What's new

ATHEIST po ako.

kung iispin mong mabuti saan nanggaling ang lahat, ma re realize mo na may creator . Pero easy ka lang TS, kung hindi naman lahat maraming tao ang nakaranas ng parehong sitwasyon/pananaw mo ngayon. Life remains a mystery. Kahit gaano ka advance na ang technology natin at kadami ng mga matatalinong scientist, wala ni isa ang nakakaprove ng life's origin. Kusa nalang ba nag exist? that remains a question mark.. pero di ko alam bakit andaming religion heheh, well tingin ko na create ang religion siguro para ma improve morality ng tao. Dahil sa religion tumatak na sa isip natin kung anong tama at mali. Kaya alam natin na masama pumatay, magnakaw , etc. dahil sa religion. Para siguro may peace and order. Pero dahil napakarami ng religion, iba iba na pananaw ang mga tao, kaya sanhi narin ito ng pag aaway. hehe yun lang para sakin. Pero ikaw TS, naniniwala kabang bigla nalang nag exist ang lahat galing sa wala?? :LOL::LOL:.. well kung ano sagot mo TS opinion mo naman yan ahaha..
 
[XX='jhomel7, c: 655865, m: 707365'][/XX] isa sa fact yung pinagkakaperahan ang religion.

What do you mean sir by ikapu?
 
hmmm mayron question lang ok pewdi ba mag put nang link sa site kasi christian website baka maka answer sa inyong mga tanong
 
Yung tungkol kay Elon Musk magpray ka man o hindi yayaman ka pa din.. Maraming mga hari noon hindi naniniwala sa Diyos yung iba ginagawang Diyos ang mga rebulto o di Tunay na Diyos.. Basta hard work at positibo lng magiging succesful ka sa buhay.. Sabihin na natin dininig nga ng Diyos ang panalangin nya pero hindi lng yun ang basehan ng pagiging succesful.
 
Same here kapatid jan ako talaga nag bago dahil Sa salita ng Dios na tabak pang putol ng masamang gawain kalayawan promise na hinto ML Call of Duty hehe ,
 
Sa mga athiest na hindi naniniwala sa Dios ? Lalabas merong Dios 😂😂 maniwala kang may Dios at alamin kung pano maka sunod masaya ka na mag lilingkod.
 
Alam mo TS.. lahat ng tanong may sagot.. kahit sa pinaka inaakala mong wala ng kasagutan...may sagot yun...

Maliban na lang kung hindi mo nagustuhan yung sagot...

Well masasabi ko lang eh....pwede namang sumagot sa mga tanong...ang problema lang eh...yung sumagot ba ng tanong eh awtorisado?

Ayaw ko sanang maglatag ng talata sa Bibliya...pero alang alang sa nakararami na naghahanap din ng kasagutan sa kanilang mga katanungan...ay ilalatag ko ang isang talata kung bakit parang napaka ilap ng mga sagot na totoo...

Pakibasa mo ito brad...ng taimtim:


Apocalipsis 10​

Ang Biblia, 2001​

Ang Anghel na may Munting Aklat​

10 At nakita ko ang isa pang makapangyarihang anghel na nanaog mula sa langit, na nababalot ng isang ulap, at may bahaghari sa kanyang ulo, at ang kanyang mukha ay gaya ng araw, at ang kanyang mga paa ay gaya ng mga haliging apoy.
2 May isang maliit na balumbon na bukas sa kanyang kamay at kanyang itinuntong ang kanyang kanang paa sa dagat, at ang kaliwang paa sa lupa.
3 Siya ay sumigaw nang may malakas na tinig, na gaya ng leon na umuungal; at pagkasigaw niya, ang pitong kulog ay umugong.
4 Nang tumunog ang pitong kulog, susulat sana ako, ngunit narinig ko ang isang tinig mula sa langit na nagsasabi, “Tatakan mo ang mga bagay na sinabi ng pitong kulog, at huwag mong isulat ang mga ito.”
5 At itinaas ng anghel na aking nakita na nakatayo sa dagat at sa lupa ang kanyang kanang kamay sa langit,
6 at nanumpa sa nabubuhay magpakailanpaman, na siyang lumalang ng langit at ng mga bagay na naroroon, at ng lupa at ng mga bagay na naririto, at ng dagat at ng mga bagay na naririto: “Hindi na maaantala pa,
7 ngunit sa mga araw na hipan ng ikapitong anghel ang kanyang trumpeta, magaganap ang hiwaga ng Diyos, ayon sa kanyang ipinahayag sa kanyang mga lingkod na propeta.”
8 At ang tinig na aking narinig mula sa langit ay muling nagsalita sa akin, na nagsasabi, “Humayo ka, kunin mo ang aklat na bukas na nasa kamay ng anghel na nakatayo sa dagat at sa lupa.”
9 Kaya't ako'y lumapit sa anghel at sinabi ko sa kanya na ibigay sa akin ang maliit na aklat. At kanyang sinabi sa akin, “Kunin mo ito at ito'y kainin mo; ito ay magiging mapait sa iyong tiyan, ngunit sa iyong bibig ay magiging matamis na gaya ng pulot.”
10 Kinuha ko ang maliit na aklat sa kamay ng anghel, at aking kinain; at sa aking bibig ay matamis na gaya ng pulot, ngunit nang aking makain ay pumait ang aking tiyan.
11 At sinabi nila sa akin, “Kailangang muli kang magpahayag ng propesiya tungkol sa maraming mga bayan at mga bansa, mga wika at mga hari.”

May awtorisado na magbubukas nito.

Apocalipsis 11

6 Ang mga ito'y may kapangyarihang magsara ng langit upang huwag umulan sa loob ng mga araw ng kanilang pagpapahayag ng propesiya at may kapangyarihan sila sa mga tubig na gawing dugo, at pahirapan ang lupa ng bawat salot sa tuwing kanilang naisin.


TS... kung itong mga talatang ito...ay maliwanag at naunawaan mo ang kahulugan...

Isa lang ang ibig sabihin nyan...

Binuksan na ang aklat at inalis na ang tatak para sayo.

Sana nga.
 
[XX='jhomel7, c: 655865, m: 707365'][/XX]
Hehe pasensya na po kung nakikisingit sa usapan pero isa din po ako sa mga curious kaya nag eexplore ng iba't-ibang simbahan. At napunta ako sa isang church na nagtuturo ng ikapu or tithes na tinatawag nila. Lalo pa yung tinatawag nilang first fruit, na ibibigay mo buong income mo for the first month of the year. I stopped going to that church dahil medyo questionable para sa akin. Well, iba-iba naman kasi talaga interpretation ng mga tao sa bible
 
Maging ano estado sa buhay mo , ano relihiyon mo o may paniniwala ka. Ikaw parin ay mahal ng Diyos. Ang diyos ang awa at hindi siya nag paparusa.being a catholic hindi sapat na sa Bibliya kalang mag babase, hindi naman kailangan na eksperto ka. Ang importante ay isinasabuhay mo ang salita ng Diyos kaya tinatawag itong A way of life. Daming issue kesyo sa rebulto, ngunit d naman alam kung ano ang kahulugan. We do venerate them, dahil sila ay mga santo, mga tao na nagbago ang buhay dahil nalita nila ang pagmamahal ng Diyos in their journey in life, now they all have become saints.we too can become one. Moreover, we ask for their intercession to ask for help since malapit sila kay Hesus. Hindi sila sinasamba. Adoration naman ang tawag kung sa Diyos mismo. So dyan makkita mo naman may pagkakaiba ang pagvenerate at pag adore. Maikli lamang ito, sana ay may naunawaan kayo at para hindi kayo malito kung ano pinagsasabi ng iba. Focus ka kung saan ka naging happy at nakatulong sa buhay mo. I know religion could not save you. But because may faith ka and you believe that there is God then you will be saved. Salamat
 
Hindi rin ako naniniwala sa mga relihiyon relihiyon nayan kase diko rin alam kung sino paniniwalawaan ko kase sa Catholic Sumasamba sila sa Kahoy Tapos sa INC naman Sa Projector Tapos si felix manalo daw ang taga pagligtas Tapos sila lang daw maliligtas tapos sa Saksi Naman Ni Jehova Naglilibot sila sa bahay bahay para manghingi ng pera at Sa Muslim Naman si ALLAH sa tingin ko di naman totoo si ALLAH nababasa ko itong mga ito sa group na CATHOLIC VS INC DEBATE sa Facebook kaya yun wala akong pinaniniwalaan tapos sa BORN AGAIN naman hindi ako Sure
 
[XX='Purple765, c: 656412, m: 1043950'][/XX]

Ah, religion pala yun. New knowledge for me hahahaha. Salamat
 
Sa lahat ng topic ganito ang iniiwasan ko. Yung simpleng diskusyon kasi pwedeng mauwi sa debate, at pag naging debate ang tungkol sa religion walang nananalo, bakit? Parehas kayo magkaiba ang pananaw sa iisang bagay, depende nalang kung open-minded yung kausap mo at handa ka rin iopen yung sarili mo sa opinyon ng kausap mo, but in the end both of you ay talo sa debate, bakit? Parehas kayo magi-stand sa paniniwala niyo. :)
 

Similar threads

About this Thread

  • 217
    Replies
  • 5K
    Views
  • 69
    Participants
Last reply from:
JokeUnavailbe

Online statistics

Members online
1,129
Guests online
4,331
Total visitors
5,460
Back
Top