What's new

Closed "wala nang hihigit pa sa minsan"

Status
Not open for further replies.

madpro

Forum Guru
Joined
Apr 1, 2016
Posts
2,463
Reaction
1,834
Points
1,146
34308-_Charles-_Buxton-_Quote-_You-will-never-find-time-for-anything.jpg



"Wala nang hihigit pa sa minsan"


Lugod akong napapaisip
Kung bakit gising sa panaginip
Ang mga matang kahit nakapikit
Nasisilayan pa rin ang nakakaakit

Pagdighay, ng isipan ko
Pagbugso, nitong damdamin ko
Di mawaring aking mapagtanto
Langit na pala ang kapiling ko

Hinulma mo ang buhay ko
Ng mga maganda at masayang kuwento
Makakatanggi pa ba ako?
Kung ligaya na ang inaaalok mo

Nagliwanag na ang ka'y dilim
Ang talikuran ka'y di maaatim
Paglisan ma'y di magagawi
Sa hirap man ay mananatili

Lugod akong napapaisip muli
Sa oras man o sa sandali
Nang ibigin ka'y di ko makubli
Ang ligayang hatid ng mga ngiti

Sa labi ko nakalapat na
Ang matatamis mong mga salita
Nagmarka na ang ginuhit mo
Sa palad ng kapalaran ko

Nang ibigin ka'y di batid
Ang damdamin ko'y humihigit
Sa pagsambit ng bawat bigkis
Mula sa puso kong puno ng sabik

Kuntento na ang kulang ko
Napunan mo pa ang napuno
Mula sa dami ng iyong hatid
babaunin ko hanggang sa pagbalik

Nagkalayo na tayo noon
Ang hapdi at sakit ay bumabaon
Lulan pa ng magandang ala-ala
Mula sa pangyayarin sa'ting dalawa

Ibinaling ko sa iba ito
Subalit di pa rin nabubuo
Ang biyak na hating puso ko
Ikaw lamang ang makapagbubuo

Naglipana pa ang mga taon
Muli't-muli pang nagkakataon
Nang muli na makausap ka
Tila higante na ang aking saya

Nagdaan pa ang mga panahon
Sa di kalauna'y ako'y nakaahon
Mula sa pagkakalunod ko
Sa daluyong ng paglisan mo

Muli, tayo ay nagkita rin
Lahat ng hinaing, aaminin
Ang buhay ko ay kukulangin
Kung di pa kita makakapiling

Isasayaw at iaaliw
Sabihan man tayong baliw
Ligaya ko'y di maaabot
Maging pagdating ng salitang YAMOT

Ngayong tayo'y magkasama na
Ano pa ba aking magagawa?
Kundi sundin ang nadarama
Mawala ka pa'y di na sasaya

Pagkat wala nang hihigit pa sa minsan
Minsang dumating o bihira man
Kaya't damhin bawat sayaw
Pagkat ang "MINSAN" sa buhay ko'y "IKAW"




-madpro


https://phc.onl/#forbidden#/7F4AgEWmOFk
 
aba aba may mga mulat pa pala dito't nagbabasa?
baka maaari niyo akong sabayan at saluhan?

kape muna habang wala pang tulugan ^_^

maraming salamat po sa lahat ng comment
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top