Good morning kaPHC! Explain ko. Ang pag-segregate ng components actually ay logical concept lang, para lang may guide ka at hindi gulo gulo ang development. It's up to you kung paano mo i-implement sa software mo. Kung MVC approach mo... Separate mo ang Controllers sa 3 main files/functions/classes (or kung ano gusto mo itawag).
(1) API Handler - Ito yung bubuohin nyo para maghandle nung API na sinasabi ko. Ito ang gagawa ng Views or presentation ng data sa user.
(2) User Account Management - ito ang magha-handle ng Users, kasama na dito yung Login or authentication. Pwede ding may notifications sa email or sa chrome. Etc.
(3) Preference Learning System - Ito yung magaaral o mag-aanalyze kung ano yung mga binabasang news ng user. Tapos base sa number of clicks (user interest) per news category, mag-start na sya magsuggest ng next reading, or mag lalagay na sya ng reading suggestion at ilalagay nya sa top ng usal list.