What's new

Closed Ulilang lubos dedicated to my brother

Status
Not open for further replies.

renegade24winzam

Eternal Poster
Joined
Mar 14, 2013
Posts
940
Reaction
367
Points
317
ULILANG LUBOS
Tatlong taon nating pinagsamahan
Masaya’t malungkot sa ating nakaraan
Mga ala-alang kailanma’y hindi malilimutan
Paglayuin man tayo ng sanlibutan

Iginuhit mong mga larawan
Nakatatak parin sa aking isipan
Inukit mo sa puso ko ang iyong pangalan
Pero sa huli pala’y iyo ring iiwan

Naalala mo paba ang ating mga pangarap
Muntik na natin marating ang alapaap
Sabay nating binuo at pilit nagsumikap
Ngunit sinira lang ng isang iglap

Natatandaan mo ba ng pasan kita saking likuran
Ngiti mo parin ang aking nasisilayan
Tiniis ang pagod at gutom na naramdaman
Maihatid kalang sa ating pupuntahan

Ang hirap isipin na para bang ako’y lutang
Masasakit na sinabi mo para sayo’y wala lang
Akala mo siguro manhid ako kaya okay lang
Hindi mo inisip na lumuluha rin kaming matatapang

Magkalayo man tayo sa ating panahon
Muling magbabalik sa susunod na henerasyon
Upang sabihin ang salitang “MAHAL KITA” noon
Wag kana umasang ramdam ko parin ito sa ngayon

Originally created by Chad aka renegade24winzam 10-11-17 3:34am
 
Di ko alam sasabihin..
Nice na lang.. Keep it up.
Ganyan talaga ang isang makata
Kailanman ma'y di mo malalathala
Kung anu ang masasabi sa aming likha
Ngunit kami'y nagpapakumbaba
Sapagkat saming sining na ginawa
Hindi alam kung paano ba nagsimula

Salamat sa pag appreciate like nyo nalang po kung inyong magustuhan dahil marami pa kayong aabangan
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top