renegade24winzam
Eternal Poster
- Joined
- Mar 14, 2013
- Posts
- 940
- Reaction
- 367
- Points
- 317
ULILANG LUBOS
Tatlong taon nating pinagsamahan
Masaya’t malungkot sa ating nakaraan
Mga ala-alang kailanma’y hindi malilimutan
Paglayuin man tayo ng sanlibutan
Iginuhit mong mga larawan
Nakatatak parin sa aking isipan
Inukit mo sa puso ko ang iyong pangalan
Pero sa huli pala’y iyo ring iiwan
Naalala mo paba ang ating mga pangarap
Muntik na natin marating ang alapaap
Sabay nating binuo at pilit nagsumikap
Ngunit sinira lang ng isang iglap
Natatandaan mo ba ng pasan kita saking likuran
Ngiti mo parin ang aking nasisilayan
Tiniis ang pagod at gutom na naramdaman
Maihatid kalang sa ating pupuntahan
Ang hirap isipin na para bang ako’y lutang
Masasakit na sinabi mo para sayo’y wala lang
Akala mo siguro manhid ako kaya okay lang
Hindi mo inisip na lumuluha rin kaming matatapang
Magkalayo man tayo sa ating panahon
Muling magbabalik sa susunod na henerasyon
Upang sabihin ang salitang “MAHAL KITA” noon
Wag kana umasang ramdam ko parin ito sa ngayon
Originally created by Chad aka renegade24winzam 10-11-17 3:34am

Spoiler contents are visible only to Established Members.