What's new

RIGHT OF WAY PWEDE BANG BAKURAN?

skadoosh_29

Eternal Poster
Established
Joined
Jun 24, 2018
Posts
754
Reaction
427
Points
375
Age
25
mga lods dapat ba or may karapatan ba ang isang tao na lagyan o patayuan ng bakod ang isang daanan ng tao?
ang rason daw ay matagal na daw itong may bakod ngunit nagkaroon na ng assosasyon ang lugar at lahat ng tao ay nakabili na ng lupa doon?

ano pwede ikaso dito mga sir/maam salamat
 
mas maige siguro paps kung ilapit mo muna sa barangay yung problem mo para malaman o mapayuhan kayo kung ano ang dapat na ikaso,
 
kung titulado at napaghahatian na ang lupa at nakasaad dun yung right of way ay pwedeng ipatangal yung bakod at kung yan lang tanging daan palabas ng mga tao sa loob, pero dapat nabayaran din ng assosasyon yan na right of way.
 
paassist ka sa barangay, baka ikay manuesca 🤭
 
Dito sa amin bawal. Ung paglagay nga ng terrace na may hagdan sa labas na daanan ng tao hindi pwede. Pag mamay ari na ng gobyerno kasi ung daanan ng tao.

____ <<<-- daanan nang tao na balak lagyan ng terrace
llllllllllll <<<-- bahay namin
 
Last edited:
Kung may right of the way daw hindi mo pwede harangan yun, nagpaassist kami sa baranggay tungkol dyan dati
-nanay ko 😅
 
dipindi kasi yan kung na bili na nila ang right of way at may titulo na wla kanang magagawa.
 
Ang isang right of way ay grina-grant lang yan kung wala talagang madaanan palabas ang mga tao mula sa kanilang mga bahay pero kung may daanan naman at ito nga lang ay malayo ang tatahakin o ibang way na ang lalabasan eh ipagpapalagay ng batas na may daanan kayo at wala kayong magagawa. Hindi kayo mapapayagan ng anumang batas 🙄, unless kung mapapayag niyo yung may ari ng kalupaan na iyon either libre or bayaran niyo. Mostly babayaran yan pag pumayag ang may ari ng kalupaan 😳.
 
Last edited:
Ang isang right of way ay grina-grant lang yan kung wala talagang madaanan palabas ang mga tao mula sa kanilang mga bahay pero kung may daanan naman at ito nga lang ay malayo ang tatahakin o ibang way na ang lalabasan eh ipagpapalagay ng batas na may daanan kayo at wala kayong magagawa. Hindi kayo mapapayagan ng anumang batas 🙄, unless kung mapapayag niyo yung may ari ng kalupaan na iyon either libre or bayaran niyo. Mostly babayaran yan pag pumayag ang may ari ng kalupaan 😳.
usually iskinita to, one way dadaan ka sa papasukan mo lalabas karin sa dinaanan mo ganto yung sitwasyon dito
 
Like i said if it was only way na dadaanan niyo at wala talagang madaanan eh may karapatan kayo na ilakad yan sa korte para i-petisyon yung land owner ng daanan, nang sa ganun ay mapwersa ang may ari na ibenta niya na lang yung daanan na yun pero pag may pwede pang daanan eh wala kayo magagawa diyan kundi ihiling sa may ari na ibenta na lang niya sa inyo, pero if di pumayag eh no choice po.
 
Idol simple lang kung wala sila titulo para dyan kasuhan nyo kahit may available pa kayo na ibang daanan pero kung may titulo sya at wala kayong ibang daanan unang paguusapan sa barangay yan si barangay magrerefer/magaassist kung dapat ba umakyat sa korte ang concern nyo usually may bibigay silang referral dyan.
 
Though matagal na itong issue, mas mainam na malaman yung kabuuan at detalye ng ating karapatan at ng may-ari sa ganitong mga kaso.
1. Ang isang "right of way" na annotated na sa isang titulo ay hindi pwedeng harangin ng may-ari ng lupa dahil yan ay binigyan na ng grant ng gobyerno sa nag-request nyan. Kung ang "right of way" ay wala pa sa "title" pwede yang harangin ng may-ari ng lupa kahit pa matagal na ginagamit. Sila kasi yung may authority dyan sa ayaw man natin o gusto. Kung hindi sila yung may-ari ng lupa, pwede ninyong alisin yung harang.
2. Ang unang paraan ay iapela yan sa barangay para sila yung maging mediator sa inyong hinaing sa may-ari. Ang pag-asa lang dyan ay makumbinsi yung may-ari na pagbigyan kayo gamit ang isang kasunduan. Hanggang doon lang yung gamit nyan. Kahit pa dumaan yan sa impluwensiya ng mayor at gobernador, nasa desisyon pa rin ng may-ari kung papayag silang ibalik yung "right of way" o hindi. Karapatan nila kasi yon.
3. Ang huling paraan lamang para mabigyan tayo ng ating karapatan ayon sa Art. 649 ng ating Civil Code ay sa pamamagitan ng pag-request sa korte - but with a catch. Sakali mang manalo kayo, mapipilitan na yung may-ari na magbigay ng "right of way" na permanent o hindi, at hingan kayo ng "property indemnity" na kabayaran sa may-ari ng lupa. Hindi po yan libre. Kalimitan ay "permanent" passage out of necessity (like a public access/road) yung dahilan kaya magbabayag kayo ng halaga ng lupang daraanan (assessors' value) plus yung "damages" sa may-ari kung meron man. Babayaran nyo rin yung property tax nyan taun-taon at pag-maintain sa daan. Parang binili nyo yung lupa, pero sa may-ari pa rin yon. Annotated yan sa titulo ng may-ari na "right of way" na granted ng batas sa nag-request para maging basehan sa future transactions ng lupa ng may-ari. "Rights" lang kasi yung pinahintulot sa inyo ng batas. Ngayon, kung ayaw mong gamitin na yung "right of way", pwede mong ipawalang-bisa yan kung gusto ninyo para makuha muli yung (eksaktong) ibinayad nyo sa may-ari - hindi kasali yung tax, interests at damages. Hanggang dyan lang yung kayang ibigay sa inyo ng batas. Kaya pwede na muling ipasarado ng may-ari yung daan.
Mahirap tanggapin pero yan po yung totoo kaya karamihan sa ganitong kaso ay nakasandal na lang sa pag-asang mapagbigyan ng kusang-loob o kasunduan, o kaya'y maghanap na lang ng ibang daraanan.
 
May tanong lang po ako.Paano po kung may kasulatan sila sa right of way na pinapayagan sila dumaan dun .
Ngaun po yun mga dumadaan sa right of way gusto nila pabakudan.pero yun katabi bahay ay 1 ruler na lampas yun pader nila.may karapatan po ba yun dumadaan sa right of way na ipagiba yun pader na lumampas o mas may karapatan pa din tunay na may ari.
 
May tanong lang po ako.Paano po kung may kasulatan sila sa right of way na pinapayagan sila dumaan dun .
Ngaun po yun mga dumadaan sa right of way gusto nila pabakudan.pero yun katabi bahay ay 1 ruler na lampas yun pader nila.may karapatan po ba yun dumadaan sa right of way na ipagiba yun pader na lumampas o mas may karapatan pa din tunay na may ari.
Una sa lahat, ang may-ari ng lupa ang may karaparatan sa lahat sa "right-of way" area - wala ng iba pa unless government owned yan. Sila kasi ang may titulo ng lupa kahit pa bayaran mo yan sa kanila para lang makadaan sa kasulatan. Kanila pa rin yon. Yung right-of-way ay isang espasyo at pagpapatunay lamang na "nagpapadaan" yung may-ari sa "kanyang" lupa sa publiko o kung kanino man. Ang espasyong yon ay para lang sa "right of way" at wala ng iba. Yung mga ibang taong pumirma sa kasulatan ay walang pagmamay-ari sa lupa, ano pa kaya yung mga dumadaan lamang. Anuman ang labas dyan sa kasunduan ay nasa poder na ng may-ari kung ano ang gagawin. Ang karapatan ninyo lang ay mag-petition sa may-ari o basbas ng may-ari ng lupa para idaan sa iba pang proseso para makapag-desisyon kung ano yung mga hakbang na pwede gawin dyan. Maliwanag ba?
 
Last edited:
Panu Po if Hindi sakop ng lupa nila Ang right of way. Labas na sa lupa nila right of way dw Po Kasi nila un kaya gagawin nilang drive way nila haya babakuran po pero ung part na yun is government property Po?
 
Panu Po if Hindi sakop ng lupa nila Ang right of way. Labas na sa lupa nila right of way dw Po Kasi nila un kaya gagawin nilang drive way nila haya babakuran po pero ung part na yun is government property Po?
Assuming hindi sila ang may-ari, wala silang karapatan doon sa lupa siyempre dahil sa gobyerno kasi yon. Maliwanag naman yung sinabi mo.
Right of way is for public use, not for private use. he he. May mali doon sa ginagawa ng taong binanggit mo. Kapag ganyan na ang usapin, punta kayo sa barangay at magpatulong sa munisipyo para maklaro yung right of way issue. Doon makikita kung saan naka-deklara yung lugar ng right of way ng sinasabi mong lupa o baka sabi-sabi lang niya.
Dyan ninyo malalaman yung legality ng claims nya. Kapag ang right of way ay legal or compulsory na naging pag-aari na ng gobyerno, kahit pa magmatigas yung may-ari, for public use yan talaga. Wala na kasi sa titulo nya yung right of way area - tulad ng highways/streets. Pero kung ang right of way ay voluntary, may karapatan yung may-ari na makipag-negosasyon para mawala yung right of way. Hanggang doon lang ang kaya niyang gawin, hindi yung isasarado o pipigilan ang taong huwag dumaan. Kung walang pag-uusap o kasulatan na yung sinasabi mong right of way ay gagawing private driveway, may karapatan yung katabing mga lupa na umangal sa kanya dahil mali yung ginagawa niya ayon sa batas. Sila yung concerned party, hindi yung mga dumadaan. Yan yung catch. Linawin nyo muna para malaman ninyo yung katotohanan.
Basahin nyo muna yung Art. 649 ng Civil Code of the Philippines para maliwanagan kayo. Madali namang intindihin yan.
 

Similar threads

Back
Top