What's new

Closed "when you say nothing at all"

Status
Not open for further replies.

madpro

Forum Guru
Joined
Apr 1, 2016
Posts
2,463
Reaction
1,834
Points
1,146
boyfriend-break-up-broken-broken-heart-_Favim.com-1963142.jpg





"when you say nothing at all"


Bukambibig bawat sandali
Ang makasama ka saking pagngiti
Inibig ko, oras natin
Di alintana kahit magdilim

Kung akin bang gawing panghalip?
Pagsamahin ka, ako sa panaginip
May pag-asa bang, maging tayo?
Kung ikaw at ako laging magkasuyo

Walang ibang hanap, buong magdamag
tanging ikaw lamang, aking hinahangad
Paulit-ulit mang ito'y sambitin
Ako'y di magnanawang kita'y iibigin

Tuwing dapithapon kitang inabangan
Pagkat ako'y tulog, umaga't tanghalian
Di malimot itong pagngiti
Dahilan kundi ikaw aking binibini

Wala akong masabi sa'yong kagandahan
Ibang-iba ang kulay tuwing masisilayan
Pinakaalindog na pagkakataong kasama
Nagtanong ako't, ngumiti ka lang sinta.




MABAGSIK NA LIKHA NI:
Mad`ThePoetMotivator
 

Attachments

Last edited:
Status
Not open for further replies.
Back
Top