What's new

About Athiesm

NASA bibliya ang sagot. Di mo pwedeng Makita ang diyos. Mas maliwanag pa sya sa araw na ikakamatay mo.
 
sa punto mo kasi dahil sa sobrang complex at nd maipaliwanag. Supernatural being na agad ang sagot kasi nga naman mas madaling sagot dba . Di muna kailangang magresearch ng bongangbonga kasi sagot nyu sa lahat ng di maipaliwanag ay gawa ng god. which para sa akin mali kasi curios beings tayu we always seek for the ultimate truth.
 
[XX='Tors, c: 1238590, m: 1576166'][/XX] hindi lods hehe nagstudy rin ako ng science, for example the cell process. There is every purpose for every step/process na hindi ko lubos maisip na aksidente lang yun at walang nagdisenyo.
 
[XX='Tors, c: 1238550, m: 1576166'][/XX] Yung puno na pinagbawalan ng Diyos na kuhanan ng bunga ay nagpapakita lng ng isang bagay, ito ay kumakatawan sa awtoridad ng Diyos na magtakda ng tama at mali.

Kung wala ang puno na iyon, paano lubusang maipapakita nina Adan at Eva ang lubos na paglamasunurin sa Diyos?

Yung pagiging perfect nila ay hindi naman nagbibigay sa kanila ng absolute na kalayaan, may limitasyon pa din ...

Kaya, inilagay ang puno na iyon upang malaman yung kanilang LUBUSANG pagsunod, kasi may mga utos naman na sa kanila na PABOR sa kanila, gaya ng utos na magpakarami, alagaan ang hayop, at sakahin ang lupa, mga utos na pabor na pabor sa kanila, pero, paano malalaman na tlgang masunurin sila kung may mga utos na HINDI PABOR sa kanila?

Ang totoo, yung pagbabawal nga na yun ay hindi matatawag na 'hindi pabor', pabor pa nga sa kanila yun eh, kasi, kung di nila kakainin iyon, hindi sila mamamatay.

Diba, kinukuwestiyon nga ng karamihan yung utos ng Diyos kay Abraham nang tangkain nitong ipapatay yung anak niya? Ang dami nagsasabi na bakit ipapagawa iyon ng Diyos? Papatayin? Di makatuwiran yon ah .. diba ...

Eh, eto, simpleng utos lng, ang sabi, "huwag kakainin o hahawakan man lang iyon" ..

napakadaming puno sa Eden noon, pero, eto, simpleng utos, para makita lang ang lubusang pgsunod nila, eh, kukuwestiyunin pa din ba natin to?
 
Last edited by a moderator:
[XX='jrnievas, c: 1238655, m: 1764836'][/XX] Kung susuwayin nila ang simpleng utos na iyon ng Diyos, ipinakikita lang nila na wala silang utang na loob, at na binabalewala nila ang awtoridad ng Diyos na pamahalaan sila.
 
Tsaka, masasabing makatuwiran lang na maglagay ng gayong puno at magbigay ng ganoong utos .. bakit? kasi, napakaraming puno na puwede nilang pagkuhaan ng makakain ..

Kung maraming puno noon, at isang puno lang ang puwede nilang pagkuhaan ng pagkain, masasabi ko tlga na hindi makatuwiran ang utos ng Diyos .. pero, hindi eh, ang dami daming puno, tapos, isang puno lang ang pinagbawalan, tapos, magrereklamo pa sila?

Lahat na ibinigay ng Diyos sa kanila, buhay, tirahan, pagkain, at mga bagay na mapaglilibangan, gaya ng pag-aalaga ng hayop at pagsasaka ng lupa ..

Hindi nagkulang sa kanila ang Diyos ..

Kundi ang tao ang nagkulang sa pagsunod sa Diyos
 
uulitin ko kong alam na nga ng diyos nyu na susuwayin ni eva at adan yung utos. at bat nya hahayaan si Satan na pumunta sa Iden para sulsulan si Eva dba. yung sinasabi mo kay Abraham na papatayin nya yung anak nya para maipakita yung faith nya sa kanya parang useless diba kasi sa una palang alam na nya na papatyin nya yung anak para sa kanya?para sa akim parang tao lang magisip yung Diyos.
 
[XX='Tors, c: 1238550, m: 1576166'][/XX] Kaya, hindi na nakapagtataka kung bakit maging sa ngayon, ang mga tao ay naghahanap ng tunay na kalayaan, kasi, sa simula pa lng, yun na ang ginawa ng una nating magulang ..

Kaya tayo nagkakasakit, tumatanda at namamatay .. pati mga inosenteng bata, nagdurusa dahil sa kasalanan nila ..

Mas pinili nilang huwag silang pamahalaan ng Diyos, kundi sa halip, mas ginusto nilang pamahalaan sila ni Satanas, ang orihinal na ahas [o serpiyente] ...

at hanggang ngayon, marami ang pumapanig kay Satanas na Diyablo, nang hindi nila nalalaman
 
[XX='Tors, c: 1238074, m: 1576166'][/XX] absolute kasi yung command niya di niya pwede baliin yun, kung ano yung binitawan niya matutupad at matutupad.
 
[XX='Tors, c: 1238738, m: 1576166'][/XX] Hindi patiunan itinakda ng Diyos na gumawa ng kasalanan sila Adan at Eva .. never na inalam ng Diyos ang mangyayari kina Adan at Eva .. kasi, kung alam na niya iyon, bakit pa siya magbibigay ng utos at pagbabawal?

parang sa school, bakit pa maglalagay sa examination paper ng "no erasure" at "right minus wrong" kung sa bandang huli, bagsak din naman pala ang magiging result ng test ng mga estudyante ..

masasabing, hindi matalino at hindi makatuwiran ang gayong professor ...

same sa Diyos, magiging di matalino at di makatuwiran ang pagbibigay niya ng utos at pagbabawal kung alam na din pala niya na magkakasala sina Adan at Eva
 
nung sinabi ng god nyu na patayin yung anak ni Abraham para sa kanya nd ba nya binawi yung salita nya. sinabi nya na patayin diba tapos pagsubok lang pala.
 
bay nya kasi hinahayaan si satanas na maghari dto ang kulit nyu naman. Kung omnipowerfull at omomniscient isang pitik lang nya pwede pawalain si satan pero anong ginagawa wala.
 
kong alam na nga ng diyos nyu na susuwayin ni eva at adan yung utos.

Hindi nga patiunang inalam ng Diyos ang pagsuway nina Adan at Eva, ang alam ng Diyos ay na posibleng magkasala sina Adan at Eva kapag sinuway nila ang utos niya.

bat nya hahayaan si Satan na pumunta sa Iden para sulsulan si Eva

Ang sagot: May kalayaan ang mga anghel na gawin ang gusto nila. Hinayaan ng anghel na iyon [na kalaunan ay tinawag na Satanas] na tumubo sa kaniya ang maling pagnanasa para impluwensiyahan ang unang mag-asawa dito sa lupa.

Ang lubusang pagsunod din ng mga anghel noon ang magpapakita kung mahal nila ang Diyos or hindi. Hindi pinigilan ng Diyos ang anghel na iyon noon upang malaman kung susupilin ba niya yung pagnanais na siya ang sambahin or hahayaan niya na madaig siya nito. At dahil nadaig siya nito, inimpluwensiyahan niya ang unang mag-asawa na sina Adan at Eva.

Kaya, on both sides, parehong lubusang pagsunod ang nasasangkot.
 
[XX='jrnievas, c: 1238774, m: 1764836'][/XX] tatanungin kita ng simpleng tanong yes or No sagot . pag sinabi ng diyos mo na patayin mo yung tatay at nanay po para maipakita sa kanya ang iyong faith gagawin mo ba ito?
 
[XX='Tors, c: 1238768, m: 1576166'][/XX]
ba't nya kasi hinahayaan si satanas na maghari dto



May mahalagang isyu kasi na nasasangkot, ito ay ang isyu kung kanino ang pinakamabuting pamamahala sa lahat . sangkot dito, maging ang mga anghel at lahat ng tao ..



Tanong: Bakit hanggang sa panahon natin hindi pa din kumikilos ang Diyos, eh kitang kita naman na si Satanas ang mali?



Kung sa palakasan ang pag-uusapan, malamang na talo agad si Satanas. Pero, ang hamon ni Satanas sa Diyos, ay, kung kanino ang mas mabuting pamamahala, isang bagay na hindi masasagot sa isang saglit na panahon lang.

Kaya, pansamantalang ipinahintulot ng Diyos na mamahala si Satanas, at impluwensiyahan ang mga tao dito sa lupa, upang pamahalaan din nila ang sarili nila.



Parang sa school, kung isa kang mathematics teacher at kinuwestiyon ng isang estudyante mo ang paraan ng pagsolve mo sa isang problema, malamang na bibigyan mo ng pagkakataon ang estudyante mo na patunayan ang paraan niya, kahit na alam mo ng mali tlga siya. Para saan yung pagbibigay ng pagkakataon?



para makita din ng mga kapuwa estudyante niya na siya ang mali at na tama ang guro. It takes time.



Sa katulad na paraan, binigyan din ng Diyos ng pagkakataon si Satanas na patunayan na mali ang pamamahala ng Diyos at na ang pamamalahala niya ang tama. Pero ano ang nakikita natin?



Hindi ba't ang pamamahala ng tao sa ilalim ng impluwensiya ni Satanas ay nagdulot lang ng mga pasakit at pahirap sa mga tao?



Kaya, dahil sa pagbibigay ng pagkakataon ng Diyos, nakikita natin ang malinaw na sagot sa hamon ni Satanas. Mas mabuti ang pamamahala ng Diyos kaysa sa kaniya, o alinmang pamahalaan ng tao.
 
[XX='Tors, c: 1238816, m: 1576166'][/XX]
pag sinabi ng diyos mo na patayin mo yung tatay at nanay po para maipakita sa kanya ang iyong faith gagawin mo ba ito?

No.

Kilala ko ang Diyos na sinasamba ko eh. Never siyang magpapagawa ng ganyang utos. Kasi, pinagawa na niya yan noon, through, Abraham, pero, pinigilan niya nang bandang huli. Kaya niya ipinagawa iyon kay Abraham, ay, upang maipakita din niya kung gaano kahirap ang gagawi Niyang pagsacrifice sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaniyang Anak na si Jesus para sa mga tao.

Kaya ang sagot ko, "No", kasi, hindi na ipapagawa yan ng Diyos ngayon. Hinding-hindi.
 
[XX='Tors, c: 1238758, m: 1576166'][/XX] Pagsubok yun sa tao lahat ng bagay sa mundo kayang niyang itwist maliban lang sa command at kaanyuan niya.

Madaming disadvantage kapag nakita yung anyo sa itaas. Pwede nila gawan ng rebulto, lagyan ng imahe tapos luluhodan, which is galit yung diyos dun kaya hanggat maaari hindi pinapakita mga anyo dun.
 
Back
Top