What's new

Closed "sa isip ko'y yakap ka pa"

Status
Not open for further replies.

madpro

Forum Guru
Joined
Apr 1, 2016
Posts
2,463
Reaction
1,834
Points
1,146
anime_quotes.jpg


"Sa isip ko'y yakap ka pa"




Madalas, napapaisip ako kung ano bang mali
Para maranasan, ang mga bagay na masakit
Kung minsan, madalas ko na ikubli
Subalit, kahit anong tago ganun pa rin kasakit

Siguro nga, kakambal na ng pag-ibig ang sakit
Kung san may tamis, siya rin ang pait
Imposible na nga siguro, mawala pa ang ganito
Hindi maitatago, maging ang anino mo

Wala akong pagsisisi, anuman ang nangyari
Bukod sa minahal kita, lahat ng hindi ay nagawa ko na
Matamis mong OO, ang nagpabago sa lahat ng negatibo
Ang dating bugnutin kong isip, ngayon aktibo

Binuhay ako ng yakap mo, mula sa bangongot ng nakaraan ko
Ginigising ako ng pag-ibig mo, sa bawat pagdampi nito
Kinukumpleto mo ang araw ko, sa tuwing kukulangin ako
Ni hindi ka mawala sa gunita ko, simula pa nong naging tayo

pero ngayon bakit malabo na? sa pamamalagi sa aking mata
dating tayo ba'y naglaho na talaga? di gaya ng dating meron pa
nakikiusap, umaasa, muling bumalik dating pag-asa
maaari bang manatili ka pa? dahil di ko kakayanin ang mag-isa

sa tuwina, ala-ala ka kahit alam ko na wala ka na
araw-araw napapanaginip ka pa, na sa paggising imposibleng magawa
Kung kaya't hanggang ngayon, di ko malimot-limot ka
Dahil alam ko, sa isip ko'y yakap ka pa


-Madpro

Contributor: msstar

 
Last edited:
sus, iniisip ka rin nun. baka nga hindi yun mapakali eh :) hahaha. anyways, yung kahusayan nyo po sa pagsulat nag-uumapaw :) ang ganda!
 
Last edited by a moderator:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top