"selos"
Gahaman ang puso ko sa atensyon mo
Bagamat di maalis itong pangamba ko
Ang biglang mag-isip at napagtanto
Sa tuwing may kausap ka'y naiirita ako
Nagagambala itong isipan ko
Kung ano ang mga pinag-uusapan niyo
Ngunit para hindi na lumala
Mas ninais kong wag nang mag-abala
Alam ko namang balewala ito sayo
Ang mga hinaing nitong damdamin ko
Siguro nga'y masaya ka sa iba
Ang makausap mo ako'y walang gana
Masama siguro ako dahil sa pagkaGanid ko
Ang Ganid na dulot ng pag-aasam ko sayo
Ang Ganid na gusto ko akin ka lang
Pero ang Ganid din pala, saki'y manlilinlang
Gumon ako sa isang katulad mo
Gumon sa lahat ng sinasabi mo
Ang makausap ka sa oras na hanap ko
Ngayon nga ba'y tila naglalaho
Spoiler contents are visible only to Established Members.
Mad`ThePoetMotivator~