Sa Bibliya, may tatlong titulo na maikakapit kay Jesus.
Anghel.
Tao.
Diyos.
Talakayin natin yung una.
Anghel. Paano natin nasabi na si Jesus ay isa ding anghel?
Sa Bible, may isang anghel na kilala bilang si Miguel na Arkanghel. Ano ba ang salitang "arkanghel"?
Nangangahulugang “pinuno ng mga anghel.” Sa salitang Ingles na archangel, ang unlaping arch ay nangangahulugang “pinuno” o “pangunahin.” Ipinapakita ng kahulugang ito, at ng paggamit ng “arkanghel” sa Bibliya sa anyong pang-isahan lang, na iisa lang ang arkanghel. Binanggit sa Bibliya na ang pangalan ng arkanghel ay Miguel.—Dan 12:1; Jud 9; Apo 12:7
Sa Kasulatan,
ang “arkanghel” ay hindi kailanman lumilitaw sa anyong pangmaramihan. Ang terminong
ito ay lumilitaw sa Bibliya sa anyong pang-isahan lamang. Waring ipinahihiwatig nito na iisa lamang ang itinalaga ng Diyos na maging puno, o ulo, ng hukbo ng mga anghel. Sa 1 Tesalonica 4:16,
ang tinig ng binuhay-muling Panginoong Jesu-Kristo ay inilalarawan bilang tinig ng arkanghel, anupat ipinahihiwatig na siya mismo ang arkanghel.
1 Tesalonica 4:16
Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli;
Makatuwiran lamang isipin na kay Jesus nga kumakapit ang terminong "arkanghel" dahil mayroon na siyang nakatataas na awtoridad sa langit sa panahong iyan,
Mateo 28:18
At lumapit si Jesus sa kanila at sila'y kaniyang kinausap, na sinasabi, ANG LAHAT NG KAPAMAHALAAN SA LANGIT at sa ibabaw ng lupa ay NAIBIGAY NA SA AKIN.
Pansinin din, kapag dumating na siya bilang hukom sa araw ng paghatol ng Diyos sa sanlibutan, tatawagin niya mismo ang mga anghel.
Mateo 13:41
SUSUGUIN NG ANAK NG TAO ANG KANIYANG MGA ANGHEL, at kanilang titipunin sa labas ng kaniyang kaharian ang lahat ng mga bagay na nangakapagpapatisod, at ang nagsisigawa ng katampalasanan
Kaya, mapapansin natin dito na
may malaking awtoridad si Jesus sa mga anghel.
Oo, bilang pinuno ng mga anghel, o bilang ang arkanghel ng Diyos, uutusan niya mismo ang mga anghel sa panahon ng paghatol sa sanlibutang ito.
Kaya, ano ang magiging konklusyon natin dito?
Si Jesus ay isa ding anghel, pero hindi lang basta anghel, kundi isang pinuno ng mga anghel, o arkanghel.
TAO. Sa Bibliya, matapos isugo ng Diyos na Jehova si Jesus dito sa lupa upang isakatuparan ang layunin Niya, maraming beses na tinawag si Jesus bilang Anak ng tao.
Bakit?
Ito ay upang ipakita mismo na si Jesus ay "naging tao" at nabuhay mismo dito sa lupa. Hindi siya "nagkatawang-tao" gaya ng sinasabi ng iba. Magkaiba ang "nagkatawang-tao" sa "naging tao."
Ang
nagkatawang-tao ay yung isa na mula sa pagiging espiritu ay nagpalit ng kaniyang kaanyuan bilang tao na
hindi na dumadaan sa sinapupunan ng isang tao gaya ng ginagawa ng mga anghel noon. Ang pananalita namang "
naging tao" ay nagpapakita na ito ay
dumaan sa proseso para maging isang ganap na tao gaya ng nangyari kay Jesus nang ang buhay niya ay ilagay ng Diyos sa sinapupunan ni Maria upang doon ay
dumaan sa proseso hanggang sa maisilang bilang sanggol.
Kaya, si Jesus ay naging tao, hindi nagkatawang-tao.
Ito ang dahilan kung bakit madalas na sinasabi ng Bibliya na siya ay "Anak ng tao.”
Pero, nang buhayin siyang muli matapos mamatay sa tulos, binuhay siya bilang isang espiritu.
1 Pedro 3:18
Sapagka't si Cristo man ay nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, upang tayo'y madala niya sa Dios; siyang pinatay sa laman, nguni't BINUHAY SA ESPIRITU;
Yamang espiritu na siya noon,
nagawa niyang magkatawang-tao gaya ng ginagawa ng mga anghel noon, kung kaya, ito yung dahilan kung bakit nailusot ng isa sa kaniyang mga alagad ang daliri nito sa mga butas sa kamay ni Jesus noong iabot ni Jesus ang kamay niya sa isa sa kaniyang mga alagad.
Kaya nga nung umakyat si Jesus, ang taglay niyang katawan ay espiritu, hindi laman.
1 Corinto 15:50
Sinasabi ko nga ito, mga kapatid, na ang laman at ang dugo ay hindi makapagmamana ng kaharian ng Dios; ni ang kasiraan ay magmamana ng walang kasiraan.
Kaya, ano ang konklusyon?
Si Jesus ay tinawag na tao kasi naging tao siya noong nabuhay siya dito sa lupa.
[Ito muna ang maibibigay kong sagot ng Bibliya sa ngayon; may kinalaman sa katawagan na "Diyos", sisikapin kong maging 'simple' yung paliwanag ko dya'n para madali mo siyang maintindihan kung bakit si Jesus ay tinawag din sa Bibliya bilang "Diyos". Sa ngayon, yan lang muna.]
May mga paliwanag si
Gentleman007 about sa dahilan kung bakit tinawag si Jesus sa Bible bilang "Diyos", siguro, yun na lang yung tingnan mo, or ipost nlng dito yung link ng thread about sa topic na iyon.
Anyway, sana ay makatulong sa iyong curiosity ang mga maiikling paliwanag diya'n.