SUGATAN ang isang 3rd year medtech student nang barilin ito sa leeg ng kanyang manliligaw na kaklase sa parking lot ng kanilang eskuwelahan sa Tuguegarao City, Cagayan noong Lunes nang hapon.
Samantala, matapos tumakas ay isinuko naman ng kanyang magulang sa pulisya ang suspek na si Kristian Rafael Ramos.
Base sa salaysay ng dalawang saksi na security guard at library staff, narinig nilang humihingi ng tulong ang biktima habang nasa loob ng kotse na nakaparada sa likurang bahagi ng parking lot.
Nilapitan nila ang sasakyan at naaktuhan ang suspek habang sinasaktan ang biktima.
Nakatiyempo ang dalaga na makalabas ng sasakyan pero sinundan ito ni Ramos.
Tinutukan pa umano nito ng baril ang guard at staff para huwag makialam saka inasinta ang tumatakbong biktima at binaril.
Matapos nito’y tumakas ang suspek sakay ng kanyang kotse habang isinugod sa ospital ang biktima na sa ngayon din ay nasa maayos na umanong kondisyon.
Lumitaw sa imbestigasyon na nanliligaw ang suspek sa biktima pero binasted ito ng dalaga.
Nahaharap sa kasong frustrated murder at paglabag sa election gun ban ang suspek.
Sauce:
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Attachments
-
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Last edited: