What's new

Just so You know: Kahalagahan ng intelligence at confidential funds, ipinaliwanag ng ilang gobernador

HowSoonIsNow

Eternal Poster
Established
Joined
Dec 2, 2016
Posts
852
Reaction
422
Points
286

Kahalagahan ng intelligence at confidential funds, ipinaliwanag ng ilang gobernador​


You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

GINAGAWANG isyu ng Makabayan Bloc ang confidential funds ng Davao City noong si You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. ang mayor ng siyudad.
Batay kasi sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., mula 2016 hanggang 2022, pumatak sa higit P2-B ang confidential funds ng siyudad.
Ngunit para kay South Cotabato Gov. Jun Tamayo, walang kaso sa report ng COA.
Dahil normal lamang sa Local Chief Executives gaya ng mga mayor at governor na magkaroon ng confidential funds.
Pero, paano nga ba ito ginagamit ng mga gobernador?
“Meron kaming mga tao doon na sini-suwelduhan para magbigay ng feedback sa atin. Meron din tayong sinu-suwelduhan para doon sa ibang lawless elements, meron din tayong binibigyan na nasa mga community, nasa sa mga restaurants, nasa mga karinderya, nasa mga terminal, transport terminal, lahat ‘yan na-deploy lahat ng tao natin na hindi dapat malaman dahil ito naman sila ang nagbibigay sa atin ng mga intel report,” ayon kay Gov. Reynaldo Tamayo Jr., Province of South Cotabato.
Diin ni Tamayo, ginagamit ang confidential funds para maagapan ang paghahasik ng lagim ng mga kalaban ng pamahalaan.
Pinapayagan ng batas ang paggamit sa confidential at intelligence funds sa pagbili ng impormasyong kailangan sa national security.
Para sa mga operasyong magbubunyag o magpapatigil sa mga ilegal na aktibidad na maaaring magdulot ng pinsala sa mga pasilidad at pagmamay-ari ng gobyerno.
Pagbayad ng pabuya sa mga informer.
Pambayad ng upa ng mga sasakyang gagamitin sa confidential operations.
At pambayad ng upa at pagpapanatili ng kalagayan ng mga safehouse.
“Ang military at police may sariling intelligence community ‘yan. Pero mayroong intelligence community rin ang mga local chief executive kasi ‘yung mga military at pulis, papasok yan sila diyan aalis di man talaga sila diyan. Kami na mga local chief executives talagang babad kami diyan. At ‘yung mga tao mismo sa ground ay alam namin, kilala namin. Kaya’t mabilis sa amin maka-set up ng separate intelligence group na kung saan maka-counter ‘yung other intelligence group ng ating mga military at PNP,” dagdag ni Tamayo.
Binigyang-diin naman ni Tamayo na maraming mga banta ng kaguluhan ang hindi na lumalabas sa mga balita dahil naagapan ito gamit ang intelligence gathering.
At paano ito trinabaho?
Sa pagpapalawak ng intel scope gamit ang confidential funds.
“Maraming insidente na posibleng magkaroon ng bombing pero nai-iintercept namin na hindi na alam ng tao dahil hindi na pumutok. Kasi pag pumutok ‘yung bomba na ‘yan at maraming namatay, tatanungin ano ba ang ginawa ni Governor? Bakit hindi na-intercept? Ano ba ‘yung ginawa ng military? Ano ba ang ginawa ng pulis?” ayon pa kay Tamayo.
Para naman kay Davao del Norte Gov. Edwin Jubajib, napakalaking bagay sa kanilang probinsiya ang confidential funds.
Lalo na sa pagpuksa nila sa New People’s Army (NPA).
“Yes po dahil kung wala tayong budget diyan sa confidential ay hindi talaga natin kaya matapos ‘yung problema. Hindi natin kaya mabigyan ng counter-program ang programa ng CPP-NPA kasi lahat po ay nangangailangan talaga ng budget. At ‘yung budget naman para sa counter-insurgency at sa drugs ay maraming mga budget na nire-request ang ating kasundaluhan at kapulisan at other men in uniform sa department na hindi kasama doon sa ating annual budget,” ayon kay Gov. Edwin Jubajib, Province of Davao del Norte.
Sa mga nakalipas na panahon, pugad ng mga teroristang NPA ang Davao del Norte pero ngayon ay wala na ang mga ito.
Sa panahon naman noon ni VP Sara bilang Davao City Mayor nang ideklarang insurgency free ang buong Davao Region.
 
Magastos ang pagkalap ng intel, araw araw na pagkalap yon , maraming man power maraming paggagastosan para palaging secured ang mamamayan sa panganib ng masasamang loob, kaya sabi nga ng isang retired opisyal ng AFP pinagtatawanan lang daw tayo ng ibang mga bansa kasi , saan ka daw makakita na tinatanggalan ng fund yong intel ng isang bansa para sa seguridad nito , dito lang daw sa pilipinas ang may ganun
 
Tama naman, pero bandang huli tama rin na sa security agency dapat napupunta mga confidential fund. may punto rin naman na gamitin ni vp sarah, for security purpose. its matter of how good mga security agency, sa ngayon hindi eh. kaya nga marami parin terrorista. for now pabor ako. ++ davao insurgency free.
 
Magastos ang pagkalap ng intel, araw araw na pagkalap yon , maraming man power maraming paggagastosan para palaging secured ang mamamayan sa panganib ng masasamang loob, kaya sabi nga ng isang retired opisyal ng AFP pinagtatawanan lang daw tayo ng ibang mga bansa kasi , saan ka daw makakita na tinatanggalan ng fund yong intel ng isang bansa para sa seguridad nito , dito lang daw sa pilipinas ang may ganun

Agree ako na need talaga ng intel funds pero kasi sir no parang ang hirap pagka-tiwalaan nung nasa gobyerno eh hindi naman tayo ganoon kayaman na bansa. 😥
 
lol... sinong magpapaniwala dyan sa kultong news outlet kuno ni pêdo quibolok?
ano dyan sa news article na yan ang hindi kapanipaniwala sa sinasabi ng mga governor? masyado ka lang pinangingibabawan ng galit brader na pati common sense naglaho na sa isip mo. paki detalye nga kung saan yung sinasabi mong hindi kapanipaniwala para kami naman ang maniwala sayo.

Agree ako na need talaga ng intel funds pero kasi sir no parang ang hirap pagka-tiwalaan nung nasa gobyerno eh hindi naman tayo ganoon kayaman na bansa. 😥
is there any option kaninong mapagkakatiwalaang kamay mo ibibigay ang CIF maliban sa govt. heads? very crucial ang pinatanggal nilang mga CIF ng mga sangay ng govt. na ginawa nilang zero budget. yung mga naghahanap kung saan napunta yung budget at saan ginastos, hindi nila nakikita yan kasi sinasabi nila mapayapa nman ang sitwasyon. but, kaya mapayapa kasi na iwasan mangyare yung mga bagay na dapat mapigilan bago mangyare dahil sa CIF funds na yan. so ngayung wlang CIF funds, napaka vulnerable natin sa mga sitwasyon patungkol sa terrorism. ngayun, timbangin natin.. mas mahalaga bang ipagkatiwala natin sa mga sangay ng gobyerno ang CIF or bahala na at pikit mata na lang nating hintayin kung may mangyayareng hindi natin gugustuhin mangyare?
 
Last edited:
Gusto kasi niya, rappler cnn yung news source. yung libelous ba
Validate parin kahit ano pa. pero meron naman same article ibang news, di ko gets ano pinaglalaban nito.

Tingnan natin kung makapost pa ng fact checker kuno na rappler article to.
 
Gusto kasi niya, rappler cnn yung news source. yung libelous ba
Validate parin kahit ano pa. pero meron naman same article ibang news, di ko gets ano pinaglalaban nito.

Tingnan natin kung makapost pa ng fact checker kuno na rappler article to.
ganyan tlaga yung mga Parang ANGAT parang mga zombie.. basta hindi akma or panig sa kulto nilang pink, kahit anong valid point pa yan hindi nila tatanggapin. buti pa nga yung obob may pag asa pang matuto pero yung mga angat, parang may terminal cancer na sa utak hahaha
 
Gusto kasi niya, rappler cnn yung news source. yung libelous ba
Validate parin kahit ano pa. pero meron naman same article ibang news, di ko gets ano pinaglalaban nito.

Tingnan natin kung makapost pa ng fact checker kuno na rappler article to.
look ito ung mga trusted news outlet sa bansa natin. cnn is the mosts trusted. I would trust this news outlets kesa sa SMNI.
PAHAYAG-Q2-ES-Tables_page-0015-768x576.jpg
 

Attachments

Similar threads

Back
Top