What's new

RATINGS NG PRESIDENTE DUTERTE

para sa aking ang ibibigay ko na grado kay duterte bilang presidente ng pinas is 3/10.
hindi ko talaga na gets e kung paano sya nanalo... btw hindi ako dilawan ha.. sadyang mahal ko lang ang pilipinas.. ang daming namatay na inosenti sa termino nya.. ang pnp nagkada leche2 na... mas ok pa si isko or manny pacuiao mg presidente.. si sara duterte pwde nmn sya mag congresswoman muna tska na sya mag senador... bagsak talaga ang serbisyo duterte. tagal nmn ng 2022.
 
Ano naman po masasabi mo dun sa mga nagpositibo na pulis sa time ni Duterte ? Kasalanan din ba ng dilawan yun ? 😭
 
May point ka fintaztix, kaso, walang score. Anyare ngayon? Mas lalong lumala. Mga basura pa mga naka-appoint ngayon sa gobyerno, puro protocols violators, kapag mahirap ka na naka-vilate sa protocols, kulong ka, kapag may kapangyarihan o mayaman naman, pyansa lang. Basurang administrasyon. Atsaka ang daming issue ngayon na involve ang kapulisan. Kawawa yung mga matitino na nadadawit. Vote wisely sa 2022, sa mga enabler dyan, sana hindi niyo madanas yung maling pag-trato sa inyo taong mahihirap at hindi kayo malamangan.
 
Kanino bang issue ang Yolanda?
-------------------------------
When did Yolanda happen?
3 November 2013 – 11 November 2013
Typhoon Haiyan/Dates
-------------------------------
Panahon pa ni Panot yan ahh.
 
[XX='KingOfAll, c: 956555, m: 1806443'][/XX] talagang palpak sila nung yolanda, kaya nga yung funds eh nilipat na lang sa Marawi Rehabilitation pero bakit parang kayong mga DDS eh di nag iingay tungkol sa Marawi Rehabilitation ? Ah kasi masisira poon niyo. T@nginang mga uto-uto, kaya nga tayo binigyan ng kanya kanyang utak para mag-isip para sa sarili natin at hindi maging sunudsunoran sa mga kurap na pulitiko na yan
 
Halos lahat ng naging presidente ng pilipinas ay sobrang talino kaso yung katalinuhan nila ginagamit nila sa pagnanakaw sa pinas. Halos lahat ng umupo nagpayaman sa pwesto. Di nila ginamit nila ang talino para paunlarin ang pinas kundi kung panu makakulimbat sa government. Wala na ang love for the country. Love for the money na.
 
1616517512654.png
 

Attachments

...at sa mga intsik pa umutang... kung saan may gusot tayo sa teritoryo... 🤦‍♂️
decision making skills lvl. 999999999 talaga e no...
 
[XX='Ooooooooo, c: 939326, m: 1757659'][/XX]

Ihayag ko lang ang asking pananaw sa ilang ipinunto mo boss. Hindi ako makaduterte lalong hindi dilawan pero hanggat kaya sinusubukan Kong tingnan ang mga kaganapan.

Nangako siya dahil naayos niya ang Davao at umasa siguro na kakayanin niya ang pagaayos sa bansa. Pagbabago din ang hinangad ko. Kumabaga sa lahat ng kandidato noon lesser evil na lang ang naging choice ko. Dahil sawa na Kong magcommute ng 8hrs. 4hrs pa manila at 4 hrs pabalik. At kung ano ano pa.

Pero sa lahat ng minana niya, gaano ba ang kakayanin kung ang problem ay sobrang lala na pala. Ung laban sa droga ginawan ng paraan kahit sobrang kamay na bakal na nga ginamit. Pero nakita niyo ba na kahit may laban na malakas pa rin talaga ang loob na kung saan saan tinatago at tonelada pa maipuslit lang papasok dito sa tin. Ibig sabihin ganun na kalala ang problem natin at ganun din kalakas ang loob ng mga nasa likod nian sa sigurado alam na natin dahilan. Ung traffic, wala namang pumansin sa mga nagdaang administration. Hindi rin naman nagkakaisa ang mga local government. Kita lang yan ng bawat local. Siyempre wala ng review review basta makapagrehistro lang. Wala ring audit audit basta makapagbigay lang ng business permit kahit walang parking. Kita kasi ng local yan. Dun palang sa parking papunta na sa problema ng traffic.

Ung corruption ay sakit na hindi kakayanin sa loob ng 5 taon. At dahil alam ng mga nakaupo na hindi solido ang anumang program a meron dyan dahil may mga luma pa rin naman na ang gusto lang ay makina ang sa laban ng ba yan at kapangyarihan. Pero kung titingnan mo basta magkaron ng pagkakataon, trapo man yan o hindi magnanakaw pa rin. Bakit? Dahil padripadrino lang yan at saka hindi naman nagkakaisa lahat ng nasa sangay ng gobyerno na labanan yan. At iba Ibang partido ang nakaupo mula sa baba hanggang sa taas. Lahat naman ng nasalang sa imbestigasyon na may corruption bilang lang ang nakakulong. Pero ang tanong, me narecover man lang ba na corrupted money? Kung meron asan na.

Totoong may mga lapses. Pero sa panahon ng pandemya nakita rin naman natin ang totoong kulay ng mga nakaupo magmula sa baba. Kahit sabihin ng Pangulo na ibigay ang ayuda sa lahat, hindi naman niya kaya isaisahin na siya mismo ang gumawa para mabigyan kada Pilipino. Ika nga ng iba maswerte pa rin na matatawag dahil sa Pilipinas may ayuda pero sa Ibang bansa kahit 1st World pa e wala.

Ung Covid, me Mali din naman sa approach sa pananaw ko lumabas parang trial and error na nangyari. Pero mas madaling humusga para sa tin. Gawain ko rin yan. Pero hindi naman talaga madali dahil hindi mo kita ang kalaban natin. Yun nga lang aminin na nating kapawa din natin ang may problema. Kung eto na nga ang nararanasan natin magiintay pa ba ng bakal na kamay. Dapat sinunod na din ng mga kababayan natin ang tamang protocol. Sa Sarili din natin dapat magsimula. Alam ng mahirap ang lock down dahil ilang negosyo na ang nagsara at naranasan na natin ang walang suweldo o trabaho pero nung napagbigyan unti unting bumalik balik na naman sa ka walang disiplina ang mga tao.

Kalamidad to at pandemya. Kaya nga rin may mga sangay ng gobyerno mula sa baba para sila mismo magtrabaho. Pero dahil kinasanayan na petiks na lang sasahod naman eto na pala natin.

Ung usapin ng ABS focus na lang na dahil hindi sila close kay Duterte. Pero ang pinakaisyu ay dahil paso na ang franchise. Pero may pagkakataon na irenew sa panahon kung kailan close sila sa dating gobyerno pero bakit nga hindi ginawa. Kasi nagkaron ng lamat.

Meron bang nakapagreport at gumawa ng paraan na may nakapasok at sobra na palang nakapag-establish ang ISIS sa Mindanao?

Sino ba ang nagpabaya sa mga LRT at MRT na kung tutuusin e si Marcos naman ang nagsimula. Ginawa na nga pinabayaan pa. Pati ung mga kalsada nating puro potholes dahil din sa kapabayaan.

Dekada na ang kawalang disiplina ng mga Pilipino at mga tao sa gobyerno. Hindi enough ang 5 o 6 yrs para ituwid o solusyunan lahat yan.

Ung sa China hindi ko rin maintindihan bakit ganun ang approach natin. Pero may nakapagsabi sa kin, na isang dahilan daw e kung ipipilit natin ang marahas kaya tayo nagpapakumbaba e sa oras na magdeklara ang China ng laban sa Pilipinas ano nga ba ang laban natin ngaun? Kung titingnan walang pagkakaisa ang Pilipino sa mga panahon ngaun. Sa ayuda at vaccine nga lang paunahan pa. Pero ung mga taong tagong nakipagmeeting daw dati sa China at kabilang "kuno" sa nagbenta ng Spratly, may nangyari ba. Wala rin. Pero nagiingay na naman sila.

Ang problema ngaun sa tingin ko, hindi nga ba makahanap ng tamang tao sa bawat sangay ng gobyerno na totoong malasakit at fully equipped sa ahensyang pagsisilbihan. Ang isa pang problema, nagbabalik na naman ang mga trapo sa Ibang mukha.

Kailangan nating simulan sa baba. Sabi nga ng ilan, un 500 to 1,000 tuwing election nagsasaya na ang mga botante. Pero ung 6,000 to 8,000 na ayuda nagreklamo pa. Kahit sinong iluklok sa taas kung hindi rin tutulong at magmamalasakit sa baba pa lang hindi rin aabot sa tin ang grasya at Di rin tayo makikinabang.
 
pabili nga ng popcorn mga papsie... :D

watch mode na lang ako... yoko na sumali... wala naman atang magaling na presidente sa atin kahit noon pa... may positive side, may negative side.... si joma sison nalang kaya ilagay bilang presidente.. malamang matatahimik mga aktibista.... :p..
 
[XX='cristhe******, c: 956333, m: 427943'][/XX] mahirap talaga baguhin ang bulok na systema sa pilipinas. Pero atleast papaanu may nagbago sa pamumuno ni duterte. Real talk di naman talaga kakayanin ng kahit sinung pangulo baguhin ang mga maling system. It takes a Lot of Time and Efforts.
 
Ang usapin ng problema na Pilipinas ay matagal na. Sobra pa sa 1 dekada. I don't know how old ang range ng mga engaged people sa forum na to. Pero isa lang ang masasabi ko. I've read/heard un mga "bata" sa news or social media na nagsasabi ng opinyon about the how bad are these era to this or that pero never experienced talaga those past times.

It's true that hindi naman talaga mag-away away ang mga Pilipino. I've seen kung pano nagevolve ang paglalabas ng opinyon. Isa lang ang totoo ngaun sa Pilipinas. Filipinos nowadays lack respect and discipline. From old to young. And it's because naging mali ang interpretation ng democracy. Pero kailangan pa rin ng respeto. At disiplina.

Ung simpleng pagsunod sa batas trapiko at pagtatapon ng basura hindi kaya pano pa ang mas mabigat jan. Pero dahil me mga nagjujustify e okay na lang. Ang kinakaharap na problema ng Pilipinas ay masyadong malalim ang pagkakaugat. Sana lang ung mga susunod pang generation matutong magweigh ng tama.

Huwag magpadala sa isa o dalawang usapin na sinasakyan ng mga politiko. Dahil emotions ng Pilipino ang tinitira nila. Simpatiya ika nga. Para sa susunod na election dahil matatabunan ang mga taon na nagkamali at pagkakamali. Kailangan pa ring asikasuhin ang ibang aspeto ng ating bansa. Ang usapin ng presyo ng bilihin, ang problema sa "pambubully" ng China, ang corruption, ang usapin ng drugs (na balik na naman), ang tumataas na namang usapin ng nakawan, patayan, edukasyon, trabahong lokal, ang mga OFW sa ibang bansa, etc. Hindi yan kakayanin ng isang tao lang. Kailangang gumalaw lahat sa baba at dapat magkaisa. Kung iisa lang siguro ang goal ng mga nasa gobyerno posible pa. Pero iba iba sila ng pinaglalaban at party. Tingnan niyo kung gano na sila katagal nakaupo at ano nga bang nagawa nilang mabuti habang sila ang mga nasa posisyon. Kung makapagreact parang naranasan nila ang makipaghabulan sa sakayan kapag uwian, nawalan ng trabaho at nagugutom kapag ECQ, MECQ at kung ano ano pa (gulo rin e me bubbles pa!). E sila un may malalaking savings sa bangko at dahil matagal ng nakikinabang sa pagkakaupo sa gobyerno. Alalahanin niyo, karamihan sa mga yan hindi naman pera nila ang ginagastos. Galing pa rin yan sa pondo ng gobyerno at sa pawis ng mga nagcocontribute jan. Nagbabayad ba sila ng tax? Wala lang. Bigla ko lang naalala.
 
Sweeping statements about infra projects mejo wrong. High rise buildings? Eh?

With regards to why binoto.
Sa provinces kasi papi yung build3 is creating farm to market roads and paving way for access to the mountainous brgys. Yung bridges na tinatayo ngayon may tubig na sa ilalim, Dagat pa nga. Pre pandemic mabilis ang trabaho 24/7 shifting schedule b4 this admin bubungkalin ang kalsada tapos iiwan lng till next election tsaka gagawin. Parusa sa tao ang previous galawan ng past admins. Laking tulong sa maliit na tao ang kalsada because these infras alleviate people's lives. Your ideologies won't feed the hungry or help them on their daily lives kaya iboboto nila ang mag hahatid sa kanila malapit sa ikabubuhay nila. Kahit dirt road pa ang ipagawa nya malaking tulong yan kay Juan.
 
Spot on about emotions 😅. A lot of people here can't seem to identify what's true or impossible. Daming comments naniwala sila kay duts b4 but not anymore kasi naloko daw sila. Uhmmn something is fundamentally wrong with you if you honestly believed he could fix the Philippines in a short amount of time. Parang naniniwala sila sa unicorns. Nagoyo kayo ni duts? How sad.
Executive si duts congress ang gumagawa ng laws. Old laws new executor eh same old same old problems will crop up.

I'll add my example nmn. Sa grocery inutusan ako ng nanay ko mauna sa counter may hanapin lang siya. A lola and her apo (siguro) was b4 me. They were improperly wearing masks nasa chin nila both tapos they were making chismis. Inubo yung teenager na kasama nya eh d ang takot ko. I was already social distancing pero ang atras ko sobrang layo. The lola saw me do that. She lambasted me na wala silang sakit. Technically sila ang may kasalanan for not properly wearing a mask. Nakita kami ng nanay ko umalis kami d na nabayaran yung pinamili sana nmin lumipat kami ng grocery 😅.
 
Back
Top