NAgsimula din ako sa ganyang pangarap TS, 10 years na ang experience ko sa web at application development.
Mahirap sa umpisa, pero sipag at tyaga lang, pag-aagawan ka ng mga employer mo kapag marami kang skill set. Don't stick to one basket ika nga. Pag-aralan mo ang the mga popular languages, dahil yan ang magiging competency mo.
Much better if mag focus ka sa web development kasi yan ang trend ngayon PHP (Frameworks such as Laravel, CodeIgniter), HTML5, CSS3. Syempre kailangan mo rin ng knowledge sa VB.net, C++, Java , C# at Python.
Pag-aralan mo din ang network design, implementation and management, magandang skill yan para may extra points ka.
Kung may extra time ka pa, pag-aralan mo ang photoshop at video editing. Para may extra weapon ka sakali. (marami kang ma raket dito)
Maganda ang pinili mong landas, di ka magugutom basta mag focus ka at sabayan mo ng pananampalataya sa Diyos. God bless.