What's new

Sino dito naaadik sa sensation ng Sleep Paralysis?

Back when I was in college I've always experienced this. Now lucky for me it's gone. I will never hope for it to comeback again.
 
That can lead to Lucid Dreaming (a type of dream in which the dreamer becomes aware that they are dreaming while dreaming). I relax mo lang sarili mo at wag kang magpanic. Then kapag naka pikit kana at parang may nakikita ka nang scenario or images, sign na yun na nag uumpisa kanang managinip (ang important tip is wag kang magpanic). Isipin mo lang na aware ka na nananaginip then after that, lahat ng mga gusto mong gawain ay magagawa mo na sa panaginip mo. :)
 
Wag kasi pinipilit matulog kung di inaantok. Ganyan nangyayari kapag tulog ang katawan at gising ang utak. Pero try mo controlin ts ng mapunta ka sa astral projection
 
yeah its true ts na experienced ko rin yan way back in my high school life, 3rd year din yata ako nun i think, sa aking experience naman ay ganun din parang tulog na gising ako nun na medjo nakadilat ang mata ko at naaaninag ko na parang may nakasakay sa katawan ko habang nakahiga ako, nakasuot ng black hood pero hindi ko makita ang mukha nya, tapos sa gilid ng higaan ko may parang puting babae or lalake ba ang bumubulong sa akin, hindi ko rin maaninag ang mukha nya, basta puti xa na nakaluhod sa gilid ng pinaghihigaan kong kama ang sabi pa nya "huwag mong pigilan ang paghinga mo ! , huminga ka ! huminga ka ! " na nakabulong sa taenga ko, pagkatapos nun bigla akong nagising at grabe ang pawis ko, hindi ko alam sp ba yun o bangungot?, matagal ako ulit nakatulog nun sa sobra kong takot, sa ngayon hindi ko na na eexperience yung ganun. 😁
 
Sa mga Gusto mka try nya. Try for your own risk. Mag isip ka sa tuwing umaga anung gusto mo na panaginipin lagi mo lang isip'isip yun para ma picture out ng utak mo yun. before ka matulog mag dala ka ng ballpen ang notebook. isip mo yung inisip mo yung iniisip mo tuwing umaga kung baga sa umaga na pinapractice mo. hanggang mka tulog ka. Pagka tulog mo at napanaginipan mo yun or anything na mapanaginipan mo gumising ka. isulat mo yun sa note dpt accurate anong nakita mo sa panaginip mo. matulog ka ulit pagnanaginip ka nanaman ulit gumising ka isulat mo at yung panaginip mo nanasulat mo pag pabalik2 nalang yun or naalala mo na panaginip mo it means sanay na utak mo. gawin mo mag sulat or mag draw mg panaginip mo 3 nights ayun matatakeover mo na spirit mo kaya mo na intindihin na panaginip lang yan at ikaw ang masusunod. pwede mo gawin ang mga bagay na gusto mong gawin. pwede mo rin makita or mag step out ka sa katawan mo. Always Keep in Mind na Panaginip lang yan pagbabalik ka na sa natural state mo tips ko ay galawin mo mga daliri ng paa mo or e feel mo daliri ng paa mo pag nagalaw mo pa unti2 mkaka gising ka. nya or mag dasal ka.

iwan ko ba bat sinabi ko mga to basta Try for your own risk. Peace Out Happy Dreaming
 
Madalas mangyari sa'kin iyan nung late jhs at shs pa lang ako. Nangyayari lang kapag paputol putol ang tulog ko. Katakot din minsan, parang ang hirap labanan.
 
nakakatakot nman yang trip mo hahaha nasubukan ko yan tapos snearch ko agad ayoko na maulit ung horror na panaginip lng bawal magising kaylangan pang tapusin hahaha
 
as of now madalas na to mangyari sakin, saka yung nested dreams nightmares thingy (parang false awakening din). wag naman po sana this night, sana kahit magandang panaginip nlang kahit putol² kung bigla akong gisingin ni papa 🤣

or baka cguro yung pagiging overthinker habang nakahiga bago makatulog every night kaya nagkaganun, SP or false awakening
 
Last edited:
Nung una nakakatakot, at di ko rin talaga alam or nababasa ang about sa ganyan, after ko naransan yun unang beses, gising utak, tulog katawan, akala ko mamamatay na ako non haha., ni search ko about sa ganyan ganito, and nabasa ko lang na mahalagang gawin, wag ka mag panic, at ang dulo ng mga daliri ang una mong galawin kung gusto mo na magising. And yun experience ko lang din na pangit ito maranasan ng mga taong di nakapag search about dito or nakapag basa ng article, kasi possible mag panic sila and di ko alam ano mangyayari if nagpanic ka... So maganda din talaga magbasa basa about sa mga ganito hahaha
 

Similar threads

Back
Top