What's new

Help Spoiled

iamjherzel

Forum Guru
Elite
Nakatira po ako sa bahay ng jowa ko, dalawa silang magkapatid at bunso yung partner ko. Yung panganay po ay lalaki at 28y/o na. Etong kapatid po ng partner ko sobrang naspoiled na or hindi namin alam kung isip bata ba sya or kulang kulang o attention seeker or talagang sinasadya nya lang mga pinagagagawa nya.

Everyday routine nya ay tatawagin yung nanay para lang dalhan sya ng pagkain sa higaan nya, eh nagpunta nalang din sya kusina eh bat di pa sya kumuha diba?
Tapos eto pa, after nya kumain, pupunta ulit sya kusina para lang tawagin yung nanay nya at ipakuha yung mga pinagkainan nya sa higaan nya, maanong dapat dinala na nya kasi sa kusina din ang punta nya diba?
At ang huli ay aalis sya ng bahay tapos uuwi ng madaling araw ng lasing di naman totally lasing kasi nakapagdrive pa sya ng motor eh, bubusina sya ng paulit ulit para lang pagbuksan ng pinto ng pinagpaparadahan nya. At pag hindi yung nanay nya ang nagbukas, papaingayin yung motor hanggang sa humangon yung nanay at ipaghanda sya ng pagkain.
Pag nag uutos pa sa magulang parang katulong talaga kasi nagagalit sya pag di agad nasusunod.

Kumbaga sa fairy tale, yung hari ay yung lalaki at ang mga alipin ay yung magulang. Hays, araw araw nakakastress kasi nakakaawa yung magulang, pagod na pagod pag uwi kasi nagtitinda sa palengke tapos uutus-utusan lang ng anak.

Gusto ko lang po humingi ng advice kung anong pwedeng gawin para itigl yung mga ginagawa nya. Kung anong magagawa nung partner ko kasi wala naman po akong karapatang mangialam eh kasi nakikitira lang din po ako.
Pwede nyo na rin po husgahan kung anong utak meron sya. 😂🤦
Salamat po.
 
batugan to the highest level..
mababago lang ang ugali niyan kapag siya na mismo ang bubuhay sa kanya..


ano wish ko sa mga magulang na inaabuso ng mga anak? ay mawala na ang magulang nila.. why?
para malaman nila ang halaga ng isang magulang na hindi dapat ginagawang utusan. (kapag nawala ang magulang doon nalang malalaman kung marunong ba sila kumilos mag-isa o hindi)

tapos pag nawala. "sasabihin sa magulang (mahal na mahal kita) blah blah.". after gawing utusan at katulong ganyan bigla ang sasabihin.
 
Trueeee. Sabi ko nga hays, kawawa naman sya . Ang tanda na nya pero yung utak nya ang liit tapos nasa talampakan pa 🤦 Tapos gusto na daw asawahin nung girlfriend nya, sabi nalang namin goodluck , hindi asawa kalalabasan nya, kundi katulong. Halos lahat na ata ng masamang katangian nasa kanya, tamad sa lahat ng bagay pati pagligo ganon na din.
 
Kahit ako lods, saka kung samin yan nakooo matagal ka na tinakwil. Parang katulong magulang eh kung utus-utusan. Hays, kung ikaw makakasama mo yon kahit isang araw, kahit di mo kilala, mahuhusgahan mo talaga. 🤦 Makikita mo in 1 day ang sobrang tamad nya.
 
Wala po. Wala din naman po akong karapatan kasi di naman po ako taga dito nakakahiya din po sa magulang ng partner ko kapag gumawa ako ng action about dito. Hays :(
 
grabeh naman, alipin ba niya nanay nya? oh baka naman gusto nya sa kanya lang atensyon ng nanay nya..di kaya nagseselos yan kaya ganyan umasta, baka nagseselos sa bunso..pero mali pa rin eh, nanay nya yun..sarap ipakain sa buwaya yang mga ganya :(
ayy ewan 🤣
 
Yun din napapansin namin eh. Pero hindi pa rin dapat, kasi sya panganay eh dapat nga sya tutulong sa nanay at kapatid nya pero hindi, ang nangyayari eh lagi nya kinokontra lahat ng gustong gawin nung kapatid nya, like nung nag online selling partner ko, dapat sa partner ko bibili kasi kapatid nya yon pero hindi sa iba daw sya bibili kasi mas mura 🤦 Like wtf kapatid kaba talaga? Tama naiingit sya, pero bat naman sya maiinggit, pareho naman sila may allowance 100 per day. Pareho sila binibilhan ng groceries. Ano pa dapat kainggitan nya ay lamang nga sya. Sa sobrang lamang nya nga, pati kabaitan ng nanay inaabuso.
 
Alam mo, kasalanan ng magulang yan dahil kinunsinti. Nung nasa kolehiyo ako nun, katulad nyan yung anak ng landlord ko. Walang trabaho, laging dinudugas yung pera ng magulang. Pati nga yung mga gamit namin mga boarders pinapakialaman din. At higit pa, social climber na inuuna ang porma kesa isinop ang kabuhayan ng pamilya. Yung mga magulang, mababait wla kami masabi.

Pero ang isang anak na ganyan ang kinalabasan, yun ay dahil sa hindi na-disiplina. Gulpe kelangan nyan.
 
Truee di ko naman masisisi yung magulang kasi sobrang bait talaga. Imagine mo 28 years old kana, tatawagin mo nanay mo para lang dalhan ka ng pagkain sa higaan. 🤦 Literal na malaking batugan. Walang magagawa eh, takot pa yung magulang sa anak eh. Takot magalit kaya di masabihan. Lagi nakampihan nung nanay. Hays kakaawa.
 
Abusado naman. Maka look down sa magulang wagas. Dapat nga di na pinagtatrabaho mga magulang kasi matatanda na at dapat anak na ang mag aruga. Idemanda kaya ng domestic abuse ang kumag na yan.
 

Similar threads

Back
Top