Nakatira po ako sa bahay ng jowa ko, dalawa silang magkapatid at bunso yung partner ko. Yung panganay po ay lalaki at 28y/o na. Etong kapatid po ng partner ko sobrang naspoiled na or hindi namin alam kung isip bata ba sya or kulang kulang o attention seeker or talagang sinasadya nya lang mga pinagagagawa nya.
Everyday routine nya ay tatawagin yung nanay para lang dalhan sya ng pagkain sa higaan nya, eh nagpunta nalang din sya kusina eh bat di pa sya kumuha diba?
Tapos eto pa, after nya kumain, pupunta ulit sya kusina para lang tawagin yung nanay nya at ipakuha yung mga pinagkainan nya sa higaan nya, maanong dapat dinala na nya kasi sa kusina din ang punta nya diba?
At ang huli ay aalis sya ng bahay tapos uuwi ng madaling araw ng lasing di naman totally lasing kasi nakapagdrive pa sya ng motor eh, bubusina sya ng paulit ulit para lang pagbuksan ng pinto ng pinagpaparadahan nya. At pag hindi yung nanay nya ang nagbukas, papaingayin yung motor hanggang sa humangon yung nanay at ipaghanda sya ng pagkain.
Pag nag uutos pa sa magulang parang katulong talaga kasi nagagalit sya pag di agad nasusunod.
Kumbaga sa fairy tale, yung hari ay yung lalaki at ang mga alipin ay yung magulang. Hays, araw araw nakakastress kasi nakakaawa yung magulang, pagod na pagod pag uwi kasi nagtitinda sa palengke tapos uutus-utusan lang ng anak.
Gusto ko lang po humingi ng advice kung anong pwedeng gawin para itigl yung mga ginagawa nya. Kung anong magagawa nung partner ko kasi wala naman po akong karapatang mangialam eh kasi nakikitira lang din po ako.
Pwede nyo na rin po husgahan kung anong utak meron sya.
Salamat po.