Help Side hustle for student

Ano po magandang side hustles sa mga website na kagaya ng Payoneer, Upwork etc... na pwede sa isang estudyante na kagaya ko na gustong umextra, pahingi po ng tips mga idolo im financially struggling 💔😭
 
ano ba skills mo? marunong kaba mag reformat ng pc? mag install ng windows sa pc? pwede mo sya pag ka kitaan kahit mag paskil kalang sa labas ng bahay nyo haha.

marunong ka mag code? pwede ka mag benta ng mga code sa mga students na struggle sa thesis

or mag benta ka ng mga *****ed softwares online di naman lahat marunong haha
 
It depends on your skills, ano bang soft and hard skills na meron ka? Dun ka magstart sa kung saan ka magaling at maalam. Di pwedeng kami ang magdecide for you kasi maraming niche sa freelancing at ikaw lang ang nakakaalam kung ano ba yung kakayahan mo. Pero given na student ka pa ito yung mga niche na pwede as your side hustle:

  1. Data Entry & Web Research - anything under the sun na pwedeng ipagawa ng client, kadalasang tools na ginagamit is Google Suite (Docs, Sheets, Slides) or MS Office (Word, Excel, PPT), PDF. Pero hindi lang dapat dito nagtatapos yung skills mo kasi oversaturated na itong niche na to meaning maraming competitor.
  2. Graphic Design - logo, social media post design, fb ads design, website banners, etc. (dito pwedeng hawak mo oras mo kasi pwedeng part-time or by project ang contract mo)
  3. Social Media Management - creating and curating social media post like captions, hashtags for every post, scheduling future posts, minsan kasama na rin graphic design, etc.
  4. Content Writer/Copywriter - curating and writing content for blog post (ang pay dito depende sa kung gaano karami yung volume ng content na magagawa mo, at pwede rin by article)
  5. Virtual Assistant - yung task dito halo-halo, pwedeng gawin yung mga nakalagay sa 1-4. Depende sa agreement niyo ng client mo. Mostly for long-term pag VA pero may mga naghahanap din ng for part-time.
Ayan lang yung alam ko na parang pwede sayo. Pero eto pa yung ibang niche na pwede mong isearch: Customer Service, Web Design, Accountant/Bookkeeper, Transcriber, Video Editor, Lead Generation, SEO, Digital Marketer, Artist, ESL Teaching, etc.

Sa platform naman pwede ka sa Fiverr kasi per project dun, ikaw magseset ng days kung kailan mo tatapusin yung task. Tsaka Upwork, Onlinejobs.ph :)
 
Mag play to earn ka nalang muna if studyante ka, lalo na sa'yo na financially struggling, makakatulong yun sa'yo in the long run. Kung may laptop or PC ka, try mo laruin gods unchained, free to play siya na play to earn. If want mo naman mabilisan na kita, try splinterlands, pag palarin ka sa daily quest, baka makakuha ka good item e magka pera ka agad. Sa splinter lands, 700 pesos lang makaka laro ka na. 500 for spell book then 200 for DEC for renting. Nagsimula ako last July as a casual player at nakapag cashout na ako ng total of 2500, I have 2 accounts.

Iniisip mo siguro bakit 2,500 lang? Well, nahäçk kasi ako last October, total of 2k pesos na asset. Kaya nawalan ako nang gana for a while then ginanahan ulit ako. Tapos medyo busy busy na kaya diko na nalalaro.

Maging competitive ka lang sa laro, magkaka pera ka.
 

Similar threads

Back
Top