What's new

The Thoughts [pt. 1]

Cerebellum

Eternal Poster
Joined
Oct 31, 2021
Posts
1,183
Reaction
532
Points
423
"May mga taong nakakagawa ng maraming kabutihan ngunit marami din ang pagkukulang na ibinibilang sa kaniya."

"Marami ang kabutihan ng isang tao ngunit nagiging pagkukulang ito sa iba."

"Walang pamumuno ang lubhang kinagiliwan ng mga tao, ang lahat ng iyon ay nagbunga lamang ng mga kabalisahan, katanungan, at kasinungalingan."

"Mas mainam pa sa isang tao ang tumahimik kung ang mga salita niya naman ay magiging gaya lamang ng mga tinik."

"Sino sa atin ang hindi kailanman nakagawa ng kasamaan? Siya ay isang taong matuwid at perpekto."

"Ginugusto ng mga mata ang sinumang ibig nitong makita, ngunit binubulag naman siya nito sa paraang hindi niya nakikita."

"Tumatakbo ang tao sa daan na gusto niyang daanan, wala siyang pag-aalinlangan sa pagdaan niya dito. Kapag nalaman niyang mali ang kaniyang nilakaran, malayo na siya upang iyon ay balikan pa."

"May mga taong lumalakad sa sarili nilang landas sa pag-iisip na walang masama sa pagtahak dito. Ngunit anong buti ang makinig muna bago tahakin ang isang landasin?"

"May mga nag-iisip na hinahatulan sila dahil sa sinabi sa kaniya ng iba ngunit hindi alam ng isang tao ang totoong iniisip sa kaniya."

"Mabuti ang uminom ng alak. Ngunit anong buti ang idudulot nito kung gagawi naman sa paraang kapaha-pahamak?"

"Nananatiling maingay ang gabi ng isang nababalisang isipan."

"Mahaba ang gabi kapuwa ng isang matalino at ng isang masama."

"Bawat tao ay may sariling kahon kung saan naroroon ang kaniyang mga kaisipan. Sa labas nito ay kapuwa may positibo at negatibong mga bagay."

"Hinahatulan ng isang tao ang iba batay sa kung ano ang tingin niya dito. Pero ano nga bang mapapala ng isang tao sa pagtingin niya dito?"

"Malawak ang isipan ng taong may bukas na isipan. Ngunit alinman sa mabuti o masama ang kaniyang makuha sa pananatili nitong nakabukas."

- Cerebellum

____

What's your thought here?
 

Similar threads

Back
Top