Sa israel noong araw bawal sila kumain ng baboy,kamelyo,kabayo,hipon,hito,kanduli marami silang bawal na kainin.
Pagdating ng Panginoon ang aral ni Kristo ganito:
Marcos 7:19 Sapagka't hindi pumapasok sa kaniyang puso, kundi sa kaniyang tiyan, at lumalabas sa dakong daanan ng dumi? Sa salitang ito'y nililinis niya ang lahat ng pagkain.
Sabi ng Panginoon nililinis na ng Dios ang lahat ng pagkain
Anong dahilan?pakibasa ito:
1 Timoteo 4:4 Sapagka't ang bawa't nilalang ng Dios ay mabuti, at walang anomang nararapat na itakuwil, kung tinatanggap na may pagpapasalamat: 5 Sapagka't pinakababanal sa pamamagitan ng salita ng Dios at ng pananalangin.
Ang doktrina sa Kristiyano bago ka lang kumain ay mananalangin ka at yan ay lilinisin ng Dios kahit na yan ay kinu consider na karumaldumal noong una, manalangin kalang sapagkat lahat na nilalang ng Dios mabuti walang nararapat na itakuwil
Sino ba ang gumawa ng baboy,hipon,kabayo, diba ang Dios?
Alam mo kasi sa panahong Kristiyano binago ng Dios ang batas tungkol sa mga pagkain. Yong bawal sa israel, pagdating ni Kristo binago na yon. Pakibasa:
Hebreo 9:10 Palibhasa'y palatuntunan lamang na ukol sa laman, na iniatang hanggang sa panahon ng pagbabago (gaya ng mga pagkain, at mga inumin at sarisaring paglilinis).
Sa panahong israel yong mga iniatang na mga aral noon,hanggang panahon ng pagbabago lang yon. Talagang Pagdating ni Kristo babaguin yon
Pakibasa ang katunayan:
Hebreo 8:13 Doon sa sinasabi niya, Isang bagong tipan, ay linuma niya ang una. Datapuwa't ang nagiging luma at tumatanda ay malapit ng lumipas.
Sa bagong tipan yong mga dating karumaldumal sa israel
Sa panahong Kristiyano mayroong sinabi si Kristo,nililinis niya ang lahat ng pagkain tapos kailangan lan bago ka kumain manalangin ka at yong pagkain na yon lilinisin ng salita ng Dios ng kapangyarihan ng Dios sa pamamagitan ng panalangin
Kaya kailangan bago ka kumain kahit baboy kahit hipon kahit hito bawal kasi yan sa israel manalangin kalang pasalamatan mo sa Dios pabindisyonan mo sa Dios at hindi mo ikakasama yan
Yan ang sabi ng bagong tipan
The Bible Reader
basahin mo po sa Mate 15:1-16 anjan po ang kasaguta na Marcos 7:19 hindi po baboy ang tinutokoy jan kundi kinaugalian paghuhugas ng kamay
1 Timoteo 4:4 kong ng backread po sana kayo may sagot din ako dito.tama naman po lahat ng nilalang ng Dios ay mabuti.bato buhangin ipis dagang kanal etc lahat yan nilalang ng Dios tao nilalang din ng Dios lahat po ba yan kakain kayo Frustrated Burger ?
alam ba ninyo na ang Hebreo walang author?may ibang mga iskolar mangangaral na kristian gusto tangalin sa biblia ang Hebreo.magka ganoon paman wala din pong batayan sa mga talata na iyan na pwede na kainin ang baboy. atsaka pansinin mo to
Hebreo 8:13 Doon sa sinasabi niya, Isang bagong tipan, ay linuma niya ang una. Datapuwa't ang nagiging luma at tumatanda ay malapit ng lumipas.
versus
Mateo 5:17
Huwag ninyong akalain napareto ako. Upang pawalang bisa ang kautusan at aral ng mga propeta naparito ako hindi upang pawalang bisa kundi para ipaliwanag at ganapin ang mga iyon