Magandang umaga ang sabi nila,
Umaga lang, walang maganda
Nagising na lang na wala ka na sa aking tabi,
Ramdam ang pag iisa, lungkot at pighati.
Babalik ka pa ba? Oo o hindi?
Sabihin mo namang "oo" dahil di ako mapakali,
Di ko pa kaya na maiwan mag isa,
Sa bawat minuto ako'y nangungulila.
Umagang puno ng lumbay at sakit,
Iniwan mo ako, di ko alam kung bakit.
Matutulog na lang baka sa muling paggising,
Masasanay na rin na hindi kita kapiling.