What's new

I feel useless

rysun_skeptical

Forum Veteran
Elite
Joined
Jun 11, 2016
Posts
1,876
Reaction
1,582
Points
664
I feel useless kasi nga, parang wala nang tiwala yung partner ko sakin. Parang hindi na niya ako kailangan. Kasi minsan nalang kami nag-uusap. Kasi busy daw siya sa work niya maraming meetings daw. Sa weekend, magkasama na man kami pero physically present but mentally absent kasi palaging nakatitig sa cp. Hindi na siya nag oopen up sa kin. Halos mga gawain sa bahay ako na lahat ang gumagawa, pati sa anak namin ako parin. Siya laging nakahiga on her cp. Para akong kasambahay na tatawagin lang kung may kailangan. Nung nag LQ kami tungkol sa hindi siya umuwi ng isang buong araw pagkatapos ng duty niya, dun niya nilalabas lahat ng sama ng loob niya sakin, pinagsabihan pa niya ako na, hindi ko nga kaya pagbuhayin siya at 1 anak namin, tapos nung nanganak siya wala akong binigay ni piso sa kanyang pagpanganak kasi nga maliit lang sweldo ko. Tapos sa mga kailangan ng baby, lahat lahat siya ang gumagastos mula sa gatas, diaper at ano ano pa. Tapos may lakas pa ako pagalitan siya kung hindi uuwi ng bahay kasi daw karapatan niya yun. Ang babang baba ng tingin niya sakin, pinagbantaan pa niya ako na kaya niya akong iwanan, hindi ko sila kayang buhayin sa maliit kong sweldo. Almost 8yrs na kasi siya sa BPO, at ako bago palang mag 3yrs sa Car Dealership Company. Ang laki ng agwat ng aming sahod. Nasa 20k+ ang sinasahud niya samantala ako, nasa 13k ang buwanan. Ang laki laki ng pinagbago niya simula nalipat siya sa bagong posisyon at bagong team. Wala na akong silbi sa kanya, parang hindi na ako parte ng buhay niya. Hindi na nga siya humingi ng tulong sakin di tulad ng dati. Para akong kasambahay na taga luto, taga laba, taga alaga ng anak namin. Samantala, paguwi niya galing trabaho, matutulog, tapos pag gising kumain at going to work. Ako paguwi ko galing trabaho, ako ang mamroblema anong lulutuin kasi ang choosy niya sa kung anong uulamin, mag alaga ng bata at pakainin, at ano ano pa pagawa niya sakin. Ako pala ang gagastos sa lulutuin everyday at sa konsumo na bigas namin every week. Tas minsan pinagtatawanan pa niya ako kasi kulang lang daw sahod ko sa isang kinsena para umabot sa sunod na sahuran kasi umuutang pa ako sa kanya para lang may ipapakain sa kanila at may matitira pang perang umabot sa next sahod ko. Actually Tinipid ko hanggat makakaya ang sahod ko para lang may ipapakain ko sa kanila. Hindi na ko nagko-commute papuntang trabaho kasi nilalakad ko nalang araw2 vice versa nakakapagod. Hindi na ako bumibili ng pagkain sa canteen kasi may baon na man ako galing bahay. Kaya ngayon, masyadong baba na ang tingin ko sa sarili ko dahil sa kanya. 😖😖😖

Minsan napatanong ako sa sarili ko, ano pa ba ang silbi ko sa pamilya namin? At sa kanya? Bat pinagbantaan niya ako na kaya niya akong iwan?
 
Hmm, hirap sumagot dito lods, sana naman malampasan niyo yan
Kailangan may open communication para hindi nakatago lang yung mga iniisip niyo at nararamdaman
 
Magpayaman ka po. Gawin challenge. Kaya mo ba? Kaya mo ba maging kasing level niya kung ayaw mo na sa mismong position mo? Sunod, bakit nga pala kayo nagpakasal kung hindi pa pala financial stable from you or I have a feeling na siya din ang gumastos at wala ka rin nailabas na pera ni isang kusing galing sa pagpapakasal? Hindi ko rin alam. Ayaw ko magjudge. Kase, nahihirapan ata ang babae na siya lahat pagdating sa pera. Feel ko, dapat kasing level niya na same amount or equal treatment pagdating sa money and career. Yun ang feeling ko. Pagkatapos, yung iyo, ang bagay sa iyo ay babae na literally no work na hanggang bahay lang siya para ikaw ang nagwowork kahit mababa ang sahod. Yun nga lang kung pwede maka survive.

Parang hindi kayo match. Hindi kayo perfect match sa tingin ko.

Sorry ha. That is what I perceived kase. Parang ang layo ng agwat. Yung wife mo ay career driven pagkatapos ikaw naman ay simple life. Yup, opposite attract but kung andoon ang complain, e baka hindi kayo match. Baka ang kailangan is same level sa isa't-isa ang maging partner mismo.

I think pwede pa iyan resolbahan. Gusto mo na ba bumitaw? Or maghanap ng paraan para maging kasing level niya pagdating sa karera at pera? Lahat naman ay meron solusyon. Mamili lang po pero bawat solusyon at disiyon, meron iyan consequence. Accept the consequence na lang. Iyon lang.

Na realize ko. Aha. Importante talaga ang pera dahil isa sa naghihiwalay raw sa mag asawa ay pera. Tada.
 
Last edited:
Thank you lods Asherah Goddess, maliwanag pa sa buwan ang iyong paliwanag, na-enlighten ako.

Lagi ko nga sinasabi sa kanya na, mabuti pa sa inyu may career growth di tulad samin, staff or dept. head lang pupuntahan.

Binuntis ko siya as a proof na mahal na mahal ko siya. Kaya ayun, nagbunga nga.

Anyway, thank you again sa mga opinion ninyo mga lods.
 
Magpayaman ka po. Gawin challenge. Kaya mo ba? Kaya mo ba maging kasing level niya kung ayaw mo na sa mismong position mo? Sunod, bakit nga pala kayo nagpakasal kung hindi pa pala financial stable from you or I have a feeling na siya din ang gumastos at wala ka rin nailabas na pera ni isang kusing galing sa pagpapakasal? Hindi ko rin alam. Ayaw ko magjudge. Kase, nahihirapan ata ang babae na siya lahat pagdating sa pera. Feel ko, dapat kasing level niya na same amount or equal treatment pagdating sa money and career. Yun ang feeling ko. Pagkatapos, yung iyo, ang bagay sa iyo ay babae na literally no work na hanggang bahay lang siya para ikaw ang nagwowork kahit mababa ang sahod. Yun nga lang kung pwede maka survive.

Parang hindi kayo match. Hindi kayo perfect match sa tingin ko.

Sorry ha. That is what I perceived kase. Parang ang layo ng agwat. Yung wife mo ay career driven pagkatapos ikaw naman ay simple life. Yup, opposite attract but kung andoon ang complain, e baka hindi kayo match. Baka ang kailangan is same level sa isa't-isa ang maging partner mismo.

I think pwede pa iyan resolbahan. Gusto mo na ba bumitaw? Or maghanap ng paraan para maging kasing level niya pagdating sa karera at pera? Lahat naman ay meron solusyon. Mamili lang po pero bawat solusyon at disiyon, meron iyan consequence. Accept the consequence na lang. Iyon lang.

Na realize ko. Aha. Importante talaga ang pera dahil isa sa naghihiwalay raw sa mag asawa ay pera. Tada.
gusto ko na bumitaw. kasi ako lang ang masasaktan kung pipilitin ko pa iworkout. sinabi na niya sakin na mas masaya siya pag hindi kami magkasama kasi puro daw problema dala ko.
 
Masakit oo pero dapat ka na rin mag step up kung gusto mo may magbago. Upskill ka and try to change for the better. Nawalan amor asawa mo kasi mas pkiramdam nya na sya ang main provider (hindi din tama pero nbburn out na siguro sya sa sitwasyon nyo). I suggest you look for greener pasture. You'll drift apart kung hindi kayo magtutulungan and show her you ca be better. 🙂
 
Maling tao kayo sa isat isa boss MInsan ba pag magkikita kayo kinakabahan ka na dimo maexplain? Parang Hindi ka genuine na Ikw kpag magkasama kayo
 

Similar threads

Back
Top