganda po specs ng phone ko na ito at kahit na matagal na ay mabilis at malakas pa rin. Hindi siya naglalag sa Ultra High Graphics sa ML, at Hindi rin siya gaanong nag-iinit.
Dahil dito, naisipan ko na palitan lamang ang battery. Ngayon po, ano po sa tingin ninyo?
 
Oh, ganoon pala. Mabuti nalang at nainform mo ako at naging aware ako dito.
Stick to Android ako kung ganoon. Iniisip ko din po kasi na baka hindi ko magustuhan ang features nila I baka naman ay hindi ko maging type since nasanay na ako sa Android. Salamat :)
 
3 years na pala phone mo paps. Bili nalang bago if kaya kasi yung mga apps and games ngayon sobrang cpu / gpu intensive na. Mag improve yan battery life mo, yes, pero mas maganda parin if bago talaga.

-----
Further explanation, no need to read:
(nm = nanometer)

Yung mga phones natin is merong processor, and yung processor na yan is for example 20nm size niya. The larger the size the worse the battery life. Example, old phone ko has a 20nm processor, while yung current phone ko has 7nm. Even if they both have 4000mah na battery, since 7 nm lang yung processor ng new phone ko, mas power efficient siya meaning longer battery life even if they both have the same battery size. So, since 3 years old na phone mo, I'm guessing 20nm rin processor nya or bigger. Which is why mas recommend ko na bumili nalang ng bago even if 5 - 7k phone lang na new model mas maganda parin.
 
Anong Iphone naman balak mong bilhin? May 5g network na sa Pinas so pinakarecommended sa IOS is yung Iphone 12 since 5g capable sya though ang mahal.


Ang phone kasi every 2 years parang nagiging obsolete na in case of IOS every 3 or 4 years ata.

I suggest mag android ka nalang yung 5g capable na. 15-20k budget makakuha ka na ng phone maganda na specs nun.

If mag iphone 12 ka nasa 50k+ ang halaga tapos after ng ilang taon magpapalit ka din though mas matagal pero mas sulit pa din kung 20k php android phone tapos after 2-3 years palit uli.
 
in that case po bili nlng po muna kayu ng baterya boss .. hmm matanong kita builtin battery ba yan ? mas maganda kasi pag builtin .. kasi napansin ko sa mga hnd builtin battery kahit palitan pa ng batterya ganon pa dn eh kunti lang nag babago .. dpindi dn kasi yan boss if madami ka app na nag run in background like messenger, facebook, anti virus. or cleaner . yang mga yan nakaka bilis kain sa batterya yan kasi always nag rurun mga yan kaya kahit magpalit ka pa ng battery ganon pa dn perf ng baterya nyu. pero try nyu po bumili ng new battery muna since di naman ma lag CP mo madali lang malowbat malamang bumigay lang talaga battery nyan since 3 years na. test mo muna kasi malay mo battery lang yung sira tas bumili ka ng bagong CP sayang lang dn mas ok yung ma test mo talaga f battery lang ba problema nya .
 
[XX='plk, c: 781081, m: 520608'][/XX] Oo nga, mas maganda yung iphone if 3 - 5 years mo gamitin. Yung android, not so much. Though if flagship phone bilhin mo ngayon na android, it will easily last 3 - 5 years pero may chance na mawalan ng software update since android naman eh.
 
Sobukan mo muna magtanong kung may available ba na battery para sa model ng phone mo ts..tapos tanungin mo narin kung magkano kaya kasama na labor nito..kasi mga lumang model phone yong battery eno.order pa yan tapos tagal pa bago dumating..isipin mo nalang kung worth.it ba yong magpalit ng battery o kaya mas.mainam na kung bibili ka nalang ng bago..pag.isipan mo nalang mabuti ts...😉
 
[XX='Dattebayo, c: 781088, m: 982637'][/XX]
Ang pinopoint out ko is yung 5g capability. Nagsisimula na yung pag usbong ni 5g sa pinas. Ang mahal masyado ng iphone 11 tapos hindi pa 5g capable. Kaya kung mag IOS ok sana kung iphone 12 na if pang matagalan.
 
Oh ganoon po ba? Pero ang target ko ang nasa lower class ng mid-range phone. Iyon ang mas kaya ng budget. Ang target ko lang naman po at games tulad ng ML, research for educational purposes, at watching movies. Kaya naman po particular ako sa battery life.
At dahil hindi naman ako naglalaro ng sobrang daming laro (ML, CoC, LoL) lang naman po, ay hindi ko kailangan ng high technology na phone. Mid-range lang. Besides, sa storage may Flash drives naman ako.
Ngayon naisip ko din po na itanong kung maynakita na po ba kayo na Mid-range phone (sa lower ranks lang nila, 15k pababa) na may 5G?
 
Back
Top