What's new

Why dont God(bible) just kill satan?

“Is God willing to prevent evil, but not able? Then he is not omnipotent.
Is he able, but not willing? Then he is malevolent.
Is he both able and willing? Then whence cometh evil?
Is he neither able nor willing? Then why call him God?”​

 
If God killed Satan, will mankind be default to good? I don't think so. Mankind can create hell the moment they get rid of their fundamental ethics which mostly rooted in the religious belief. Upon creating hell, another Satan will emerge. Therefore, to erase Satan to its existence, God must get rid of mankind who can create hell and make Satan re-emerge. But if mankind will be erased, the idea of God, embedded to the consciousness of a human being, will be eradicated too, hence God killing himself.

Another hypothesis is that after Satan was killed by God, God will become tyrant and mind-control us so everyone will never ever think of anything that is bad in God's perspective. Then, we end up as robots with no capacity to think for ourselves.

Tyrants of the not-so-long past tried to act God-like with good intentions of getting rid of all the bad things in the world like the racial superiority narrative of the Nazi and the Communist narrative of the Soviet Union. But instead of a promised paradise (aka heaven), what we ended up are piles of uncountable human corpses and catastrophe no different from the religious idea of hell.
 
[XX='prepaidwifi, c: 1248258, m: 988501'][/XX] sabi ko nga po lods ang orihinal na plano ng Diyos ay mamuhay tayo sa paraiso. Ngunit binigyan rin nya ng kalayaang pumili sina Adan at Eba. At kanilang pinili si satanas.

Hindi rin naman natin masisi silang dalawa dahil hindi natin alam kung anong gagawin natin kung tayo ang nasa lugar nila.
 
Sabi ko nga po lods binigyan tayo ng Diyos ng kalayaang pumili. At mawawalang saysay iyon kung isa lang naman pala ang pwede nating piliin. At ayun na nga pinapili sina Adan at Eba.
 
agree . it needs both . bad and good to co exist. kase kung walang satan or evil or bad. wala din ang good or god
 
kailangan kase na may satan para may panginoon na dadasalan. kung walang satan . wala rin god . wala eh. wala nang kalaban. kung puro mabuti ang nasa mundo di na rin siguro natin kailangan ng pulis para humuli ng masama kase wala na masama. sana nga wala ng satan. hahaha
 
Not agree with this statement. If it just a joke, well, it's funny.

But in reality, when Jehovah God created all things, sinabi sa Genesis 1:31

Pagkatapos, nakita ng Diyos ang lahat ng ginawa niya, at iyon ay NAPAKABUTI. At lumipas ang gabi at ang umaga, ang ikaanim na araw.

Kaya, walang kasalanan at kamatayan o kamalian sa mga bagay na nilikha ng Diyos.

Katunayan, sa Deuteronomio 32:4, sinasabi tungkol sa Diyos . . .

". . .walang maipipintas sa kaniyang mga gawa, Dahil lahat ng ginagawa niya ay makatarungan. Isang Diyos na tapat at hindi kailanman magiging tiwali; Matuwid at tapat siya.”

Dahil sa pag-ibig, inilaan ng Diyos ang kalayaang magpasiya para sa kaniyang mga intelihenteng nilikha gaya ng mga anghel at mga tao. They can choose both right or wrong. Nagtitiwala ang Diyos sa kaniyang mga nilikha na gagamitin nila ang freewill sa tamang paraan, gaya ng pagtitiwala ng isang maibiging magulang sa kaniyang anak na nasa tamang edad na.

So, noong likhain ng Diyos ang unang tao, sina Adan at Eva, may kalayaan silang piliin ang tama at mali. Ganoon djn ang mga anghel, kasama ang anghel na kalaunan ay naging si Satanas na Diyablo.

Ganito isinisiwalat ng Bible kung paano nagkaroon ng kasamaan sa lupa:

Ang bawat isa ay nasusubok kapag nadadala at naaakit ng sarili niyang pagnanasa. At ang pagnanasa, kapag naglihi na, ay nagsisilang ng kasalanan; ang kasalanan naman, kapag nagawa na, ay nagbubunga ng kamatayan. (San. 1:14, 15)

Kaya, after na magpadala si Satan sa kaniyang maling pagnanasa at hayaang patuloy na maimpluwensiyahan siya nito, kung kaya, nagawa niya ang kasalanang lubhang nakaapekto sa sangkatauhan.

Ganoon din sina Adan at Eva, dahil hindi sila sumunod sa Diyos, nagkasala sila at nagdulot ito ng kamatayan sa kanila, gayundin sa kanilang mga inapo.

Ngayon, ano ang punto na gusto kong sabihin?

Hindi ang Diyos ang lumikha sa kasamaan para gawing balanse ang mundo. Dahil sa kasamaan, maraming tao ang namatay sa mga digmaan, sakit, at iba pa.

Masasabi kong ang kasamaan ay parang isang piraso ng domino na kapag nasagi or natumba, makakaapekto sa iba pang domino. Ang Diyos naman ay naglagay ng babala na "off-limit", "restricted area", para hindi magalaw ang domino na iyon. Yung pagsunod sa Diyos ay magsisilbing pinakamabuting bagay na magagawa ng kaniyang mga nilikha para hindi masagi ang domino na iyon, or sa ibang salita, matrigger ang kasamaan sa mundo. Pero, dahil sa pagpapadala ng anghel na iyon sa kaniyang maling pagnanasa at hindi pagsunod ng unang tao, sina Adan at Eva, kung kaya, nagkaroon ng kasamaan sa lupa.
 
[XX='prepaidwifi, c: 1248258, m: 988501'][/XX] Nang ipahintulot ng Diyos na galawin ni Satanas ang mga anak at mga alagang hayop ni Job, hindi ibig sabihin nito na ang Diyos ang talagang nagpakana nito, or, na wala ng gagawin ang Diyos sa pinsalang gagawin, o ginawa, ni Satanas.

May kinalaman sa kamatayan ng mga anak ni Job, hindi ibig sabihin na dahil ipinahintulot ng Diyos na mamatay ang mga anak ni Job, ay hindi na niya ibabalik ang buhay ng mga iyon sa kaniya. Oo nga't matapos na mapatunayang tapat si Job ay nagkaroon muli siya ng mga anak, pero, ipinapangako din ng ng Bible na darating ang panahon na bubuhaying-muli ng Diyos, hindi lang ang kaniyang mga anak na namatay dahil sa kagagawan ni Satanas, kundi ang napakaraming tao dito sa lupa. (Gawa 24:15) Ito ay upang maitaguyod ng Diyos ang katarungan sa lupa matapos ang maraming siglo ng pagsalot ng kamatayan sa mga tao. Sa panahong iyon, makakasamang muli ni Job ang kaniyang namatay na mga anak, kamatayan na pinangyari ni Satanas na Diyablo. Naniniwala si Job sa pagkabuhay-muli kaya namatay man noon ang mga anak niya, tiwala siya sa kaniyang Diyos, na sa hinaharap ay makakasama niyang muli ang kaniyang mga anak. (Job 14:14, 15) Sa Bible, tinatawag ang Diyos, hindi bilang Diyos ng mga patay, kundi bilang Diyos ng mga buháy. (Lucas 20:38)

Lucas 20:38 Siya ay Diyos, hindi ng mga patay, kundi ng mga buháy, dahil silang lahat ay buháy sa kaniya.

Oo, para sa Diyos, mamatay man ang kaniyang mga lingkod, o ang napakaraming tao dahil sa salot ng kamatayan, kayang-kaya niya naman na buhaying-muli ang mga namatay na ito sa hinaharap.

Sa ngayon, ang nakikita lang natin ay yung epekto ng kamatayan sa bawat isa sa atin—kalungkutan, pagdurusa, at kirot, pero sa hinaharap, kapag inalis na ng Diyos si Satanas bilang tagapamahala ng mundong ito at ipinalit na ng Diyos ang Kaharian niya dito sa lupa, aalisin ng Diyos ang pinsala na ginawa ni Satanas, at maibabalik na ang tunay na katarungan na napakatagal ng nawala dito sa lupa.

Katunayan, nang buhaying-muli ng Diyos si Jesus, tiniyak nito na walang kapangyarihan ang kamatayan sa pagsasakatuparan ng Diyos ng kaniyang layunin dito sa lupa.

Pansinin kung ano ang ipinangako ng Diyos na gagawin niya sa hinaharap:

Gawa 17:31 Dahil nagtakda siya ng isang araw kung kailan hahatulan niya ang lupa ayon sa katuwiran sa pamamagitan ng lalaking inatasan niya, at bilang garantiya sa lahat ng tao, binuhay niya siyang [si Jesus] muli.

Oo, nagtakda ang Diyos ng isang araw, hindi ito 24 oras lang, kundi ito ay isanlibong taon ng paghatol para muling i-establish ang matuwid na pamamahala sa lupa.
 
Last edited by a moderator:
He dont create evilness then pls kindly elaborate this
Isaiah 45:7 says, “I form the light and create darkness: I make peace and create evil: I the Lord do all these things.”
 
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.. jw. org /tl/library/aklat/pag-aaral-ng-bibliya/pangako-diyos-para-tao/


Try to click this link para malaman mo kung anong klase ng buhay mayroon sa hinaharap kapag inalis na ng Diyos si Satanas bilang tagapamahala ng sanlibutang ito.
 
@prepaidwifi..sabi ko nga po lods ang orihinal na plano ng Diyos ay mamuhay tayo sa paraiso. Ngunit binigyan rin nya ng kalayaang pumili sina Adan at Eba. At kanilang pinili si satanas.

Hindi rin naman natin masisi silang dalawa dahil hindi natin alam kung anong gagawin natin kung tayo ang nasa lugar nila.
Lodicakes, i little bit get the test of god to eva and adan but for just really ONE MISTAKE he doomed the humanity. Eh bakit kasi may serpent or evil sa territory nya(eden) and take note, before adan and eve ate the fruit of knowledge ang meron lang sila is free will, how would they know that disobeying God or listening to serpent is bad thing??
And sabi mo nga hindi natin sila masisisi but god didnt gave them second chance or what lol i tot he is all loving god. He made the hell incase u disobey him or not worship him, watta loving creator omni entity.
 
U say he is powerful then he could just, in blink erased evilness. Eh ang root ng kasamaan sa earth na sinasabi nio is from satan or the devil.
 
Binigyan sila ng isa pang pagkakataon ng magtanong ang Diyos sa kanila, pero, imbes na aminin nila na nakagawa sila ng pagkakasala, mas sinisi pa nila ang Diyos.

Si Adan, sinisi si Eva.

Sinabi ng lalaki: “Ang babae na ibinigay mo para makasama ko, binigyan niya ako ng bunga mula sa puno kaya kumain ako." (Gen. 3:12)

Katunayan, sa ibang salita, sinisi ni Adan ang Diyos nang sabihin nitong "Ang babae na ibinigay mo", na parang, ang Diyos pa ang may kasalanan dahil binigay niya si Eva sa kaniya.

Nang tanungin naman ng Diyos si Eva, sinisi naman ni Eva yung ahas. [Nang panahong iyon ay hindi alam ni Eva na ginamit lang ni Satanas ang ahas para linlangin siya]

So, dumaan sa imbestigasyon ang ginawang mali nina Adan at Eva. Pero, sa hindi nila pag-amin, oo, sa ginawa nilang iyon, hindi nila ipinakitang nagsisisi sila sa ginawa nila.

Kung kaya, ipinahintulot ng Diyos na mangyari ang sumpa ng kasalanan at kamatayan kina Adan at Eva, at sa lahat ng tao.
 
[XX='prepaidwifi, c: 1249265, m: 988501'][/XX] Genesis 1:31, nakita ng Diyos ang lahat ng ginawa niya, at iyon ay napakabuti.

Walang kasamaan noon sa lupa. Natrigger lang iyon nang magpadala si Satanas sa kaniyang maling pagnanasa at nang tuksuhin niya ang unang mag-asawa na huwag sumunod sa utos ng Diyos.

Kaya, hindi totoo na ginawa ng Diyos ang kasamaan at ang kabutihan para maging balanse ang mundo.

May kinalaman sa Isaias 45:7, i-post ko yung paliwanag mamaya sa tekstong iyon.
 
[XX='prepaidwifi, c: 1249150, m: 988501'][/XX] Ang salitang 'evil' sa Isaias 45:7 ay puwede din isalin bilang 'disaster, bad times, or calamity.'

Ibig bang sabihin nito na ang Diyos ang gumagawa ng ganitong mga bagay, maging sa ngayon? Ang sagot ay hindi. Pero, may pagkakataon na siya mismo ang nagpapangyari nito. Pansinin ang mas masusing paliwanag sa ibaba.

Calamity.jpg


Ang Kahulugan ng Pagpapasapit ni Jehova ng Kasamaan. Makatuwiran lamang na nagpasapit si Jehova kay Adan ng kasamaan o kapahamakan dahil sa kaniyang pagsuway. Kaya naman sa Kasulatan, si Jehova ay tinutukoy na Maylalang ng kasamaan o kapahamakan. (Isa 45:7; ihambing ang KJ.) Ang paglalapat niya ng parusa para sa kasalanan, samakatuwid nga, kamatayan, ay naging isang kasamaan, o kapahamakan, para sa sangkatauhan. Samakatuwid nga, ang kasamaan ay hindi laging tumutukoy sa masamang gawa. Ang mga halimbawa ng mga kasamaan o mga kapahamakang nilikha ni Jehova ay ang Baha noong mga araw ni Noe at ang Sampung Salot na pinasapit sa Ehipto. Subalit hindi mali ang pagpapasapit ng mga kasamaang ito. Sa halip, ang dalawang kasong ito ay nagsasangkot ng makatuwirang paglalapat ng katarungan laban sa mga manggagawa ng kamalian. Gayunman, dahil sa kaniyang awa, may mga pagkakataong nagpipigil si Jehova sa pagpapasapit ng binalak niyang kapahamakan o kasamaan bilang paglalapat ng kaniyang matuwid na paghatol dahil nagsisi yaong mga nasasangkot. (Jon 3:10) Karagdagan pa, sa pagbibigay niya ng babala, maibiging naglaan si Jehova ng mga pagkakataon sa mga manggagawa ng masama upang magbago ng kanilang landasin at sa gayo’y patuloy na mabuhay.—Eze 33:11.

Mga Siniping Teksto
Jonas 3:10​
Nang makita ng tunay na Diyos ang ginawa nila, kung paano nila tinalikuran ang kanilang masasamang gawain, hindi na niya itinuloy ang parusang sinabi niya.
Ezekiel 33:11​
Sabihin mo sa kanila, ‘“Tinitiyak ko, kung paanong buháy ako,” ang sabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova, “hindi ako natutuwa kapag namatay ang masama. Mas gusto kong magbago siya at patuloy na mabuhay. Manumbalik kayo, talikuran ninyo ang masamang landasin ninyo, dahil bakit kailangan ninyong mamatay, O sambahayan ng Israel?”’​

Kaya, hindi si Jehova ang gumagawa ng kasamaan, kundi sa isang makatuwirang antas, ay nagpapasapit lamang siya nito kung kailangan, ngunit nagpipigil sa pagpapasapit nito kapag nakita niya ang tunay na pagisisi. Oo, hindi nalulugod ang Diyos sa kasamaan.

Awit 5:4​
Dahil ikaw ay Diyos na hindi nalulugod sa kasamaan;
Walang sinumang masama ang mananatiling kasama mo​

Ganito pa ang sinasabi tungkol sa kaniya:

Job 34:10​
Kaya makinig kayo sa akin, kayong marurunong:​
Imposibleng gumawa ng masama ang tunay na Diyos;
Hinding-hindi gagawa ng mali ang Makapangyarihan-sa-Lahat​

Kaya, bagaman kinailangan ng Diyos na pasapitan ng masama o kapahamakan, si Adan at si Eva dahil sa hindi sila nagsisi kahit na binigyan sila ng Diyos ng isa pang pagkakataon, hindi naman nangangahulugan ito na kinalugdan ng Diyos ang pagpapasapit niya ng kasamaan na iyon, o ng kamatayan na iyon, gaya ng itinuturo ng Bibliya.

Pero kung napapaisip ka kung bakit hanggang ngayon ay pinahihintulutan ng Diyos ang kasamaan at pagdurusa, puwede mong i-click ang link na ito > You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. para malaman ang sagot.

or puwede mo rin i-click ang iba pang link na ito
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
> You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 

Attachments

Massively blessed in exchange of ur love ones?? It doesn't make sense, i don't get that logic.

wag nio kalimutan, bakit nangyari kay job yun.
Bakit nga ba? nagkaron sia ng sin. Ang pagkakasalang nagawa nia ay yung takot na mawala sakanya lahat, lalo na ang wealth at ang family nia.
Sinabi ng Diyos na hindi nia tayo binigyan ng espiritu ng kaduwagan.
Basahin sa 2 Timoteo 1:7
Sapagkat hindi tayo binigyan ng Dios ng espiritu ng kaduwagan, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig, at disiplina sa sarili.

at yan ang naging kasalanan ni job. kaya napahintulutan ang kaaway na gawan sia ng masama.
but still job did not fail God
 
Si satanas ay nakatakda na sa walang hanggang parusa

Apoc.20:10 At ang diablo na dumaya sa kanila ay ibinulid sa dagatdagatang apoy at asupre, na kinaroroonan din naman ng hayop at ng bulaang propeta; at sila'y pahihirapan araw at gabi magpakailan kailan man.

Darating ang araw mananagot siya sa ginawa niyang pandaraya sa halamanan ng eden.wag po kayo magmadali dahil yan din ang inaantay ng marami.hindi pa tapos ang pagpapastol ni kristo marami pa siyang kailangang tawagin.nasa atin parin ang pagpili,bahala na tayo kung saan tayo sasama

Dan.12:9 At sinabi niya, Yumaon ka ng iyong lakad, Daniel; sapagka't ang mga salita ay nasarhan at natatakan hanggang sa panahon ng kawakasan.

Dan.12:10 Marami ang magpapakalinis, at magpapakaputi, at magpapakadalisay; nguni't ang masasama ay gagawa na may kasamaan; at wala sa masasama na makakaunawa; nguni't silang pantas ay mangakakaunawa.

mamimili na lang tayo,doon ba tayo sa magpapakalinis o doon sa magpapakasama.
 

Similar threads

About this Thread

  • 112
    Replies
  • 2K
    Views
  • 35
    Participants
Last reply from:
prepaidwifi

Online statistics

Members online
1,081
Guests online
5,319
Total visitors
6,400
Back
Top