What's new

Si Pedro Ba ang Kauna-unahang Papa?

Arlertz

Eternal Poster
Joined
Jun 13, 2019
Posts
1,138
Reaction
379
Points
324
“Si Cardinal Jorge Mario Bergoglio, S.J., ay nahalal bilang Kataas-taasang Papa, ang ika-265 kahalili ni Pedro.”—VATICAN INFORMATION SERVICE, VATICAN CITY, MARSO 13, 2013.
“Ang obispo ng Roma ay may karapatang maging lider ng [Katolikong] Simbahan sa buong daigdig, yamang siya ang kahalili ni San Pedro, na tumanggap ng gayong pantanging awtoridad mula kay Jesu-Kristo.” —THE PRIMACY OF THE BISHOP OF ROME DURING THE FIRST THREE CENTURIES, 1903, NI VINCENT ERMONI.
“Kaya kung sakaling may sinumang magsasabi . . . na ang Papa ng Roma ay hindi kahaliling lider ni San Pedro; hayaan siyang maging anatema [ibig sabihin, ipahayag na erehe].”—AYON SA FIRST VATICAN COUNCIL, HULYO 18, 1870.

PARA sa milyon-milyong Katoliko sa buong daigdig, ang dekreto ng unang Vatican Council noong 1870 ay isang doktrina ng simbahan, isang turo na dapat sundin at hindi puwedeng baguhin. Pero ang tanong, Itinuturo ba ito ng Kasulatan? Bukod diyan, si Pope Francis nga ba ang kahalili ni apostol Pedro? At si Pedro ba ang kauna-unahang papa?

“SA IBABAW NG BATONG ITO AY ITATAYO KO ANG AKING IGLESYA”​

Ang dekreto ng Vatican Council noong 1870 ay pangunahin nang nakabatay sa interpretasyon nito sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.. Ang mga pag-uusap nina Jesus at Pedro na mababasa sa mga talatang ito at sa iba pang ulat ng Bibliya ay nagpapakitang si apostol Pedro ay may mahalagang papel sa kasaysayan ng sinaunang Kristiyanismo. Sa katunayan, nang una silang magkita, inihula ni Jesus na si Pedro ay magpapakita ng tulad-batong mga katangian. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Pero binigyan ba ni Kristo si Pedro ng nakahihigit na posisyon?

Sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., sinabi ni Jesus kay Pedro: “Sinasabi ko sa iyo, ikaw ay Pedro [na ang pangalan ay nangangahulugang “Isang Piraso ng Bato”], at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya.” You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. Sinasabi ba ni Jesus na ang kaniyang “iglesya,” o kongregasyon, ay itatayo kay Pedro, na isang tao? Si Pedro ba ang magiging lider ng lahat ng iba pang tagasunod ni Jesus? Ano ang intindi ng iba pang apostol na naroroon sa sinabi ni Jesus? Binabanggit ng mga Ebanghelyo na nang maglaon, ilang ulit silang nagtalo-talo kung sino ang pinakadakila sa kanila. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kung ginawa na ni Jesus si Pedro na nakahihigit sa lahat ng apostol, kailangan pa ba nilang pagtalunan kung sino ang pinakadakila sa kanila?

Ano ang intindi mismo ni Pedro sa sinabi ni Jesus? Bilang isang Israelita, tiyak na pamilyar si Pedro sa iba’t ibang hula sa Hebreong Kasulatan tungkol sa “bato” o “batong-panulukan.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Nang sipiin ni Pedro ang isa sa mga ito sa kaniyang liham sa mga kapananampalataya, ipinaliwanag niya na ang inihulang “batong-panulukan” ay ang Panginoong Jesu-Kristo, ang Mesiyas. Ginamit ni Pedro ang salitang Griego na pe’tra (ang katulad na salitang ginamit ni Jesus sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) para lang kay Kristo.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Si apostol Pablo ay isa pang tapat na tagasunod ni Jesus. Naniniwala ba si Pablo na binigyan ni Jesus si Pedro ng nakahihigit na posisyon? Bilang pagkilala sa posisyon ni Pedro sa sinaunang kongregasyong Kristiyano, isinulat ni Pablo na si Pedro ay kabilang sa “mga kinikilalang haligi ng iglesya.” Para kay Pablo, hindi lang iisa ang tinutukoy na “haligi.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Isa pa, kung si Pedro ang inatasan ni Jesus bilang ulo ng kongregasyon, bakit kinikilala, o ipinalalagay lang ng kaniyang mga kapananampalataya, na siya’y isang haligi?

Nang isulat ang tungkol sa isang pagkakataong nagpakita ng pagtatangi si Pedro, magalang pero tahasang sinabi ni Pablo: “Harapan kong sinabi sa kanya na mali ang kanyang ginagawa.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Hindi inisip ni Pablo na itinayo ni Kristo ang kaniyang iglesya, o kongregasyon, kay Pedro o sa sinumang di-sakdal na tao. Sa halip, naniniwala siyang si Jesu-Kristo ang pundasyon ng kongregasyon. Para kay Pablo, “ang batong iyon ay si Cristo.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

“IKAW AY PEDRO . . .”​

Kaya paano natin uunawain ang pananalitang: “Ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya”? Para maintindihan nang tama ang isang teksto, kailangan nating basahin ang konteksto nito. Ano ba ang pinag-uusapan nina Jesus at Pedro? Katatanong pa lang ni Jesus sa kaniyang mga alagad: “Para sa inyo, sino ako?” Walang pag-aatubili, sumagot si Pedro: “Kayo po ang Cristo, ang Anak ng Diyos na buhay.” Dahil diyan, pinapurihan ni Jesus si Pedro at saka idinagdag na itatayo niya ang kaniyang “iglesya,” o kongregasyon, sa mas matibay na “bato,” ang isa na sinampalatayanan ni Pedro—si Jesus mismo.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Kaayon nito, maraming “Ama ng Simbahan” ang sumulat na si Kristo ang bato sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.. Halimbawa, noong ikalimang siglo, isinulat ni Augustine: “Sinabi ng Panginoon: ‘Sa ibabaw ng batong-limpak na ito ay itatayo ko ang aking Iglesya,’ dahil sinabi sa kaniya ni Pedro: ‘Ikaw ang Kristo na Anak ng Diyos na buháy.’ Kaya sa batong-limpak na ito, na iyong ipinahayag, ay itatayo ko ang aking Iglesya.” Paulit-ulit na sinabi ni Augustine na “ang Bato (Petra) ay si Kristo.”

Si Augustine at ang iba pa ay ituturing na mga erehe kung hahatulan ayon sa doktrina ng mga Katoliko ngayon. Ang totoo, ayon sa teologong Swiso na si Ulrich Luz, kung ibabatay sa Vatican Council noong 1870, hahatulan bilang erehiya ang nagkakaisang opinyon ng mga iskolar ng Bibliya ngayon tungkol sa paksang ito.

ANG PAPA—KAHALILI NI PEDRO?​

Hindi pamilyar si apostol Pedro sa titulong “papa.” Ang totoo, ginamit ng maraming obispong di-Romano ang titulong ito sa kanilang sarili hanggang noong ikasiyam na siglo. Ngunit bihira itong gamitin bilang opisyal na titulo bago ang huling bahagi ng ika-11 siglo. Bukod diyan, hindi inisip ng unang mga Kristiyano na ang pagiging lider na ipinalalagay na ibinigay kay Pedro ay ipinasa sa sinumang kahalili. Kaya nasabi ng Alemang iskolar na si Martin Hengel na “walang makikitang basehan sa kasaysayan at relihiyon para masabi na ang papa ay may ‘nakahihigit na posisyon.’”

Bilang konklusyon: Si Pedro ba ang kauna-unahang papa? Hinalinhan ba siya? Kaayon ba ng Kasulatan ang doktrinang Katoliko na may nakahihigit na posisyon ang papa? Ang tamang sagot sa lahat ng ito ay hindi. Gayunman, walang alinlangan na talagang itinayo ni Jesus ang kaniyang iglesya, ang kaniyang tunay na kongregasyon, sa kaniyang sarili. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kaya para sa bawat isa sa atin, ang mahalagang tanong ay, Nasumpungan ko na ba ang tunay na kongregasyong iyon?

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.Ang lahat ng pagsipi sa Bibliya sa artikulong ito ay mula sa 2005 Edisyon ng Magandang Balita Biblia.

1658366846801.png

(This image is not mine. All rights reserve. You can search it in Google with this keyword "library of congress lc-dig-pga-03306" then go to Images)

Kung Paano Nagkaroon ng Awtoridad ang Papa​

  • 32 C.E.: Inihula ni Jesus na itatayo niya ang kaniyang iglesya, o kongregasyon, sa kaniyang sarili; hindi binigyan ng nakahihigit na posisyon si apostol Pedro
  • 55-64: Sa mga liham nina apostol Pablo at Pedro, sinabi nilang si Jesus ang tanging pundasyon ng kongregasyong Kristiyano
  • 254-257: Isinulong ni Stephen, obispo ng Roma, ang ideya na nakahihigit siya sa ibang obispo bilang kahalili ni Pedro; ngunit tinutulan ito ng ibang obispo, gaya ni Firmilian ng Cesarea at ni Cyprian ng Cartago
  • 296-304: Unang kilalang inskripsiyon na nagpapatunay sa paggamit ng titulong “papa” para sa obispo ng Roma
  • Ika-5 siglo: Ginamit ng isa pang obispo ng Roma, si Leo I, ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. para patunayan ang kaniyang kahigitan sa iba pang mga obispo
  • Ika-6 na siglo: Naging pamilyar na ang paggamit ng titulong “papa” para sa obispong Romano; pero patuloy na ginamit ng mga obispong di-Romano ang titulong ito sa kanilang sarili hanggang noong ikasiyam na siglo
  • 1075: Ipinahayag ni Gregory VII na ang “papa” ay isang titulo para lamang sa obispo ng Roma; sa kaniyang Dictatus Papae (Deklarasyon ng Papa), ang papado ay naging “parang kahalili ni Kristo,” ayon sa isang istoryador
  • 1870: Ayon sa dekreto ng First Vatican Council, “ang papa ng Roma ang kahalili ni San Pedro, na Prinsipe ng mga Apostol, at ang tunay na Kinatawan ni Kristo, at ang Ulo ng buong Iglesya”
 
Attachments

Lol kalokohan lang yan ng mga nagtatag ng katolisismo
Kung base po sa mga pointers na nasa thread, masasabing hindi nga po totoo ang paniniwalang si Pedro ang unang pope at yung mga pope ng RC ay sumunod sa kaniya. :)

Basta ako direct sa Diyos ang pagsamba ko, wala akong iniisip na ganyan HAHAHA

Ayos po yan sir. Tanong ko lang po, dahil sa direct ka kamo sa pagsamba sa Diyos, alam mo ba kung anong pangalan nung sinasamba mo pong Diyos? :)
 
Kung base po sa mga pointers na nasa thread, masasabing hindi nga po totoo ang paniniwalang si Pedro ang unang pope at yung mga pope ng RC ay sumunod sa kaniya. :)

Ayos po yan sir. Tanong ko lang po, dahil sa direct ka kamo sa pagsamba sa Diyos, alam mo ba kung anong pangalan nung sinasamba mo pong Diyos? :)
YHWH.
Adonai.
El.
Elohim.
Shaddai.
Tzevaot.
Ehyeh.
 
Pinagkakakitaan lang sila ng mga leader nila, sila naman uto-uto. Diyos ang sambahin, hindi ang relihiyon.
Parang ganito din po.
All of the disciples with the exception of Judas Iscariot were each made saints in the Catholic religion. This not only recognizes that these are Holy people, but it also means that Catholics can invoke these saints through prayer to intercede on their behalf.
Ang iba sinasamba sila, bakit hindi nalang direct sa Diyos ang prayers.
 
Catholic din ako, hindi ko sila sinasamba pero I don't disrespect them unlike other religions (yes I'm talking to some INC members na bastos) I gave respect to them (katulad ng pag-respeto sa ibang tao especially when they're good to you) because of the good things they've done when they're alive here on earth. Pero direct akong nag pe-pray sa diyos.
 
Last edited by a moderator:
for me, the opening post just prove that the bible has no intention to implement papacy, but it does not prove that peter is not the founder of catholic religion

however, we can say that it is unlikely for peter to become founder of catholic religion when the bible has no intention to implement such papacy
 
Okay lang naman. Ang hindi ko gets ay saan nanggaling ang pope? Lumitaw sa lupa at nagkaroon ng Roman Catholic church? E diba meron first pope kaya sila meron successor? At saka saan nila ikinuha ang list of successor mismo? Inembento? E ano ang mga tombs na nakalibing na pinipreserve ng Roman Catholic, puros fake?

Ang question is sino ang first pope ng Roman Catholic church kung hindi si Saint Peter ang unang pope?

Hindi ko gets na papaano nag exist ang pope. Baka magic ata noh?

Hindi ko alam kung bakit hindi ako convince. Wala kase disprove o ang nakikita ko is wala ako makitang proof na fake ang list ng successor ng Saint Peter to pope Francis.

Ang ipinapaliwanag lang is about ganyan lang at saka based on bible verse. Pagkatapos wala na. End na.

I want to convince myself na si Saint Peter ang hindi unang pope na inihabili ni Jesus Christ basta ipakita lang sa akin kung sino ang unang pope ng Roman Catholic church na hindi si Saint Peter.

If meron, convince na ako na hindi nga talaga si Saint Peter ang unang pope ng Roman Catholic church. I promise.

Mapapatunayan kase na Saint Peter is not the first pope in Roman Catholic church if maipakita sa akin kung sino ang naging unang pope ng Roman Catholic church.

Hindi naman kase pwede diba na biglang lumitaw ang pope out of nowhere.

Sino ang founder ng ADD? Si Eli Soriano diba? Siya ang una diba? So meron siyang successor. Founder ng Jehova, meron din first at meron din successor. Sa INC ay meron din first pastor up to the last- lahat ay meron. Iyon lang. Impossible na wala as in.

O sige. Huwag na lang pala. Napa curious kase ako kung sino ang first pope ng Catholic dahil sabi nga na Saint Peter is not the first pope.

It seems kase ipinagpipilitan ko ang self ko na magkaroon ng 1st pope as long as hindi si Saint Peter which is I have a feeling na baka hindi rin kayang sagutin.

Huwag na lang.
 
Last edited:
Katoliko din ako pero bakit pa kailangan malaman yung first pope? Mahalaga ba yun. Parang di naman mahalaga kung sino sino yung umupo, kasi tao lang din sila at patay na. 🤣

Ikaw naman paps, kalma ka lang. Pag nagkasakit ka dahil sa mga "successor" na yan di ka nila ipapagamot. Tsaka wag mo pilitin sarili mong maniwala, di naman required. 🤣

YHWH.
Adonai.
El.
Elohim.
Shaddai.
Tzevaot.
Ehyeh.
Napa tahimik sayo si TS, paps. Perfect 10 ka na sa identification. 🤣
 
Last edited:
Katoliko din ako pero bakit pa kailangan malaman yung first pope? Mahalaga ba yun. Parang di naman mahalaga kung sino sino yung umupo, kasi tao lang din sila at patay na. 🤣

Ikaw naman paps, kalma ka lang. Pag nagkasakit ka dahil sa mga "successor" na yan di ka nila ipapagamot. Tsaka wag mo pilitin sarili mong maniwala, di naman required. 🤣

Napa tahimik sayo si TS, paps. Perfect 10 ka na sa identification. 🤣
tama, kaya ang daming may sakit-sakit ngayon humihina immune system sa stress, pano kahit patay na or beyond their control na, pinagtatalunan pa haha
 
Last edited:
Okay lang naman. Ang hindi ko gets ay saan nanggaling ang pope?
it started when Constantine became christian and put so much power to bishop of Rome (promoting christianity)

E ano ang mga tombs na nakalibing na pinipreserve ng Roman Catholic, puros fake?
hindi nila pin-reserve kundi nag tayo sila mismo ng simbahan doon sa grave after the churches have thirst so much to get linked to at least 1 apostle

Ang question is sino ang first pope ng Roman Catholic church kung hindi si Saint Peter ang unang pope?
St Miltiades - First pope after the end of the persecution of Christians through the Edict of Milan (313 AD) issued by Constantine the Great.
 
it started when Constantine became christian and put so much power to bishop of Rome (promoting christianity)

hindi nila pin-reserve kundi nag tayo sila mismo ng simbahan doon sa grave after the churches have thirst so much to get linked to at least 1 apostle

St Miltiades - First pope after the end of the persecution of Christians through the Edict of Milan (313 AD) issued by Constantine the Great.

Kung ganoon, are you trying to say na those list from Saint Peter to pope Francis are fake? Meron kami list from saint Peter to pope Francis. Authentic siya.

But pwede mo siya edisprove kapag meron ka list from St. Miltiades to pope Francis with matching dates kung kailan sila namatay.

Meron kami list dito from Saint Peter to pope Francis but upload mo muna siya dito para makita ng iba.

Pagkatapos sabihin mo sa akin kung saan galing sources na ipinagkuhanan dahil kung galing lang sa inyo iyon o galing lang sa relihiyon niyo, it means hindi siya authentic.

Dapat 100 percent manggagaling sa mismong Catholic church ang sources dahil galing sa kanila iyon.
 
Kung ganoon, are you trying to say na those list from Saint Peter to pope Francis are fake?
yung imbento lang is from peter up to the time of constantine on the grounds of if peter assigned the successor e bakit nagka watak watak ang simbahan after him if meron naman siyang in-appoint na successor niya

Meron kami list from saint Peter to pope Francis. Authentic siya.
authenticated by who? catholic church? hehe

But pwede mo siya edisprove kapag meron ka list from St. Miltiades to pope Francis with matching dates kung kailan sila namatay.
nakakalat lang iyan sa internet, it is a public list even wikipedia has the list

Pagkatapos sabihin mo sa akin kung saan galing sources na ipinagkuhanan dahil kung galing lang sa inyo iyon o galing lang sa relihiyon niyo, it means hindi siya authentic.
napulot ko lang sa tabi-tabi ng internetz hehe

Dapat 100 percent manggagaling sa mismong Catholic church ang sources dahil galing sa kanila iyon.
false itong sa akin wag ka maniwala, niloloko lang kita hehe
 
yung imbento lang is from peter up to the time of constantine on the grounds of if peter assigned the successor e bakit nagka watak watak ang simbahan after him if meron naman siyang in-appoint na successor niya

authenticated by who? catholic church? hehe

Okay. Okay. So ang ibig sabihin na nagsisinungaling nga ang Roman Catholic church mismo. Ang ibig sabihin inembento lang nila. Coming from the word "embento" ang list from papacy.

So meron history of papacy, it means gumawa din sila ng kwento-kwento? Ganun?

Nasa list siya. Number 32 si St. Miltiades.

Ayaw ko kase eresearch. Ang hassle. Ang mga tao na nakakaalam ay explain na lang sa akin kung paano naging first pope si St. Miltiades based on history at kung paano niya itinayo ang simbahan Roman Catholic.

At bakit inembento din at papaano naembento ang the rest ng pope from Saint Peter papunta kay St. Miltiades.

Gusto ko lang ng clear mind and maka gain ng new knowledge sa first pope ng St. Miltiades ng Roman Catholic dahil kung correct ang sinasabi na si St. Miltiades ang unang pope, well, I will conclude na nagsisinungaling nga talaga ang Roman Carholic church for thousand years ago.

Isang beses ko sinilip kung sino ang first pope. Ang lumalabas kase ay Saint Peter. Lumalabas kase siya sa google search pagdating sa history so mas mainam, sa ibang tao na lang din mapakinggan kung ano nangyari na bakit naging first pope si St. Miltiades . Baka nagsisinungaling din kase ang google search haha 😄

Gising na ang mga experts.
 
Last edited:
So meron history of papacy, it means gumawa din sila ng kwento-kwento? Ganun?
papacy is needed during the time of constantine where christianity got support from the government itself by recuiting the emperor mismo hehe, lumalaki na ang christianity and they need coordination between churches kaya since bishop of rome have so much power that time they elevated the bishop of rome to pope

bakit inembento din at papaano naembento ang the rest ng pope from Saint Peter papunta kay St. Miltiades.
para mapa mainstream pa lalo ang christianity a.k.a. catholic need nila ma-link to at least 1 apostle para lumakas pa lalo kaya nagtayo sila ng simbahan sa grave ni peter and they fill in the gap between peter up to constantine with names to inject continuity (solid na solid si christianity) though the idea of papacy already started noong nagka watak watak sila and popes that time have no real power (as they are actually just bishops)

Isang beses ko sinilip kung sino ang first pope. Ang lumalabas kase ay Saint Peter. Lumalabas kase siya sa google search pagdating sa history so mas mainam, saibang tao din. Baka nagsisinungaling din kase ang google search haha 😄
it is because the data you are searching is only consumable to catholic religion, other religions just abstain or just leave no data about it, so what is left is the data from its own consumers
 
Last edited:
Back
Top