[XX='Inevitable3000, c: 939239, m: 1484625'][/XX]
Lol kaya siya binoto ng tao kasi gusto ng tao ng pag babago and Duterte promised changed kahit ako di pa ko botante noon pero nadala ko, I was rooting for him na dapat siya manalo just for the sake of change, everyone was craving for change at sa lahat ng kandidato si Duterte ang focus niya ay yung pag babago, ano campaign slogan noon ni Duterte? diba "Change is Coming". Kaya madaming na dalang tao kahit yung mga di nakakakilala sa kanya, isa na rin ako dun, pero noon yun.
Kasi wala naman pala siyang pinag kaiba sa ibang kandidato na puro pangako, Noon ang yabang yabang pa niya na pag di nilubayan ng China ang WPS mag jejetski siya sa spratlys, 3-6 months wala na daw droga, yung traffic wala din naman nangyari, yung corruption wala din siya nagawa, siya na mismo nag sabi na di niya kaya yung corruption at nag drama pa siya na mag reresign siya dahil sa corruption diba, Ano pa? ending criminalities daw, pero ano nangyayari ngayon? pulis na mismo pumapatay! Ending political dynasties? nagawa niya ba? ulol!
Kaya siya binoto noon kasi ang dami niyang magagandang pangako, napakasarap sa tenga, pero hanggang pangako lang naman pala!
Yung pag handle pa nga lang niya sa Covid-19 eh walang wala, na talo pa tayo ng mas mahirap na bansa satin na nag ka vaccine, longest lock down pa tayo, tapos ngayon tumataas nanaman yung covid cases, ganyan ba ang maayos na pag handle?
And btw, di ako katulad ng tao na nag hihintay ng ayuda sa gobyreno, pero madaming nakakaawang tao, mga mahihirap at isang kahid isang tuka lang at araw araw mas lalong na babaon sa hirap dahil sa di maayos na pag tugon ng gobyerno sa pandemic na to.
Kung ikukumpara siya sa lahat ng kandidato noon Duterte was like a breath of fresh air. Kasi sino ba naman ang ayaw ng pagbabago sa bulok na sistema ng bansa natin? Diba lahat tayo gustong ng malawakang pagbabago. That is one of the core reason why he won the election.