Naalala ko ang lucid dreaming. Sabi, nakakatulong raw ang lucid dreaming sa mga tao na nanaginip ng nightmare. Diba ang lucid dreaming is to control a dream. A dream na vivid siya na it seems na ang tao na nanaginip ay ramdam niya na totoong-totoo.
Kapag ikaw mismo mag cocontrol ng dreams, maiiwasan mo magkaroon ng nightmare in a dream dahil ikaw ang magcocontrol ng lahat. Meron ka abilidad na pagandahin ang dreams mo- ganoon po. Nabasa ko na one of the benefit ng lucid dreaming.
Meron ako nabasa somewhere na kapag na nanaginip ng masama na halimbawa, zombie- halimbawa lang naman ay huwag raw kalabanin. Oo. Nakalimutan ko kung anong paraan pa para hindi managinip ng masama pero one thing na naaalala ko ay huwag kalabanin. Tapos umikot ka raw sa dreams mo. Tapos naalala ko na dapat harapin o kausapin- ganoon daw.
Ang explanation kase, ang dreams kase is para ikaw din iyon. Somewhere in our subconcious mind.
Which is oo nga. Sa experience ko dati na nanaginip ako ng white lady pagkatapos nakakatakot ang itsura sa school daw. Yung fear ko ay sobrang lakas tapos hinarap ko at kinausap ko.
Sabi ko na mabait naman siya at hindi na nanakit. Naging friends kami pagkatapos ang setting o ang paligid ko naginag maaliwalas, medio gumanda-ganda at ang itsura ng babae ay naging maganda at tipong nakasuot siya ng modern dress at totoong tao siya na totoong tao siya in a dreams. Pati ang fear ko ay nawala na rin.
Subukan niyo na kapag na nanaginip ng masama, umikot kayo sa dreams para mag iba ang settings or environment. Minsan hindi ko nagagawa iyon. Nakakalimutan ko dahil sa takot. Puros iwas na lang ako lalo na hinahabol ako ng zombie. Pwede naman ako umikot sa dreams ko pero nangibabaw ang takot ko kaya hindi ko nagawang umikot. Nadaigan ako ng takot kaya hindi ko nagagawa minsan.