What's new

Closed Aking mundo

Status
Not open for further replies.

PHC-Codex

Honorary Poster
Joined
Aug 20, 2017
Posts
584
Reaction
205
Points
222
Age
30
"Aking Mundo"

Isang espesyal na araw para sa ating dalawa
Maligaya na akong mapasaya ka
Matagal na panahong hinintay ay dumating na
At alam kong ito ang sayoy magpapaligaya

Pero bago ang lahat gusto kong magbalik tanaw
Sa masasayang alaala ng ating buhay
Dahil mayroon akong isang ikaw
Na nakasama ko sa aking buhay

Bituin, oo yan ang tingin ko sayo nung una kang makita
Bituin na kahit malayo ay napakaganda
Bituin na hanggang tanaw na lang ng aking mga Mata
Bituin na kala koy malabong bumaba sa lupa

Ulap, ganyan kalabo ang tingin ko noon na makikilala kita
Ulap na humaharang sa aking pagasa para malapitan ka
Pero tulad ng Ulap kailangan lang hawiin para makakita
Makakita na may liwanag at pagasa sa tulad mong dyosa

Agos, sumunod lang ako sa agos ng panahon kung anong kahihinatnan nito
Agos na dinala aq sa direksyon papunta sayo
Agos na naging dahilan para magkakilala tayo
At itong agos din na dahilan kung nasan tayo

Bato, kasing tigas nito ang loob ko ng aminin ang nararamdaman ko sayo
Bato na puso kong lumambot ng dahil sayo
Batong nadurog dahil sa pagmamahal ko para sayo

Langit, ganito ang naramdaman ko ng naging tayo
Langit ang pakiramdam na mahalin ng katulad mo
Parang lumilipad sa alapaap ang puso ko
Sana wala ng katapusan ito

Pero nagbibiro nga talaga ang tadhana
Sinubok ng panahon ang ating pagsasama
Isang trahedyang bumago sa buong buhay natin
Ito ay ang pagkawala ng iyong paningin

Nagdasal ako sa panginoon at nagsumamo
“panginoon bakit sya pa bakit hindi na lang ako”
“bakit yung babae pang pinakamamahal ko”
“bakit pinarusahan nyo sya ng ganito”
Ang daming tanong sa isip at puso ko

Ulan, parang ulan ang pagbuhos ng luha sa mga mata ko
Hindi matanggap ng puso ko ang nangyare sayo
Sa bawat sandaling nakikita ko ang paghihirap mo
Hindi ko kayang makitang nagdurusa ang taong mahal ko
Parang dinudurog ang puso ko….

Gabi, ganito kadilim na walang liwanag na nakikita
Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng walang nakikita
Na sa pandinig ka na lang babase at hindi sa nakikita




Mahal sana sa araw na ito ay maging masaya ka
Dahil sa araw na ito ay muli ka ng makakakita
Makakalaya ka na sa dilim ng nakaraang trahedya
Ang paghihirap mo ay tapos na

Maligaya akong mapasaya kita
Ingatan mo sana ang bago mong mga mata
Dahil IKAW ang imaheng huling nakita ng mga matang yan
At masaya akong sa huling pagkakataon Ikaw ang huli kong nasilayan.
Ikaw na naging MUNDO ko at kaligayahan.
Salamat sa pagmulat ng mga mata ko noon para patunayan.
Ang tunay na kahalagahan ng pagmamahalan.




`TheLoveCodex

Guys sensya na kayo now lang ulit ako nakapag gawa ng tula sana magustuhan nyo.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top