Marahil ginagawang katatawanan si Robin Padilla ngayon dahil sa toxic nang social media, I voted for both of them pero tingnan nyo sana ang adhikain at plataporma ni Padilla in a serious way, nagpapakita sya nang malasakit at kagustuhang tumulong sa bansa. Kung titingin lang tayo sa kakanyanan at itelektwal na abilidad ay si Chel ang mas lyamado. Nanghihinayang lang akong hindi sya nanalo, sayang. . Nagtataka lang ako sa mga nanlalait na to kung anong sinabi nila nuong naluklok itong si Lito lapid sa senado; nilait ba sya nang husto tulad nang panlalait at panghuhusga kay robin padilla na di nga nakakasimulang mag trabaho?, dumako naman tayo sa bansa nang ukraine na si Volodymyr Zelensky, meron syang degree in law pero tinigil nya ang pag practice neto lumipat sa pagiging komedyante nang matagal na panahon pero tinitingala sya nang buong mundo. Marahil makikita natin dito na kung may tunay kang pagmamalasakit sa bansa mo, magagawa mo ang kahit ano.
Ang Kinasusuka ko sa Pumasok nang Magic 12 ay si Jinggoy Estrada, Literal na nakita na nang mga pilipinong Nakulong at nahatulan ito pero naluklok padin sa senado, nakakadismaya talaga.
Dapat talagang pagtibayin ang ating batas at wag nang hayaang makatakbo pa itong mga buwayang ito sa ating gobyerno.