What's new

Closed Sino si jehova?

Status
Not open for further replies.
saan galing ang JEHOVA?
galing yan sa YHWH pero pag lipas ng panahon naging JHVH at nilagyan nila ng vowel sa gitna para maing JeHoVaH
 
ask lang po, bakit po mahilig mangatok ang mga Jehovah?

Mahirap po ba mang uto para may sumali sa networking business nyo? :D
 
ask lang po, bakit po mahilig mangatok ang mga Jehovah?

Mahirap po ba mang uto para may sumali sa networking business nyo? :D
try mo sila kausapin boss kapag naipit ito ang madalas nilang sinasabi.
ah sige po hinaantay na kami ng mga kasamahan namin
sige po 3 menoto lang po dapat kami dahil may pupuntahan pa kami
sige po alis na po kami at babalikan ka namin sa susunod(huwag kana umasa na babalik yong nangako hindi na babalik yon)
 
Sinasabi nila kasi na jehova ang pangalan ng ating panginoon. Na kapag kinikilala mo daw sya bilang si jehova ikaw daw ay maliligtas sa kabilng buhay. Sila lang daw na mga jehovas witness ang maliligtaas sa paraiso.

Ayan ang sinasabi ng mga jehovas witness dito na nanghihikayat para kayoy lumipat sa kanila

ayan yung palagay ko na maling turo ng JW. hindi nila pwedeng sabihin na sila lang maliligtas. gumawa sila ng pangalan ng simbahan na Jehovah para lang sabihin na sila ang maliligtas. gawa ng tao, so maling batayan para maligtas. Si God lang makakapagsabi kung sino ang maliligtas, Sya lang ang huhusga sa ating lahat. Hindi binigay ng Diyos Ama si Jesus para magkaroon ng relihiyon o pangalan ng simbahan.
 
Bakit Natin Gagamitin ang Pangalan ng Diyos Kung Hindi Naman Tayo Tiyak sa Bigkas Nito?

Walang sinumang nakaaalam sa ngayon kung paano talaga binibigkas ang pangalan ng Diyos sa sinaunang wikang Hebreo. Pero kapansin-pansin na lumilitaw nang mga 7,000 ulit ang pangalan ng Diyos sa mga teksto ng Bibliya. Noong nasa lupa si Jesus, inihayag niya ang pangalan ng Diyos, at itinuro sa kaniyang mga alagad na ipanalangin ang pagpapabanal sa pangalang iyon. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kaya isang bagay ang tiyak—napakahalaga sa mga Kristiyano ang paggamit sa pangalan ng Diyos. Kung gayon, bakit walang nakatitiyak sa ngayon kung paano binibigkas ang pangalang iyon? May dalawang pangunahing dahilan.

Una, mga 2,000 taon na ang nakalilipas, nagkaroon ng pamahiin ang mga Judio na masamang bigkasin ang pangalan ng Diyos. Noon, kapag nagbabasa ang isa at nakita niya ang pangalan ng Diyos sa mga teksto ng Bibliya, papalitan niya iyon ng salitang “Panginoon.” Dahil hindi na ginamit ang pangalan ng Diyos sa nakalipas na maraming siglo, nakalimutan na kung paano ito binibigkas.

Ikalawa, ang sinaunang wikang Hebreo ay isinusulat nang walang patinig. Noon, kapag nagbabasa ang isa, dinaragdagan lamang niya ng mga patinig ang mga salita ayon sa alam niyang nakasanayang bigkas dito. Nang maglaon, isang sistema ang ginawa para hindi tuluyang makalimutan ang bigkas sa mga salitang Hebreo. Naglalagay ng mga tuldok-patinig, o pananda para sa mga patinig, sa bawat salita sa Bibliyang Hebreo. Pero sa pangalan ng Diyos, tuldok-patinig para sa salitang “Panginoon” ang inilalagay upang ipaalaala sa mga nagbabasa na iyon ang kanilang bibigkasin, o kaya nama’y wala talaga silang inilalagay na anumang pananda.

Ang makikita na lamang ngayon ay ang apat na katinig na tinatawag na Tetragrammaton. Ayon sa isang diksyunaryo, ito “ang apat na titik Hebreo na karaniwang isinusulat na YHWH o JHVH para sa pangalan ng Diyos na nasa Bibliya.” Kaya madaling mauunawaan kung bakit ang JHVH, kapag nilagyan ng patinig, ay nagiging “Jehova,” ang anyo na karaniwang ginagamit ngayon sa wikang Tagalog.

Pero inirerekomenda ng ilang iskolar ang bigkas na “Yahweh” para sa pangalan ng Diyos. Mas malapit ba iyan sa orihinal na bigkas? Walang nakatitiyak. Sa katunayan, may ibinigay na mga dahilan ang ibang mga iskolar kung bakit hindi nila ginagamit ang bigkas na iyon. Sabihin pa, malamang na ibang-iba na ang pagbigkas ngayon sa mga pangalan sa Bibliya kaysa sa pagbigkas sa mga ito noon sa orihinal na wikang Hebreo, pero halos wala namang tumututol dito. Ito ay dahil sa naging bahagi na ang mga ito ng ating wika at naging pamilyar na ang mga tao sa mga pangalang ito. Ganiyan din naman sa pangalang Jehova.

Ang unang-siglong mga Kristiyano ay tinawag na isang bayan ukol sa pangalan ng Diyos. Ipinangaral nila sa iba ang pangalan ng Diyos at pinasigla ang mga ito na tumawag sa pangalang iyon. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Maliwanag, mahalaga sa Diyos na gamitin natin ang kaniyang pangalan anuman ang ating wika, maunawaan ang kahalagahan ng pangalang ito, at mamuhay ayon sa kahulugan nito.

Kapansin-pansin na lumilitaw nang mga 7,000 ulit ang pangalan ng Diyos sa mga teksto ng Bibliya
Masasabi ko lang sayo, di ka huhusgahan ng Diyos dahil sa di paggamit mo ng pangalan nya. Huhusgahan ka nya sa laman ng puso mo. Nasa puso ang tunay na kabutihan at kasamaan.
 
Paki explain nga ito mga taga saksi ni JEHOVA kung ano ba talaga ang pangalan niya
Isaias 63:16
"Sapagka't ikaw ay aming Ama, bagaman hindi kami kinilala ni Abraham, at hindi kami kilala ng Israel: ikaw, Oh Panginoon, ay aming Ama, aming Manunubos na mula sa walang pasimula ay siya mong pangalan."



actaully po prankahan lang po so pasensya na nagsusuri lang ako para maliwanagan makikita po ninyo sabi "ama" po ang pangalan ng dios ama kaya tiyak tayo ng "ama" ang pangalan ng dios kasi wala panga nang walang pasimula eh yun na ang pangalan Ng dios, ni hindi pa lumalang ng kahit ano :) ni isang tao walang makakatutol diyan bilang patunay "ano ano ang pinangaral ng panginoon hesus sa pag dadasal?
Basahin po natin sa
Mateo 6:9-14
[9]"Magsidalangin nga kayo ng ganito: """Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo.""
[10]Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa.
[11]Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw.
[12]At ipatawad mo sa amin ang aming mga utang, gaya naman namin na nagpatawad sa mga may utang sa amin.
[13]At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masama. Sapagka't iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man. Siya nawa.
[14]Sapagka't kung ipatawad ninyo sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay patatawarin naman kayo ng inyong Ama sa kalangitan.


Ayan makikita ninyo ama ang pinangaral ng panginoon hesus sa pananalangin makikita ninyo rin sa mateo 6:9 na sinabi ng panginoon hesus
Sambahin nawa ang pangalan mo which means yung ama yun hindi jehova isa pa ang pangalan ng "JEHOVA" umiral lang naman sa taong 14 century actually nasa libro nyo po yan mga saksi ni jehova? Mababasa ninyo po yan Sa
"New World Bible Translation Committee“

Dapat alam ninyo ito dahil libro ninyo yan :)

While inclining to view the pronunciation “Yahweh” as the more correct way, we have retained the form “Jehovah” because of peoples familiarity with it since 14thcentury.”
Ayon sa libro ninyo
So mas tama pa pala ang salitang "Yahweh"? Kaya lang pinalitan kasi mas papular daw sa mga tao simula ng 14century"?
Sa katunayan po inaamin ninyo ng mga saksi ni jehova ito eh Sa libro nilang "

“Nangangatuwiran mula sa Kasulatan” (Reasoning from the Scriptures), sinulat ng mga Saksi ni Jehova, ganito ang sinasabi sa page 191,
“Dahil dito ay binuo ng makabago ang pangalang Jehova, na hindi kilala ng mga sinauna, maging Judio o Kristyano man…


So binuo lang pala ng makabago ang pangalang jehova paano ninyo masasabing yan ang pangalan ng diyos eh binuo lang pala ng makabago ni judio o kristyano dipa kilala?


Isa pa kung totoong relehiyon ang saksi ni jehova dapat po nasa bibliya po ang pangalan ng iglesia ninyo kasi kung wala hindi po iyan :) mas maganda manuod kayo ng debate like soriano and
Jehovah's Witnesses???


At sana magsuri po tayo para makita natin ang katotohanan :) yun lang po magandang araw po sa inyo :)
 
mali ka dyan sir,, Ang ama ay hindi pangalan - titulo yun o katawagan.. kita naman sa birth certificate ng tatay mo diba hehe[/QUOTopo
Ipagpalagay na kasama mo tatay mo at ang tito mo, nagkataon na pangalan ng tito mo ay "tatay" kung tatawagin mo ang tatay mo ng "tatay" sino ang lilingon? Ang sagot, dalawa silang lilingon, magkakaroon ng kalituhan. Kaya ang logic din, mahalagang gamitin ang pangalan ng Diyos para mas dinidinig niya tayo, tulad nga ng sabi ni Jesus mayroon ding ibang Ama (Juan 8:44), kaya kung ama ang sasabihin mo sa panalangin mo. Igagalang namin iyon bilang mga saksi ni Jehova, hindi ka namin pipilitin. Nasa sa'yo na 'yan.
sir tito mo nga diba?wala nman problema kung pangalan ng tito ay tatay eh amain mo edi tawagin mo na tito or uncle bkit kc tawagin mo sya sa pangalan nya eh hindi mo na sya ginalang
 
Kasi wala naman mababasa sa bibliya sinabi ng Diyos na pangalan nya ay ama.
Nabasa ko na ang buong bibliya.. wala akong nabasang ganun

Sir kung original language iyong pagbabasihan ang dapat na pagbigkas ng pangalan ng diyos ay base sa tetragramaton na YHWH , eh paano po naging Jehovah iyon From the original YHWH naging Jehovah? eh sabi mo pa nga na walang vowels na ginamit sa YHWH. Eh alam naman natin lahat na imbento lang yang Jehovah na word para mabigkas lang ang YHWH na pangalan ng Diyos.
Mga anyo ng banal na pangalan sa iba’t-ibang wika, na nagpapakita na tinatanggap sa buong daigdig ang anyong Jehova
 
Ngayun totutulan ninyo paba ang panginoon hesus kristo na sinabi na ang ama Pangalan ng diyos ama yan na nga po nasa pananalangin na nga po ano eh so ayaw ninyo pa siyang paniwalaan? So Nasasainyo na po yan parang tinakwil ninyo pa ang sinabi ng panginoon hesus kesa sa jehova na binuo lang ng makabago ang kinikilala ninyong pangalan actually anak ng dios na ang nagsasabi ayaw ninyo pa syang paniwalaan? Nasasa inyo na po yan

I Mga Taga-Corinto 4:6
[6]Ang mga bagay ngang ito, mga kapatid, ay inianyo ko sa halimbawa sa aking sarili at kay Apolos dahil sa inyo; upang sa amin ay mangatuto kayo na huwag magsihigit sa mga bagay na nangasusulat; upang ang sinoman sa inyo ay huwag magpalalo ang isa laban sa iba.
 
Hmmm... Pwede na ata tayo magtatag ng sariling relihiyon. Hehehe.... Swerte ng mga nauna... Mayayaman na sila... Hehehehe....
 
sir tito mo nga diba?wala nman problema kung pangalan ng tito ay tatay eh amain mo edi tawagin mo na tito or uncle bkit kc tawagin mo sya sa pangalan nya eh hindi mo na sya ginalang
Un nga e, may pagkalito na kapag ganun, kaya mas maganda may pangalan, tatay Jose, edi automatic lilingon kaagad tatay mo na tinatawag, simple lang ang logic nun, nadidirekta sakanya ang pagtawag kapag naka-indicate pangalan niya, anyway, kung ano pinaniniwalaan mo, iginagalang namin 'yun, hindi ka namin pipilitin na maniwala. Chill lang.
 
Closed thread na to,, hindi po ito debate forum
Hindi pa revealed ang pangalan ng Diyos sa old testament. FYI Jehovah=Lord , read Isiah 42:8 in english version. Lord ay hindi pangalan, kundi tawag sa pinakataas.
Sa Matthew inutos ni Lord na mag baptize in His Name(Hindi niya sinabi kung ano ang name niya), kaya sa Acts ni reveal ni Peter ang pangalan ni Lord as Jesus Christ bilang alinsunod sa utos ni Lord na i baptize ang mga tao gamit ang pangalan niya. Ang pangalan ni Lord o Jehovah ay Jesus Christ.
 
Hindi naman mahalaga kung anong pangalan ng ating Panginoon. Ang importante alam natin kung ano ang tama at mali at sinusunod natin ang tama dahil ito ay ayon sa utos ng Diyos. Ang pinaglalaban mo kasi TS eh Jehova talaga ang pangalan ng Diyos. Eh ano ngayon? Di naman yan malaking bagay. As long as you have Faith and you are doing good deeds, that's enough to be human. Anyway, opinyon ko lang po yan. So, peach be with you!
 
Bakit pinagpipilitan nilang jehova ang name ng dios??? samantalang binuo lang naman ng makabago yan inaamin ng mga JW MISMO sa libro nila yan!!! na binuo lang ang pangalan na yan sa kadahilanan di kilala maging judio o krityano!! isa pa ang panginoon hesus na nagsabi na mateo 6:9
Na Magsidalangin nga kayo ng ganito: """Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo."" Di paba sapat yan???? Anak na ng dios nagsabi tutulan mo paba kapag mag pagdarasal ama ang gagamitin upang sambahin ang kaniyang pangalan!! Kaya nga mababasa natin sa Isaias 63:16

"Sapagka't ikaw ay aming Ama, bagaman hindi kami kinilala ni Abraham, at hindi kami kilala ng Israel: ikaw, Oh Panginoon, ay aming Ama, aming Manunubos na mula sa walang pasimula ay siya mong pangalan."

WALA PANG PASIMULA NG LAHAT AY "AMA" NA ang pangalan ng dios ama at pinatotohanan yan ng ating panginoon hesus sa pagdarasal :) at walang JW ang makakatutol dyan kapag tinutulan nila yan ang panginoon hesus na anak ng dios na mismo na kanilang tinakwil sa kanilang mga sinasabi :)
 
Hindi pa revealed ang pangalan ng Diyos sa old testament. FYI Jehovah=Lord , read Isiah 42:8 in english version. Lord ay hindi pangalan, kundi tawag sa pinakataas.
Sa Matthew inutos ni Lord na mag baptize in His Name(Hindi niya sinabi kung ano ang name niya), kaya sa Acts ni reveal ni Peter ang pangalan ni Lord as Jesus Christ bilang alinsunod sa utos ni Lord na i baptize ang mga tao gamit ang pangalan niya. Ang pangalan ni Lord o Jehovah ay Jesus Christ.
Alam mo ba kung kailan binuo ang salitang JEHOVA??? at bakit jehova ang mga nakalgay sa ibat ibang salin ng biblia?
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top