What's new

Bakit Inilagay ng Diyos ang Puno ng Pagkakilala ng Mabuti at Masama sa Hardin ng Eden?

Sa simula palang eh alam naman ng dyoa na siguradong gagalawin talaga ng tao yung bunga, syempre all knowing sya eh.
Pakibasa po itong thread na ito para makita niyo po yung sagot, na kahit may kakayahan ang Diyos na alamin ang mangyayari sa hinaharap ay hindi niya iyon ginawa noong panahon na lalangin Niya ang tao ..

Pakibasa na lang po itong thread na ito ↓↓↓

https://phcorner.net/threads/bakit-...as-sa-pagtukso-kay-eva.1107929/#post-18479194

Sa panahon na di pa kinain ng tao yung bunga ay para pagbata sanggol ang karunungan ng tao, wala syang alam tungkol sa mabuti at masama

Sasagutin ko po yung tungkol sa part na ito sa sunod kong mga thread .. Ipapaliwanag ko kung bkit masasabing ALAM NA NINA ADAN AT EVA ANG MABUTI AT MASAMA BAGO PA MAN NILA KAININ ANG PINAGBABAWAL NA BUNGA SA PUNUNGKAHOY NG PAGKAALAM NG MABUTI AT MASAMA ..
 
Ginawa ng dios na napakabuti ang tao pero kailangan pang turuan ng pagsunod??? Un ba un?? So bakit alam ni god na kailangan pang turuan ng lesson sa pagsunod ang napakabuti neang creation?? Kung napakabuti nga nila despite their freewill eh di ba dapat within themselves na pagsunod??

Dhil sa panahon ni eva at adan bago pa matukso ng ahas , bata ang tao bago pa sa mundo , ang bata kailangan mo pa turuan ,

Sa panahon ngayon ,pumasok na ang kasalanan dhil sa pag suway ng una,(ni eva at adan) kasabay nun pumasok na ang kamatayan ,.para mailigtas nman ang tao sa kamatayan o parusa ,kailangan ulit turuan ang tao ng pagsunod, katunayan maraming tao ngaun wala ng pagsunod sa Dios.

Nilikhan napakabuti ng tao ,pero hindi sinabing nilikhang nakaprogram,.kase nga lalabas kang robot nun at isang bagay yung dapat nating ipagpasalamat sa Dios.

Oo totoo yun ,within therselves sana ,pero dhil nga may satanas na umiiral ,yung kabutihang nasa tao eh nakucorrupt..kaya pakiramdam naman mo din kung nasa gitna ka ng tukso ,dalawa maiisip mo ,mahulog sa tukso o sundin yung mabuting nasayo ,
 
Ginawa ng dios na napakabuti ang tao pero kailangan pang turuan ng pagsunod??? Un ba un?? So bakit alam ni god na kailangan pang turuan ng lesson sa pagsunod ang napakabuti neang creation?? Kung napakabuti nga nila despite their freewill eh di ba dapat within themselves na pagsunod??

Dhil sa panahon ni eva at adan bago pa matukso ng ahas , bata ang tao bago pa sa mundo , ang bata kailangan mo pa turuan ,

Sa panahon ngayon ,pumasok na ang kasalanan dhil sa pag suway ng una,(ni eva at adan) kasabay nun pumasok na ang kamatayan ,.para mailigtas nman ang tao sa kamatayan o parusa ,kailangan ulit turuan ang tao ng pagsunod, katunayan maraming tao ngaun wala ng pagsunod sa Dios.

Nilikhan napakabuti ng tao ,pero hindi sinabing nilikhang nakaprogram,.kase nga lalabas kang robot nun at isang bagay yung dapat nating ipagpasalamat sa Dios.

Oo totoo yun ,within therselves sana ,pero dhil nga may satanas na umiiral ,yung kabutihang nasa tao eh nakucorrupt..kaya pakiramdam naman mo din kung nasa gitna ka ng tukso ,dalawa maiisip mo ,mahulog sa tukso o sundin yung mabuting nasayo ,
 
Bakit kailangan naman na mag quote ng verse sa bible ,dhil kailangan ang pananampalataya mo ay may basehan : 1 Corinto 4:6
Ang mga bagay ngang ito, mga kapatid, ay inianyo ko sa halimbawa sa aking sarili at kay Apolos dahil sa inyo; upang sa amin ay mangatuto kayo na huwag magsihigit sa mga bagay na nangasusulat; upang ang sinoman sa inyo ay huwag magpalalo ang isa laban sa iba.

sa mababaw na paliwanag ,para masabi mong tama ka sa sagot mo sa math , kailangan nakabase ka sa equation na nakasulat sa libro .
 
Ts kung alam na ni adan at eva ang tama at mali ,bakit hindi nila alam na hùbád sila ,?tsaka bkt kinakailangan pa ng puno ng pagkakilala ng mabuti at masama kung una pa lang pala eh alam na nila ?

Di sana una pa lang na tuksuhin sila nun ahas ,nasabi na agad nilang mali ito ?

,Ang tama at mali kase ay kasinonimo ng mabuti at masama ,.

Parang kamatayan din yan , sa panahong di pa nagkakasala ang tao ,wala pang kamatayan ,.ngayon alam ba nila kung ano ang kamatayan ? My knowledge nba sila sa kamatayan kht di pa nman existing.?

Kase nun panahong di pa pumunta si satanas sa eden , wala pang existing na mali noon , kung walang pang mali ,katumbas yun na di mo pa manonotice ang tama ,
Kase para masabi mong may tama ,kailangan may makita ka munang kamalian ,.

At wala pang mali nun panahon na wala pa si satanas sa eden ,.at si adan at eva pa lang nandoon wala pang mali noon ,para masabing may knowledge na sila sa tama at mali.
 
Maganda sana yan kaso masyadong mababaw ,kht siguro iqaw maiisip mong mali yan ? ,Kung gagamit ka ng halintulad dapat una maisip mo na ,ang karungan ng Dios ay napakataas , sa libro ng tao baka ganyan nga , pero kung bibliya pag uusapan ,kung hindi ipagkakaloob ng Dios kht basahin mo nga di maiintindihan eh ,
 
Kase ganito ano , yung pinagsama mo yung panahon ngaun tsaka yung panahon ni eva at adan ,eh nung panahon ni eva at adan kht hùbád ka non di mo alam na mali eh ,


Pero ngaun ,kailangan mo pa ba ng libro para malaman mong hùbád ka ?

Ang babaw masyado.
 
May basehan yun ,na sa langit pa lng nagka ambisyon na si satanas ,bago pa siya manukso sa eden ,rebelde na siya ,.

SEzekiel 28:14-17 (TLAB) Ikaw ang pinahirang kerubin na tumatakip: at itinatag kita, na anopa't ikaw ay nasa ibabaw ng banal na bundok ng Dios; ikaw ay nagpanhik manaog sa gitna ng mga batong mahalaga.
Ikaw ay sakdal sa iyong mga lakad mula sa araw na ikaw ay lalangin, hanggang sa ang kalikuan ay nasumpungan sa iyo.
Dahil sa karamihan ng iyong kalakal ay kanilang pinuno ang gitna mo ng pangdadahas, at ikaw ay nagkasala: kaya't inihagis kitang parang dumi mula sa bundok ng Dios; at ipinahamak kita, Oh tumatakip na kerubin, mula sa gitna ng mga batong mahalaga.
Ang iyong puso ay nagmataas dahil sa iyong kagandahan; iyong ipinahamak ang iyong karunungan dahil sa iyong kaningningan: aking inihagis ka sa lupa; aking inilagay ka sa harap ng mga hari, upang kanilang masdan ka.

Sino ba yang kerubin na yan na inihagis sa lupa ? Nung magkasala sa langit ??

Isaias 14:12-14 (TLAB) Ano't nahulog ka mula sa langit, Oh tala sa umaga, anak ng umaga! paanong ikaw ay lumagpak sa lupa, ikaw na siyang nagpahina sa mga bansa!
At sinabi mo sa iyong sarili, Ako'y sasampa sa langit, aking itataas ang aking luklukan sa itaas ng mga bituin ng Dios; at ako'y uupo sa bundok ng kapisanan, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hilagaan:
Ako'y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; ako'y magiging gaya ng Kataastaasan.

Anong langit ba sinasabi jan ,? Ilang langit ba ang merun? Langit ba d2 yan sa lupa ? Kung langit yan sa lupa bakit kailangan pang ihagis sya papunta sa lupa kung galing naman pala siya sa lupa ?

Hindi dahil may tinatawag na ikatlong langit !
2 Corinto 12:2
Nakikilala ko ang isang lalake kay Cristo, na mayroong nang labingapat na taon (maging sa katawan, aywan ko; o maging sa labas ng katawan, aywan ko; Dios ang nakaaalam) na inagaw hanggang sa "ikatlong langit."

Katunayang nasa langit pa lang magrebelde at masama na si satanas bago pa makarating sa eden ?

Roma 5:12 (TLAB) Kaya, kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka't ang lahat ay nangagkasala:

Kung papaano sa pamamagitan ng isang tao ,?
Ni adan ,kaya sya authority noon

Ang kasalanan ,sino may dala ? Si satanas .

Saan pumasok ? Sa sanlibutan kase nga wala pa man siya sa sanlibutan (sa earth sa eden)eh masama na siya may daladala na siyang kasalanan .

Nasa kapisanan pa lang siya ng mga anhel ,rebelde na siya ,kaya nga may mga anghel na nadaya siya ,kase dun muna siya nagkaambisyong makipantay sa Dios.

Kaya nga may anghel na mapaparusahan kasama nya eh.
 
Ah yung masasamang ginawa ng tao ,killing babies nga sabi , bunga nga iyon na ang tao ay nahiwalay sa pagsunod sa Dios ,oo naniniwala aq nasa bible yon ,eh kagustuhan ba ng Dios yun ,? Inutos nya ba yun ?


Ah bakit may dinosaurs naman ,kung mag aaral ka nman ng naturalesa ,kht pa hal. Di mo pa naririnig yung paliwanag ng science bkt may existing ng dinosaurs , eh ganito , lam mo yung isang lupa ,para maging mainam o gumanda kailangan lagyan mo ng bulate ,o kailangan mo nga minsan ng compost na kinabibilangan ng mga uod ,,kumbaga ano man ang dhilan bakit nagka dinosaurs maaring may kinalaman sa lupa ,.sabagay kung malalaki yan eh tyak malalaki din dumi nyan yun pa lang sa lawak ng mundo at wala pang tao noon ,eh matityak mo na makakatulong sa lupa ,tae pa lng nila ,.eh kung kagalangaw lang ang gagamitin para sumagana ang lupa eh aabutin pa siguro ng mas matagal pa na panahon,


Kumbaga maaaring may dahilan ang Dios ,bkt may existence ang dinosaurs..
Una nga lupa lng naman unang makikinabang ,,eh bkt kailangan lupa ? Magkakaroon kase ng eden ..
 
Kung may sanggol lang anak tapos iniwan mo kasama ng inorder mo burger. Satingin mo ano kaya gagawin ng bata sa burger na naiwan?
Papagalitan mo yung bata o parurusahan? Satingin mo sino ang dapat parusahan yung bata o ikaw na nag iiwan?
O ipapahid mo sa iba yung pagiging iresponsabli mong tao?

Kung sa tao ,oo pede yan ,pagalitan mo yung magulang ,sa tao yun ,.

Pero sa Dios ,merun bang may karapatan o kakayahang pagalitan ang Dios ?

Ganito yan ,kung ikaw kunwari lumikha ka ng isang likha ,eh yung nilikha mong yun eh sa kabila ng pagkalikha mo sa kanya na ,alam naman niyang ikaw ang lumikha sa kanya eh ,sumuway at napahamak sa sariling kagustuhan nila ? Pagagalitan mo ba sarili mo ?? Bka nga magalit kpa sa nilikha mo eh ,.


Kase ano wag mong basta ikumpara ang Dios ,kung anong kalagayan natin bilang tao ,..masyadong malayo ..

.kumbaga hindi kase sya karapatdapat ihalintulad sa isang pabayang magulang ..
 
[XX='Angel069, c: 1323427, m: 1872083'][/XX] Hintayin niyo lng yung thread na binubuo ko, d ko pa tapos eh .. Nandun lahat ng sagot sa tanong about jan ..
 
Yung sinasabi mo kaseng all knowing ang Dios ,na dinadahilan ng marami na all knowing Siya kaya alam nya na dapat yan ,dapat di na ganyan yan

..yun palang paniniwala na God is all knowing eh mali na eh ,ngaun bkt hindi Siya all knowing ,kase merun nga Siyang di alam gawin eh .
 
Kaya nga yang all knowing na yan pa ,ginagawang dhilan ng mga taong ayaw sumunod ,para bang ibinabalik pa nila ang sisi ,.becoz God is all knowing kuno ..,mali yang prinsipyo mo ..alalahanin mo ginawa kang may freewill ,may sarili kang pagpapasiya ,wag mo ibalik sa Dios yung ,kasalanang ginawa mo ayon sa sarili mo ,
 
Tsaka bago pa siguro matutong magbasa ang anak mo ,siguro naman mas nauna nyang natutuhan na magdamit ,yan ang reality .,
 
Genesis 3:14, 15

At sinabi ng Panginoong sa ahas:

“Sa iyong ginawa'y may parusang dapat,
na ikaw lang sa lahat ng hayop ang magdaranas;
mula ngayon ikaw ay gagapang,
at ang pagkain mo'y alikabok lamang.
Kayo ng babae'y aking pag-aawayin,
binhi mo't binhi niya'y lagi kong paglalabanin.
Ang binhi niya ang dudurog sa iyong ulo,
at sa sakong niya'y ikaw ang tutuklaw.”

Bakit sinabi yan ? Dahil ba jan lang nag umpisang magkasala si satanas ?o sinabi lang yan dhil may una na siyang dinaya ? ,, Confirmation lang yan na sobra na tlga tong satanas ,gumawa na ng masama sa langit ,aba pati sa lupa nandaya pa dinamay pa tao ..

Kya nga siya nilagpak sa lupa eh , para sana maisip nya na di sya makakapantay sa Dios ,ang ginawa nya nman imbis na maisip na mali siya , nagpunta pa sa eden at nandaya ,abay sobra na ,
 

Users search this thread by keywords

  1. Adan at eva
Back
Top