Yung sinabing lahat ay ayon lng sa Biblia. Wala namang "nagsasalitang donkey" na nakasulat.
Ilan sa halimbawa na mga hula na nkasulat sa Biblia na nangyari at patuloy pang nangyayari
Una sa
sa (Mateo 24:6-7)
"6. At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan;ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: Sapagkat kinakailangang itoy mangyari datapuwat hindi pa ang wakas. 7 Sapagkat magsisitindig ang bansa laban sa bansa at ang kaharian laban sa kaharian at magkakagutom at lilindol sa ibat ibang dako."
Sabi ni Cristo "mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan". Ang tinutukoy ay ang World War 1 sapagkat ang sinabi ay aalingawngaw ibig sabihin mapapabalita sa buong mundo at ang sinabi naman ulit ni Cristo na "Magsisitindig ang bansa laban sa bansa" ay ang World War II sapagkat kasali na sa digmaan na ito yung maraming bansa at mga kaharian.
At sinabi rin ni Cristo na mgkakagutom at lilindol sa ibat ibang dako ay hindi naman na bago sapagkat nkaranas na tayo nito at patuloy pang nkakaranas lalo na ngayong panahon ng Pandemic.
sa (Daniel 12:4)
4. Ngunit ikaw oh Daniel, isara mo ang mga salita at tatakan mo ang aklat, hanggang sa panahon ng kawakasan: marami ang tatakbo ng paroot parito, at ang kaalaman ay lalago"
-dito ang sabi sa "panahon ng kawakasan" ibig sabihin ay panahon natin ngayon "ang kaalaman ay lalago"
-Ano ang tinutukoy na ang kaalaman ay lalago? tumutukoy nman sa transportation at communication
-Totoo ba na lumago ang kaalaman ng tao sa trasportation at communication sa ating panahon? Totoo diba.
-Kung transportation, sa ating panahon din naimbento ang mga bagon sasakyan. Dati sa panahon ng mga unang tao Camel lang naman at Donkey yung gamit pero sa ating panahon ngayon may mga kotse na, eroplano, barko at submarines.
-sa Communication naman ay dati mismong tao pa naghahatid ng sulat o messenger or mga kalapati pero sa panahon natin ngayon naimbento na ang telephones at cellphones at internet communications. Gaano man kalayo cellphone nlng at load macocontact mo na.
Ilan lang yan sa mga nkasulat sa Biblia na nangyari na at nangyayari pa sa mundo natin. Hindi ba totoo?