Pwede ba?
Pwede mo ba akong samahan
Kapag kailangan ko ng kaibigan?
Pwede ka bang sandalan
Sa oras ng pangangailangan?
Patuloy akong nababalot ng kalungkutan
Luha minsan di ko na mapigilan
Kung sakaling tawagin kita
Makakarating ka ba?
Sa kabila ng malupit na mundo
Maaasahan ba kita sa tabi ko?
Maaari bang kumapit ako sayo
Kapag nararamdaman kong susuko na ako?
Sa panahong hindi ko na kaya
Pwede bang nandyan ka?
Maaari ba kitang hugutan ng lakas
Kung sa lahat ng ito, gusto ko nang tumakas?
Pwede ba? Pwede ba?
Sobrang bigat na ng aking nadarama
Sa kabila ng aking dinadala
Kung pwede sana...magkaroon ng kasama.
Pwede mo ba akong samahan
Kapag kailangan ko ng kaibigan?
Pwede ka bang sandalan
Sa oras ng pangangailangan?
Patuloy akong nababalot ng kalungkutan
Luha minsan di ko na mapigilan
Kung sakaling tawagin kita
Makakarating ka ba?
Sa kabila ng malupit na mundo
Maaasahan ba kita sa tabi ko?
Maaari bang kumapit ako sayo
Kapag nararamdaman kong susuko na ako?
Sa panahong hindi ko na kaya
Pwede bang nandyan ka?
Maaari ba kitang hugutan ng lakas
Kung sa lahat ng ito, gusto ko nang tumakas?
Pwede ba? Pwede ba?
Sobrang bigat na ng aking nadarama
Sa kabila ng aking dinadala
Kung pwede sana...magkaroon ng kasama.