SABAW MOMENTS SA JEEP

Mind Palace

Elite
Joined
Sep 11, 2020
Posts
1,136
Reaction
321
Ano mga sabaw moment niyo sa jeep? Share niyo naman. HAHAHAHAHA!

Naalala ko lang dati nung minsan akong sumakay sa jeep. May isang lalake na sumakay galing palengke, kakapamalengke niya lang siguro, siyempre, kada pinuntahan niyang tindahan, ang sinasabi niya, "Pabili". So, ayun, pagsakay niya sa jeep, pag-abot niya ng bayad, sabi niya,

"Pabili po."

Laughtrip eh. Hahahaha!

Hirap kaya ng hindi ka tatawa kasi hindi mo naman kakilala yung tao. Hahahahaha!

😆😆😆
 

ImAlone

Elite
3 years na ata to nung gumala kami ng barkada para mag sky viewing tas hindi pa naman full yung jeep pero actually di sya jeep pero parang jeep ayh basta. So sumakay yung babae tapos naka work attire tapos ang sê×ÿ so ayun pag upo nya napa upo sya sa akin tapos dali dali akong umatras para may space sya ma upu pero di man lang sya nag sorry or excuse and baka seguro pagod sya pero still magkatabi kami idk if intended ba yun pero sana nga mangyari pa ulit yun HAHAHA
 

Phc_Mared08

Forum Guru
Ako ngyare saken date yung pagod na pagod kana tapos habang paidlip idlip na nakasabit kamay ko tapos nakabitaw ako at nahampas ko yung katabi ko hahaha gulat din siya babae pa naman sorry nalang ako e 🤣 ..panaginip ko kasi nahulog ako sa bangin nun e 😂
 
Ako naman nung minsan sumakay ako ng Jeep may nakita ako kakilala ko.. buo sa isip ko na sya yun.. kaya binati ko at kinumusta.. tapos sabi sakin, sino ka? Ako to hindi mo nako nakikilala sabi ko naman.. hindi kita kilala.. kanino kabang anak sabi naman nya... Hahaha.. tapos bandang huli na tauhan ako na hindi pala yun yung kakilala ko kamukha lang... grabe hiyang hiya ako nun.. ang lakas pa naman ng boses nya, rinig na rinig nung lahat ng nakasakay sa Jeep.. hahaha share ko lang.
 
😂 Nalimutan ko magbayad naalala ko lang nung bumaba nako ng jeep, ewan ko tanda ko marami lang ako iniisip noon, OJT pako, may problema sa bahay, mga project and thesis sa school 😅
 
Top