What's new

Closed Trahedya sa mall (nccc)

Status
Not open for further replies.
PSNtoon.jpg
ANG nangyaring sunog sa apat na palapag na New City Commercial Center (NCCC) sa Davao City noong bisperas ng Pasko na ikinamatay ng 38 katao ay maihahalintulad sa trahedya ng Ozone Disco sa Quezon City noong 1996 na ikinamatay ng 162 katao.

Hindi rin nakalabas ang mga biktima sa nasusunog na NCCC dahil walang fire exits ang gusali. Nakita ang mga biktima na magkakasama sa lobby at mayroon din sa comfort room. Wala silang malabasan kaya nagkatipon-tipon sa isang lugar. Mga empleado umano ng isang call center na nasa fourth floor ang mga biktima. Nagsimula umano sa third floor ang sunog kung saan naroon ang furniture shop at may tindahan din umano ng mga carpet. Mabilis na kumalat ang apoy sa fourth floor at napuno ng usok dahilan para hindi makababa ang mga empleado ng call center. Hindi rin umano makatawag ang mga empleado sapagkat ang kanilang mga cell phone ay nasa isang hiwalay na lugar bilang patakaran ng kompanya na huwag magdadala ng CP sa lugar ng trabaho.

Dahil sa pagkataranta ng iba at sa kagustuhang makatakas sa nasusunog na gusali, sumampa sila sa pinakatuktok ng bubong at doon gumapang at saka na-rescue.

Marami pang nakikitang violations ang NCCC kung bakit hindi agad nakalabas ang mga biktima. Bukod sa walang fire exits, wala ring sprinklers at fire alarms ang gusali. Maraming nagtataka kung paano nabigyan ng building permit ang NCCC sa kabila na maraming violations. Itinayo umano ang NCCC noong 2003 kung saan si President Duterte ang nanunungkulang mayor.

Dumalaw si Duterte sa ospital kung saan unang dinala ang mga bangkay. Nangako si Duterte na makakamit ng mga biktima ang hustisya. Mabilisang imbestigasyon ang iniutos ni Duterte para malaman ang tunay na dahilan ng sunog at mapanagot ang mga nagkasala. Makakaasa raw ng tulong ang mga pamilya ng biktima.

Maraming pagkakamali ang mall kaya nangyari ang trahedya. Kung sumunod sila sa safety rules, hindi mamamatay ang mga biktima. Nararapat ang malalimang imbestigasyon dito. Huwag namang pagkaitan ng tulong ang mga biktima.

Source: PhilStar. 2017. Trahedya sa mall. Retrieved from: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 

Attachments

"Marami pang nakikitang violations ang NCCC kung bakit hindi agad nakalabas ang mga biktima. Bukod sa walang fire exits, wala ring sprinklers at fire alarms ang gusali."

meron naman fire exit kaso sinalubong na sila ng makapal na usok di na sila makadaan kasi mainit daw masyado.
sa fire alarm naman manual pa daw hindi yung automatic. at yung sprinklers di gumana sad.
 
..sabi ng isang survivor.. sobrang kapal daw ng usok.. tas may nagsabi na pumunta sila sa lobby.. yung survivor.. sumunod.. yung iba naman.. hindi.. sinubukan nilang bumaba..pero bumalik din.. tas punta daw sila sa cr.. parang nag away away na daw.. may fire exit naman daw.. yun nga lang.. pag dumaan dun.. naiinitan sila..kaya sila bumabalik ulit sa taas.. e yung survivor.. pinilit nyang makatawid sa mainit na yun..tapos pagkababa nya ng 3rd floor.. ok na daw doon..di na ganun kakapal yung usok
 
Ang tanong, paano nabigyan ng building permit kung hinde nakapasa sa building code? Sa ozone disco... Marami mabubuhay o walang mamamatay kung hinde baliktad ang pag open ng pinto... Dapat patulak at hinde pahatak...
 
sino dito yung may pics yung mga nasunog na bodies or yung may crime scene pics?


anyway may iba't ibang versions po ng stories between agents. feeling ko naman may nag alert sa kanila but then dahil nga marami sila at nag panic na ni hindi nila narinig ito ... walang peace of midn. isang agent nagsabi na " lobby lobby!!!!" nagakatas pa yung isa dahil sinunod nya ito yung iba walang narinig
 
Dapat talaga mabigyan ng hustisya ang mga namatay sa sunaog na yan sa davao, sana lalong dapat maging mahigpit ang paamhalaan sa pagbibigay ng bldg. permit.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top