MisterSenpai
Eternal Poster
- Joined
- Sep 21, 2018
- Posts
- 574
- Reaction
- 305
- Points
- 297
"Kung paano siya nawala"
Merong isang bagay sa buhay ko
Na itinuring kong matalik na kaibigan
Ang gumising sa pagkatao ko
Ang nagpamulat sa mga matang ito
Alam mo ba yung pakiramdam
Na gigising kang nakangiti?
Yung tipong napakaingay na
Para sayo'y bagong panimula?
Magulo man sa tahanan niyo'y
Aalis kang may tuwa
Ang bawat hakbang ng mga paa mo'y
Alam mo kung saan ka pupunta
Habang papalapit ang lugar
Kung saan muling masisilayan
Ang ngiti sa iyong mukha
Lalo pang nabubuhayan
Tutol ako sa mga salitang
Ang mundo'y sadyang mapaglaro
Kung tayo'y makapagbintang
Sa mundo kung saan nandun tayo
Nang makarating na ako sa kung saan
Ang dahilan nitong pagngiti
Habang kumakabog ang dingding
Ng aking pusong nasa ******
Unti-unting lumalalim
Ang dagat na aking lihim
Matalik kong kaibigan
Kailan kaya mayroong pagtingin
Paulit-ulit ang ligaya
Tinatamasa ko tuwing umaga
Abutin man nang pananghalian
Ganun pa rin hanggang hapunan
Anong tamis ang bumibigkis
Sa hiwalay kong puso't isip
Ramdam ko ang ligaya
Sa tuwing ito'y nariyan pa
Subalit, sa paghaba ng panahon
Ang damdamin ko'y di napigil
Sa pagbitaw ng pag-amin
Matalik kong kaibigan, lumayo sakin
Doon ko na napagtanto
Sadyang ang mundo natin ay mapaglaro
Kung sino pa ang natotong magmahal
Siya rin pala ang madalas na iniiwan
Rapboxbox
SerasV
Beeggy
Lightrash
cutemedievil
madogou
Attachments
-
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.