What's new

About Athiesm

[XX='Tors, c: 1238768, m: 1576166'][/XX]
isang pitik lang nya pwede pawalain si satan pero anong ginagawa wala.

Ang totoo, may ginagawa ang Diyos ngayon. May isang natatanging organisasyon sa lupa na inorganisa niya para mangaral at magturo sa mga tao ng mabuting balita tungkol sa Kaharian Niya. Ang gawaing ito ay umaabot na ngayon sa halos 240 na mga lupain, at ang wika na pinapaabutan ng mabuting balitang ito ay umaabot na sa halos 1,000 na mga wika ..

Screenshot_2021-05-27-12-20-13-01.jpg


Screenshot_2021-05-27-12-17-31-84.jpg


Walang ibang organisasyon sa lupa ang napagkaisa ang halos 240 na mga lupain .. at walang ibang organisasyon o maimpluwensiyang mga tao ang nakapagtranslate ng isang website sa halos 1,000 na mga wika ...

Kaya, sa tulong ng aming Diyos, patuloy naming ipapangaral sa mga tao ang mabuting balita ng Kaharian ng Diyos .. at patuloy naming ipapahayag ang katotohanan tungkol sa pamamahala ng Diyos ...
 

Attachments

so ibig mo sabihin merong diyos at pinapanuod lang tayu sa mundo? Parang sinabi mo na pinabayaan nya yung sanggol na mamuhay ng magisa?
 
[XX='Tors, c: 1239864, m: 1576166'][/XX] Hindi po tayo pinabayaan ng Diyos.

Nang likhain Niya sina Adan at si Eva, naglaan siya ng makakain nila at ng matitirahan .

Yung point lng sa part na sinabing "may kalayaan tayo at ang mga anghel", means, kalayaang pumili ng tama at mali, o kalayaang sumunod sa Diyos or hindi ..

Hindi po tumutukoy yung sinabing kalayaan diyan na 'malaya tayo' na parang pinabayaan na tayo ng Diyos .. hindi po yun ganon
 
sa sinabi mong yan nd makapangyrihan yang diyos mo kasi nd alam ang hinaharap diba nga sya mismo nagcreate ng reality panong nd nya malalaman. Sa huli mong sinabi may kakayahan syang pumigil pero nd nya to ginawa nd ba ito kasalan. pinabayaan nya lang which is kaya nyang pigilan. Bigyan kita ng sinaryo Kung may nakita ka sa daan na nadisgrasya nd ba ang unang mong gagawin ay tulungan sya pero sa sinabi mo hahayaan nya lang yung nadisgrasya.
 
Ang totoo po, kung laging gagamitin ng Diyos yung kakayahan niyang alamin ang mangyayari sa hinaharap, mawawalan ng kabuluhan ang kalayaan ng mga tao na magpasiya, na ibinigay nga sa atin.

Kahit na ang intensiyon ay pigilan ang mangyayaring kasamaan, mangangahulugan ito na makokompromiso ng Diyos ang kaniyang pag-ibig sa atin, sa pagbibigay niya sa atin ng kalayaang magpasiya. Tandaan na dahil sa pag-ibig kung kaya ibinigay ng Diyos sa tao at mga anghel ang freewill. Ngayon, sa paanong paraan maikokompromiso ng Diyos ang kaniyang pag-ibig sa atin?

Kung ginamit ng Diyos ang kakayahan niyang malaman ang hinaharap at nakita niyang magkakasala sina Adan at Eva, at maging si Satanas, at sa kalaunan ay pinigilan iyon,
mawawalan ng silbi ang kalayaan ng mga tao na magpasiya dahil puwede naman palang maniobrahin ng Diyos ang mga pangyayari para walang mangyaring masama.

Gaya nung example ko kanina, babaguhin ba agad ng isang mabuti at matalinong guro ang grado ng kaniyang mga estudyante dahil alam niya naman palang babagsak ang mga ito? Para saan pa na naglaan siya ng mga learning materials para matuto sila? Mawawalan ng kabuluhan ang paglalaan ng teacher ng oras para magturo sa mga estudyante niya, kung alam niya din namang di rin ito makikinig at babagsak lng din pala.

At lalong mawawalan ng kabuluhan ang pagtuturo niya, kung, kahit na hindi nakinig ang mga estudyante sa kaniya eh pinasa niya pa rin ang mga ito kahit na ang totoo ay bagsak sila sa exam.

Tandaan natin, na, hindi lng bsta about sa grades ang pinag-uusapan natin, kundi isyu sa paraan ng pamamahala ng Diyos at paraan niya ng paggamit niya ng kakayahang alamin ang mangyayari sa hinaharap.

Magiging pakialamero ang Diyos sa buhay ng mga tao kung maging ang pagpapasiya na gagawin nila sa hinaharap ay aalamin niya.

Hindi inalam ng Diyos ang mangyayari noon kina Adan at Eva kahit na puwede niyang gawin iyon. Bakit? Dahil nirespeto at binigyang-dangal ng Diyos ang tao nang hindi niya pakialaman ang regalong ibinigay niya sa mga tao—ito ay ang kalayaang magpasiya. Tanda ng pag-ibig ang freewill, kung pati ito ay pinakialaman ng Diyos anupat inalam niya ang magiging buhay natin saa hinaharap, masasabing hindi siya maibigin.

Pero hindi gayon ang ginawa niya.
 
[XX='jrnievas, c: 1239945, m: 1764836'][/XX] Nagtitiwala ang Diyos sa kaniyang mga nilikha na gagamitin nila ang kanilang freewill sa tamang paraan. Hindi inalam ng Diyos ang hinaharap ng pagkakataong iyon dahil nirerespeto niya ang mga likha niya. Parang sa isang anak na nasa tamang edad na, kung mahal mo siya at nagtitiwala ka sa kaniya, hindi ikaw ang magpapasiya para sa kanila, kundi bibigyan mo sila ng kalayaan na sila ang magpasiya para sa kanilang sarili mismo. Ang gagawin mo lang bilang magulang ay ang magbigay ng babala sa maaaring maging resulta ng pasiya na gagawin nila. Same yan sa ginawa ng Diyos, nagbigay lng siya ng babala kina Adan at Eva, sa magiging resulta kung hindi sila susunod sa kaniya.
 
Hindi sa sinisisi ka namin .. Kung di ka sana nagpadala sa maling pagnanasa mo na sambahin ka din, eh di, hindi mo sana inimpluwensiyahan sina Adan at Eva para gumawa ng kasalanan sa Diyos ... Mabait ka naman noon, bago tumubo yung maling pagnanasa mo, pero dahil nagpadala ka sa tukso, wala na, pati kaming mga gustong mabuhay ng masaya at maligaya, wala, pati kami nadamay sa kasalanan mo ...

Buti na lang gumawa ang Diyos ng paraan para pawiin lahat ng ginawa mong pinsala sa lupa ....
 
189198713_2945345175706991_6831105558944306479_n.jpg


Ganito lang yan, explain ko sa pamamagitan ng painting ni Michael Angelo. Alam niyo ba na kung bakit hindi nag dikit ang fingers ni GOD at Adam sa Painting na ito? Pero kung mapapansisn niyo si God ang nag stretch ng finger niya pero si Adam ang ayaw. inirerepresent nito na palaging nandiyan si God, kung gusto man ng tao na itouch ang kamay ni GOd nasasakanya naman yun dahil bingyan siya ng freewil or free choices, kaya wag niyo isisis kay Satanas o Kay God ang kamuduhan niyo. kaya nga may BIble bakit di niyo gawin guide. Last na ito unwatch ko na, nakaka **** kasi itong thread na ito.
 

Attachments

[XX='Yohoho, c: 1243257, m: 875887'][/XX] maybe it doesnt have to be something/someone holy. But what i'm sure of is that not all of this is just a result of an accident/evolution.
 
Back
Top