What's new

Totoo ba ang Astral Projection?

pag nag astral ka kasi dahil sa sleep paralysis sa umpisa nagkakaroon ka ng view sa kwarto mo so iniisip mo rin na astral sya pero sleep paralysis pala sya na naging lucid dream, so ang mangyayri na iisipin mo na nanjan ang katawan mo na lumalabas ka kasi gising yung mind mo pero yung katawan mo di maka galaw kasi tulog. basta yan yung astral para sakin, pwede rin nag lucid dream ka pero yung lucid dream mo matutulog ka dun, sympre nakokontrol mo yung lahat dun so pwede mo utusan na may lumalabas na sarili mo sa katawan mo, pwede din yun. basta paran sakin ang astral ay lucid dream din
 
legit yung vibration dati ugali ko talaga mag meditate bago matulog tas tumagal siguro ng 30 min yung meditate ko then biglang parang nag bavibrate yung katawan ko then gumalaw nalang ako kase nakakatakot tas pag tapos nun parang may humihiwalay sa katawan ko
di meditate ginawa mo, di kalang gumalaw nang matagal so iniisip ng utak mo na tulog na katawan mo, pag nag yari yan pwede ma uwi sa lucid dream
 
Gusto ko rin magawa to kase ayaw ko na sa mundo, gusto ko makapunta sa ibang mundo para malaya ako makagawa kung anu gusto ko 😐😌
Yap may kanya kanya tayong gusto, nung bata ako ganto din nasa isip ko. Gusto ko lng makatakas sa reality at gusto ko lang maging malaya at masaya. Hindi tulad ngayon, na nababaon na tayo sa kalungkutan, kaya ang best way talaga is meditation. Kahit temporary lamang na maranasan natin maging masaya at magawa ang kagustuhan natin
 
Pero alam nyo guys, to those who experience Lucid or Astral shit,.. then your curiousity about dying (after death) is totally cleared now. :)

Lahay tayo mamamatay, why so afraid of dying huh?
im not saying magpatiwakal kayo, pero ilagay nyo sa isip nyo hndi porket wala nang katawan it means hanggang dun nalang..
For real, pare parehas lang naman ang patutunguhan natin. Walang makakapag sabi kung kelan pero sa mga naka expirienced na nun atleast they're aware kung ano possible mangyari after life.
 
I think this is something to do with lucid dreaming and sleep paralysis. I can partly say na totoo sya kasi madalas ko siya maranasan, and like Gawr Gura nananaginip din ako about atmosphere, space and planets and it seems like na yung kaluluwa ko ay humihiwalay sa katawan ko.. (out of body experience) nakakatakot pero interesting topic to kung pag-uusapan.
 
may nabasa ako before na napupunta raw sa tinatawag nilang astral plane(?) yung mga nag-aastral projection kaya medyo naguluhan ako about sa topic na 'yan or hindi ko lang talaga masyado naintindihan kaya naguluhan ako nyahahaha
 
may nabasa ako before na napupunta raw sa tinatawag nilang astral plane(?) yung mga nag-aastral projection kaya medyo naguluhan ako about sa topic na 'yan or hindi ko lang talaga masyado naintindihan kaya naguluhan ako nyahahaha
Di totoo yan, ang Astral ay parang lucid dream din, ang katawan na nakikita mo ay katawan na nasa dream mo yan hindi totoong katawan, ang Astral para sakin din ay may kaugnay sa sleep paralysis, at minsan dun din nag sisimula ang astral
 
Sa katulad ko t.s na isang faith healer totoo yan Dahil isa yan sa ginagamit namin para manggamot sa malayong lugar hindi basta basta tan marami proseso di katulad ng katawang lupa natin na bumangon tau sa higaan tatayo na tau. Sa astral kaya mu ba namnamin ung mga anino nakapaligid sa katawang lupa mo na kapag iniwan mo at naputol ung chord na pinag dudugtungan ng spirit at katawang lupa mo ay pwd na iba ang pumasok sa katawan mo. Eto ung tinatawag na kahit wala ka passport makakapunta ka kahit saang lugar gusto mu puntahan ngunit sbi ko nga may nakadugtong satin na chord saka sa katawang lupa mo kapag naputol un asahan mo di kana makakabalik kailanman at iba na papasok sa katawang lupa mo dun nagkakaroon na pagkabaliw rin akala nila nabaliw ka pero ang totoo iba na nakapasok sa katawan mo.
 
I don't know if you can call this as astral projection, pero one time to parang nagising ako sa panaginip ko. Pagising ko noon parang nakita ko yung sarili ko na nakahiga, medyo nagulat pa nga ako eh, nung pumunta ako sa salamin para tignan sarili ko wala ako makita. Tas sinubukan ko pa kausapin ung mga kasama ko sa kwarto, kaso ung naalala ko parang di nila ako naririnig, pagkatapos non nagising nako.
na experience ko narin yan,. nakita ko own body ko then, bigla ako nauhaw and binuksan ko ung ref and uminom,. then bigla ako nasa sky, tapos d ko na alam,. then kinabusan nakita ng kasama nmin sa bahay, mag nag bukas ng ref na walang tao,. so it means, or posible, baka ako un,. creepy pero ang astig
 
NOPE never and not true not even any proof of evidence ~ written books by other writers yes..
scientific proofs or writings.. nope.
dati non super interested din ako sa mga gnitong topic or also unlocking your inner self like chakras and thins.
nung katagalan natatawa nalang ako sa sarili ko looking back. anywho. interesting topic ts btw.
 
Naka experience na ako ng astral projection. Ilang beses na. Pero Yung mas Malala Yung last, Kasi may naka abang na demonyo sa paanan namin habang nakahiwalay Yung kaluluwa ko sa katawan ko, idagdag mo pa na nagdadalawang tao ako that time. Ginigising ko partner ko na gisingin katawan ko baka Kasi agawin katawan ko ng entity na yun at nang di na ako makabalik. Ilang minuto, nagdasal na lang ako na sana makabalik ako sa katawan ko. Ayun pag gising ko parang walang nangyari. Nakabalik na ako sa katawan ko.
 
Back
Top