What's new

Bakit Inilagay ng Diyos ang Puno ng Pagkakilala ng Mabuti at Masama sa Hardin ng Eden?

Awit 14:1
Ang mangmang ay nagsabi sa kaniyang puso, walang Dios: sila'y nangapapahamak, sila'y nagsigawa ng kasuklamsuklam na mga gawa; walang gumagawa ng mabuti,

Kahit alam mo naman na mali pinagsasabi mo ,pinagmamatigasan mo pa din ,sana magbago kana mas mabuting may Dios sa buhay kesa wala kang inaasahan,

Gaya ng sabi mo iisa lang buhay mo ,tapos gugugulin mo pa sa pagtanggi na merung Dios,?

Kamangmangan tlga babagsakan mo bro..

Ishortcut natin, natapos ang paglikha lumabas napakabuti, nun nadaya si eva at adan nagkaroon ng corruption ,kaya para maibalik sa dating kalagayan ,nagsugo ang Dios ng mga propeta ,at isunugo ang Anak ,ang Panginoong Jesus para yung naidulot nacorrupt na napakabuti ,maibalik sa dating kalagayan ,kaya may pagliligtas , .at yung maliligtas yun nga yung magmamana ng buhay na walang hanngan.


Tsaka yung doktor propesyon nila manggamot , natural lang na sa doctor ka lumapit kung may sakit ka ,alangan nman sa mekaniko ka pumunta ?

Tsaka alam mo pag kristiyano ka di naman doctor una naming pinupuntahan eh , manalangin ka muna sa Dios ,di doctor agad ,.kayan nga mas mabuting may Dios ka ..
Quote ka tlaga ng quote ng bible eh noh??

Yung verses about slavery, incest, smashing heads of babies in a rock, etc...baka un gusto mo iquote din... 😑

Pero naniniwala ka ba jan sa verse mo na yan?? Pag di na naniniwala sa diyos eh mapapahamak at di gumagawa ng mabuti?? Sure ka??

Madame god believers ang gumagawa ng masama.... At may mga non-believers na mabubuting tao.... May mga non-believer sa god mo pero ibang god ang pinapaniwalaan pero mabubuting tao....

Sa tingin mo kailangan ng paniniwala sa diyos para maging mabuting tao?

Ahh...pray muna tas sa doctor after ..so ibig mo sabihin pag nagdasal ka at di sinagot ni god dasal mo papagamot ka pa rin sa doctor... So sino nagpagaling sayo non?? Why kailangan mo pa ng doctor when u believe na ur god can answer ur prayer lang nman?? And yung point ko nga na if may afterlife ka na gusto mo puntahan bat nagbabargain or dasal ka pa kay god para pagalingin ka?? So nangangarap ka sa pinapaniwalaan mong afterlife pero ayaw mo mauna??

And last..di mo sinagot.... Kung naniwala ka na may walang hanggang kang afterlife then what are you waiting for??
 
Angel069

Dto na lang ako rereply at lahat nman comments mo more or less eh within the same idea.

I think may gap tayo sa pinaguusapan naten... Di ko sinabi masama ang puno... Though tree of knowledge of good and evil sya... Im not questioning whether bad or good ung puno...im questioning kung necessary ba un...

napakabuti ng lahat ng nilalang ni god... Pero need pa nila turuan ng pagsunod sa dyos?? So like ur saying na they were created na napakabuti pero wLa pa sa kanila ang idea ng pagsunod... May vulnerability sila na hindi sumunod at un nga ang nangyari.... So un ba ang point non lang?? Para matuto ang tao?? And fair ba ang naging punishment na generations after generations na nasumpa ang mankind??

Kasi may satanas na tumukso... Nangyari na nga ung pagsuway kay god ng angels na sya din ang gumawa db?? Bakit di pa sya natuto dun at nung gawin nea nmn ang tao eh inalis na sana ang possibilty na matukso ang tao?? Inalis na din sana ang mga bagay na pdng tumukso sa tao like si satanas ..bat hinayaan nea?? Pero eventually kaya nman pala nea puksain halos lahat ng tao na sumusuway sa kanya...

Alam ba nea lahat ng mangyayari mula pa sa simula??

Yan ang point ko.... na ang kagaya mo na believer eh iacknowledge na may lapses sa ginawa nea....

And u keep on mentioning na panay "duda" ako...mali ba ang magkaroon ng pagdududa?? Sa lahat ba ng aspeto ng buhay mo tanggap ka lang ng tanggap ng sinasabi sayo ng walang pagdududa??

Kung nasasatisfy ang questions wLang rason para magduda....
 
ngyari na nga ung pagsuway kay god ng angels na sya din ang gumawa db??

Gusto ko lang i-quote tong nabanggit mo .. Ang nangyaring pagsuway ng dating mabuting anghel na iyon ay kasabay din ng pangyayari nang pagtukso niya kina Adan at Eva ... dito kasi sa ibinangon mong tanong . . .
Bakit di pa sya natuto dun at nung gawin nea nmn ang tao eh inalis na sana ang possibilty na matukso ang tao??
Totoo na mas naunang nilikha ang mga anghel, pero, ang pagsuway ng anghel na iyon, ay nangyari noon lamang na nalikha na ang tao .. Kaya, wala pang pangyayari na "natukso" ang anghel na iyon o na sumuway na ang anghel na iyon bago pa nilalang ang mga tao ...

Yun lang naman ...
 
Cg pagpasensyahan mo na bro ,sa bible kase di pwedeng may lapses ang Dios ,kaya yun ang pinaniniwalaan q , unang una kase ang Dios kung lumikha ganito :
Awit 104:24 (TLAB) Oh Panginoon, pagka sarisari ng iyong mga gawa! sa karunungan ay ginawa mo silang lahat: ang lupa ay puno ng iyong kayamanan.

Lahat ng nilikha ng Dios ,nilikha Niya sa karunungan eh, katunayan kung pag aaralan mo isa sa nilikha ng Dios ,dami kang mapupulot na karunungan eh ,

Hal. Sa lamok ,kung di mo uunawain bakit may lamok ,mapapasabi ka nlng bakit pa kase may lamok ,kailangan ba may lamok ? Eh natuklasan ngaun ng tao bakit may lamok ,yun pala di uusad ang cycle of life kung mawawala ang lamok ,magkakaroon ng pagkawalang balanse ,..kase yung lamok pala kailangan ng isda ,kailangan ng palaka,kailangan ng butiki ,.kumbaga kung di mo alam ang dhilan bkt may lamok mapapasabi ka tlgang di nman necessary may lamok ,.eh ginawa nga ng Dios sa karunungan lht ng nilikha nya..maaari sayo may lapses ,pero sa Kanya wala..


Parang ganun din yung punong kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama, maaring yung karunungang naroon eh di na natin maintindihan ,dhil una bago pa lang ang mundo nun, ikalawa wala na yung garden of eden, ..pero isa lang matitiyak natin ,na necessary yun ,may pakinabang doon sa panahon na yun na di lang natin nalalaman pa,.pagkat siguradong may nakapaloob na karunungan doon..at ang karunungang iyon ay napakabuti..,gaya sa lamok.,mukhang di kailangan pero kailangan..
 
Pero naniniwala ka ba jan sa verse mo na yan?? Pag di na naniniwala sa diyos eh mapapahamak at di gumagawa ng mabuti?? Sure ka??

Hala ,san mo nabasa yan sa post q ? Paki quote , ?
Lam mo ,kung ang isang tao mangagawa ng kasamaan di mo sya dapat tawagin na believer ,pero kung ang tao nman nakagawa ng masama pero nagbago dhil sa pagkakilala sa Dios ,at di nagpatuloy sa kasamaan yun ang tawagin mong believer,.

Tapos sabi mo nangangarap ka ng afterlife pero ayaw mong mauna , eh mas marunong kapa sa Dios ,Siya may hawak ng buhay tapos pangungunahan mo eh lalabas wala kang pagsunod non.


Naniniwala aq na may mabuting tao na maliligtas kht di narating ng aral , pero yung mga narating ng aral pero kusang tumatanggi at mas pinili pang maging walang Dios at mangmang ,eh eto :

Kawikaan 1:24-29 (TLAB) Sapagka't ako'y tumawag, at kayo'y tumanggi: aking iniunat ang aking kamay, at walang makinig;
Kundi inyong iniuwi sa wala ang buo kong payo, at hindi ninyo inibig ang aking saway:
Ako naman ay tatawa sa kaarawan ng inyong kasakunaan: ako'y manunuya pagka ang inyong takot ay dumarating;
Pagka ang iyong takot ay dumarating na parang bagyo. At ang inyong kasakunaan ay dumarating na parang ipoipo; pagka ang hirap at hapis ay dumating sa inyo.
Kung magkagayo'y tatawag sila sa akin, nguni't hindi ako sasagot; hahanapin nila akong masikap, nguni't hindi nila ako masusumpungan:
Sapagka't kanilang ipinagtanim ang kaalaman, at hindi pinili ang takot sa Panginoon.

Kaya kaawaan ka nawa ,mas mabuting may Dios na inaasahan kesa wala,at maging gaya ng mangmang.
 
Minsan tatawag ka din sa Dios ,kapag wala ka ng ibang aasahan pang makakatulong sayo ..kaya mas mabuti ibahin mo na yang takbo ng isip mo kase walang magandang maidudulot sayo yan ,
 
Ts diba nga dahil sa kinain nga nila yung bunga ng puno, nagalit ang diyos at dahil nalaman Nila ang Tama at mali sa pagkain ng bunga, dun na nga start mamatay ang tao. Pano mo nasabi na gusto ituro ng diyos yan e nagalit nga dahil kinain nga Nila, tapos nalaman nila na sila ay hubo at hùbád. Dun nagka hint ang diyos dahil nga nalaman pa nga Nila na hùbád sila. Pero kung Hindi Nila alam ang Tama at mali bakit hinayaan ng diyos na hùbád sila.?
 
Para ganito ba yan

Yung anak mo naka hùbád, bago ka umalis ng bahay sabi mo anak huwag mo basahin yung nakasulat sa libro aalis muna ako mamalengke ako ha.

Pagbalik mo nakabihis na sya may damit na at salawal, sabi mo anak binasa mo ba yung libro? Tapos sabi ng anak mo, Opo papa nakasulat dun Hindi tamang naka hùbád, mali po Yun, alam ko na po papa ang Tama at mali.
 
Hindi ko pa po naipost yung tungkol sa binanggit niyo. Ang totoo po, alam naman na po nila ang tama at ang mali bago pa man nila kainin yung bunga ng ipinagbabawal na puno. I-post ko nlng po sa thread yung tungkol sa topic na yan.
 
Ginamit din iyon ng Diyos upang magturo sa unang mag-asawa na malaman kung ano ang "tama" at kung ano ang "mali" ayon sa pamantayan ng Diyos. Kung wala ang puno na iyon, paano nila malalaman ang kaibahan ng 'tama' at 'mali'?

Ito po yata yung nabasa niyo kung bakit ninyo naitanong Pano mo nasabi na gusto ituro ng diyos yan e nagalit nga dahil kinain nga Nila?

Well, nabanggit ko naman na po kung ano ang tinukoy na 'tama' at 'mali' doon sa post ko na iyon.

Kung saan ang 'tama' ay tumutukoy sa lubusang pagsunod sa Diyos at magdudulot sa kanila na 'patuloy na mabuhay na walang kamatayan', at ang 'mali' ay tumutukoy naman sa kusa nilang pagsuway sa Diyos, na magdudulot naman ng kamatayan.

Kaya, hindi po nangangahulugan na dahil 'hindi naman nila kinain yung pinagbabawal na bunga eh hindi na din nila alam ang tama at ang mali' ..

Hindi po iyon totoo .. Ang totoo, alam na nila ang tama at ang mali, bago pa man nila kainin ang pinagbabawal na bunga.

Ipapaliwanag ko po iyan sa sunod na thread na gagawin ko po ..
 
ngyari na nga ung pagsuway kay god ng angels na sya din ang gumawa db??

Gusto ko lang i-quote tong nabanggit mo .. Ang nangyaring pagsuway ng dating mabuting anghel na iyon ay kasabay din ng pangyayari nang pagtukso niya kina Adan at Eva ... dito kasi sa ibinangon mong tanong . . .
Bakit di pa sya natuto dun at nung gawin nea nmn ang tao eh inalis na sana ang possibilty na matukso ang tao??
Totoo na mas naunang nilikha ang mga anghel, pero, ang pagsuway ng anghel na iyon, ay nangyari noon lamang na nalikha na ang tao .. Kaya, wala pang pangyayari na "natukso" ang anghel na iyon o na sumuway na ang anghel na iyon bago pa nilalang ang mga tao ...

Yun lang naman ...
Written ba sa bible yang mga sinabi mo?? Papoint ako kung sang verse na binanggit na ang pagrerebelde ng mga anghel eh kasabayan ng fall ng tao sa eden
 
Cg pagpasensyahan mo na bro ,sa bible kase di pwedeng may lapses ang Dios ,kaya yun ang pinaniniwalaan q , unang una kase ang Dios kung lumikha ganito :
Awit 104:24 (TLAB) Oh Panginoon, pagka sarisari ng iyong mga gawa! sa karunungan ay ginawa mo silang lahat: ang lupa ay puno ng iyong kayamanan.

Lahat ng nilikha ng Dios ,nilikha Niya sa karunungan eh, katunayan kung pag aaralan mo isa sa nilikha ng Dios ,dami kang mapupulot na karunungan eh ,

Hal. Sa lamok ,kung di mo uunawain bakit may lamok ,mapapasabi ka nlng bakit pa kase may lamok ,kailangan ba may lamok ? Eh natuklasan ngaun ng tao bakit may lamok ,yun pala di uusad ang cycle of life kung mawawala ang lamok ,magkakaroon ng pagkawalang balanse ,..kase yung lamok pala kailangan ng isda ,kailangan ng palaka,kailangan ng butiki ,.kumbaga kung di mo alam ang dhilan bkt may lamok mapapasabi ka tlgang di nman necessary may lamok ,.eh ginawa nga ng Dios sa karunungan lht ng nilikha nya..maaari sayo may lapses ,pero sa Kanya wala..


Parang ganun din yung punong kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama, maaring yung karunungang naroon eh di na natin maintindihan ,dhil una bago pa lang ang mundo nun, ikalawa wala na yung garden of eden, ..pero isa lang matitiyak natin ,na necessary yun ,may pakinabang doon sa panahon na yun na di lang natin nalalaman pa,.pagkat siguradong may nakapaloob na karunungan doon..at ang karunungang iyon ay napakabuti..,gaya sa lamok.,mukhang di kailangan pero kailangan..
Point ko is ung mga bible verses lang na aayon sa paniniwala mo ang mga binabanggit mo.....pero ung mga atrocities sa bible pinapaniwalaan mo din ba na totoo??? Nagbanggit na ko about slavery, killing babies etc...wala ka comment??


And sa cycle of life eh bata pa lang tinuturo na sa atin yan... Yes lamok eh may role sa buhay... Pero what about ung mga extinct na na hayop or any creatures??? Dinosaurs ano purpose nila sa cycle na yan?? Madame pang iba na wala na ngayon.... Bat kailangan icontrol ng tao ang population whether ireduce or paramihin ang certain species para mabalanse ung nature when it was created kamo na may purpose lahat??

So ano purpose ng tree na un now?? Na wala na ung eden kung san andun ung puno na un?? So un lang purpose nea?? Ung participation ng puno na un sa eden story???

May promise pb sa after life ng access sa puno na un?? Wala na db?? And even if may access eh bawal nga yung puno na un db?? So para san ang ginawa na un aside from that??
 
Papoint ako kung sang verse na binanggit na ang pagrerebelde ng mga anghel eh kasabayan ng fall ng tao sa eden
Genesis 3:14, 15

At sinabi ng Panginoong Yahweh sa ahas:​
“Sa iyong ginawa'y may parusang dapat,
na ikaw lang sa lahat ng hayop ang magdaranas;
mula ngayon ikaw ay gagapang,
at ang pagkain mo'y alikabok lamang.
Kayo ng babae'y aking pag-aawayin,
binhi mo't binhi niya'y lagi kong paglalabanin.
Ang binhi niya ang dudurog sa iyong ulo,
at sa sakong niya'y ikaw ang tutuklaw.”​

Yamang ang Diyos ang lumikha sa ahas, alam Niya na hindi nakakapagsalita ang ahas. Kaya ano ang ginawa ng Diyos?
Sa pamamagitan din ng ahas, inilapat ng Diyos ang hatol niya kay Satanas na Diyablo. Sa huling aklat ng Bibliya, ipinakilala mismo si Satanas, bilang ang 'matandang ahas'. Tinawag na nga siya sa aklat ng Pahayag bilang 'matanda' kasi matagal na ang panahon na lumipas mula nang magrebelde sila sa Eden.

Pahayag 12:9
Itinapon ang napakalaking dragon, ang matandang ahas na tinatawag na Diyablo at Satanas, na nandaraya sa buong sanlibutan. Itinapon siya sa lupa kasama ang lahat ng kanyang mga kampon.

2 Corinto 11:3
Ngunit nag-aalala akong baka malason ang inyong isipan at mailayo kayo sa tapat [at dalisay][You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.] na pananampalataya kay Cristo, tulad ni Eva na nalinlang ng ahas.

Kaya, halos magkasabay, pero mas nauna lang, na nagrebelde ang dating mabuting anghel na ito, kasi ang pagtukso niya sa unang mag-asawa ang nagpapakita na nagrerebelde siya laban kay Jehova [Yahweh] na Diyos. At nang matukso naman si Eva at si Adan, nagrebelde na din sila sa pamamahala ng Diyos. Kaya makikita natin dito na halos magkasabay lang na nagrebelde si Satanas at ang unang mag-asawa.

Kaya yung binanggit mo na 'nangyari na ang pagsuway ng angels sa Diyos' bago pa nalikha ang tao, wala po yun basehan sa Bible, kundi sa halip, ipinapaliwanag mismo ng Bible na nagrebelde lamang si Satanas noong tuksuhin niya ang unang mag-asawa at magsalita ng mga kasinungalingan laban sa Diyos.
 
ano purpose ng tree na un now?? Na wala na ung eden kung san andun ung puno na un?? So un lang purpose nea?? Ung participation ng puno na un sa eden story???

Actually, jayendecastro , dalawa ang puno na iyon na inilagay ng Diyos sa gitna ng hardin, yung isa ay ang punungkahoy ng buhay at yung isa ay ang puno ng pagkakilala ng mabuti at masama.

Genesis 2:9
Pinatubo niya roon ang lahat ng uri ng punongkahoy na magagandang pagmasdan at masasarap ang bunga. Sa gitna ng halamanan ay naroon ang punongkahoy na nagbibigay-buhay, at gayundin ang punongkahoy na nagbibigay-kaalaman tungkol sa mabuti at masama.

Ang purpose ng punungkahoy na nagbibigay-kaalaman tungkol sa mabuti at masama ay sumasagisag sa karapatan ng Diyos na magtakda ng kung ano ang mabuti at masama, ang punungkahoy naman ng nagbibigay-buhay ay posibleng sumasagisag lamang sa karapatan ng Diyos na bigyan sila ng 'buhay na walang-hanggan.' Though perfect na sila at hindi nagkakasakit o tumatanda [means, nangungulubot ang balat, lumalabo ang mata at iba pa], kung sila ay mapatutunayang tapat, posibleng bigyan sila ng Diyos ng pribilehiyo na kainin ang 'bunga ng punongkahoy na nagbibigay-buhay,' anupat magiging posible sa kanila na mabuhay nang walang hanggan. Parang sa isang magulang, kapag masunurin ang kaniyang anak, binibigyan niya ito ng regalo bilang pagpapala dahil sa pagiging masunurin nito.

Kaya ang purpose ng punungkahoy na pagkaalam ng mabuti at masama, ay upang malaman ang kanilang pagkamasunurin sa Diyos, at kung magpapasakop sila sa pamamahala Niya.

After ng insidenteng iyon sa Eden, hindi na sila ipinahintulot na makapasok pa roon, pinalayas sila ng Diyos, sa anong layunin?


Genesis 3:22
Pagkatapos, sinabi ng Panginoong Yahweh, “Katulad na natin ngayon ang tao, sapagkat alam na niya ang mabuti at masama. Baka pumitas siya at kumain ng bungangkahoy na nagbibigay-buhay at hindi na siya mamatay.

Kaya after ng maraming taon, matapos ang pangglobong Baha sa lupa, hindi na nakita pa ang lugar ng Eden, maging ang mga punongkahoy na ginamit bilang mga sagisag.
 
Sa tingin ko sir mali or di pa klaro sayo ang bible, lagi mo kasi binabanggit na namamatay ng tao ang diyos,

Baka maka tulong ang article na toh sayo
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 
Dahil inosente pa nga sila ,at di pa nila alam ang tama at mali ,naghihintay lang sila ng utos mula sa Dios noon, kung alam na nila ang tama at mali,una palang na pumunta si satanas sa eden ,alam na dapat nila gagawin nila. ,Pero dahil inosente pa nga sila, ang alam lng nila ang bawal at hindi ..

Pero katunayan nga na di pa nila alam yung tama at mali ,yung di nga nila alam na hùbád sila eh , kaya nun makakain sila tsaka lang sila nagkaroon ng malay,

Yung marahil ang dahilan kaya may puno ng pagkakilala ng mabuti at masama,.dhil wala pa silang malay ,wala pa nga lang sa tamang panahon kainin,kaya pinagbawal pa ng Dios, dhil bago lang sila sa mundo ..kumbaga bata pa ,
 
Sa panahon na di pa kinain ng tao yung bunga ay para pagbata sanggol ang karunungan ng tao, wala syang alam tungkol sa mabuti at masama. Curiousity lang talaga ngtutulak. Sa simula palang eh alam naman ng dyoa na siguradong gagalawin talaga ng tao yung bunga, syempre all knowing sya eh. Pero inilagay pa din. So meaning sa simula palang my motive na sya. Or baka curious lang din sya kung ano ba talaga gagawin ng tao. Pero makapangyarihan sya at siguradong alam nya na ang ending. Eh mas curious siguro sya kung ano ba gagawin nya sa tao pagginalaw ng tao ang bunga.

Matanong nga kita.

Kung may sanggol lang anak tapos iniwan mo kasama ng inorder mo burger. Satingin mo ano kaya gagawin ng bata sa burger na naiwan?
Papagalitan mo yung bata o parurusahan? Satingin mo sino ang dapat parusahan yung bata o ikaw na nag iiwan?
O ipapahid mo sa iba yung pagiging iresponsabli mong tao?
 
[XX='Angel069, c: 1322571, m: 1872083'][/XX] Gaya ng nabanggit ko na, ipapaliwanag ko sa sunod kong mga thread kung bakit masasabing ALAM NA NINA ADAN AT EVA ANG TAMA AT ANG MALI BAGO PA MAN NILA KAININ ANG PINAGBABAWAL NA BUNGA SA PUNUNGKAHOY NG PAGKAALAM NG MABUTI AT MASAMA ..
 

Users search this thread by keywords

  1. Adan at eva
Back
Top