What's new
Status
Not open for further replies.

madpro

Forum Guru
Joined
Apr 1, 2016
Posts
2,463
Reaction
1,834
Points
1,146
39eae01cd628da5607cc38a91f9e9af6--epic-quotes-quotes-quotes.jpg





"Sa tingin ko"
(Puso)



Sa tingin ko ika'y isang ALITUNTUNIN
Hindi matiwasay ang buhay ko kung di kita sundin
Kahit anong pilit kontrahin ng isip
Di ka pa rin papatinag kahit pa saglit

Para bang ikaw ang DAGITAB ng aking katawan
Binubuhay mo bawat parte at kalamnan
Binigyan mo ng di maipaliwanag na dahilan
Kaya heto ngayon di ko kayang magpanggap

Bakit nga ba GAHAMAN ang iyong ugali?
Sa tuwing iiral ka at ako'y pinapangiti
Di ko man gusto at nais nang tumanggi
Kaya't heto ako ngayon nanggagalaiti

Nais kitang pagbigyan sa HIDHID mong pag-uugali
Subalit natatakot ako na baka ika'y di magwagi
Pagkat alam ko kung paano masaktan
At di ko ito sayo ipaparanas kailanman

KAANIB ka na ng buhay ko
Kung kaya't pakiusap ko lang sayo
Marahan na sana'y di ka pabigla-bigla
Nang di masaktan tayong dal'wa







ALITUNTUNIN - rules
DAGITAB - electricity
GAHAMAN - greedy
HIDHID - selfish person
KAANIB - member







Hello guys. meron akong ginawang banner group hopefuly
makabisita kayo.


https://phcorner.net/forums/poetry-blogs.291/


PSX_20171204_195904.jpg
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top